Episode 57

1148 Words

Dapat ay sa police station o kaya ay sa isang magaling na abogado ang tungo ko ngayon ngunit heto ako at binabagtas ang daan patungo sa pamilya ng mga Dela Vega. Iniwan ko muna si Andrea sa pangangalaga ng mga kapatid ko dahil ayoko siyang isama pa at kung pwede lang ay itatago ko na siya sa kung saan, huwag na lang siyang makita ni Lyndon. Panatag naman ako na hindi na mawawala sa akin ang anak ko. Ngunit kailangan kong harapin si Lyndon at ang buong pamilya niya upang magkalinawan kami sa lahat ng mga bagay lalo na tungkol kay Andrea. Ayoko man na silang harapin pa ngunit kailangan. Ayoko na rin sanang makita ang mukha ng dati kong asawa ngunit kung hindi ko gagawin na kausapin siya ay baka ulitin niya na naman ang ginawa niyang pagkuha sa aming anak na walang paalam. Gusto akong sama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD