bc

Bridgetine Squad IV In Love With Luna [COMPLETED]

book_age18+
97.3K
FOLLOW
703.8K
READ
billionaire
possessive
sex
one-night stand
doctor
comedy
bxg
city
small town
virgin
like
intro-logo
Blurb

When Luna went to a medical convention in New York, all she wanted to do is focus on learning new things. One night, Kristina asked her to go to a bar with her after dinner and there she met the gorgeous and untamed AJ Walker. When Kristina left Luna to dance with a random guy, AJ took that chance to sit with Luna and have a conversation with her.

With two glasses of wine earlier at dinner and four bottles of beer, Luna who has very little tolerance for alcohol is officially tipsy. And when she is tipsy, she goes wild. The two of them shared a kiss.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FIVE YEARS AGO | New York City LUNA NAGLALAKAD kami ngayon papunta sa suite namin at katatapos lang ng convention. Alas kwatro y media na ng hapon at nakakaramdam na ako ng antok. There was too much information that was shared earlier. "Lu, do you want to go out for dinner later then get some drinks? Or are you staying in your suite again tonight?" Nakataas ang kilay ng kaibigan kong si Kristina Padilla. Napatawa ako at umiling iling.  Ang kaibigan kong ito ay walang kapaguran.  "Aren't you tired? Pakiramdam ko ay punong puno ang ulo ko sa discussion kanina. To think na padalawang araw pa lang natin dito. We still have three more days." Himutok ko sa kanya. Humalukipkip ito at tumigil sa paglakad. "That's the point. We need to get out para ma-refresh at ma-reboot ang mga utak natin. Gosh! Kung alam ko lang na nakakatuyo ng s*x life ang pagiging doktor ay nag-nurse na lang sana ako,"  nakasimangot n'yang sabi.  Kris and I are both doctors -- an Obstetrician-Gynecologist to be exact. Licensed kami dito sa Amerika at sa Pilipinas. Pero s'yempre, mahal ang inang bayan kaya sa Pilipinas namin piniling maglingkod. Sa sinabi n'ya ay napahalakhak ako. Kung may reyna ng kabulgaran, si Kristina Carlota na 'yon. Sometimes, I think na front n'ya lang ang pagiging bulgar. What do you think?   "Makatuyo ka naman, parang tigang na tigang ka. What happened to --" Pilit kong inalala ang pangalan ng lalakeng ipinakilala n'ya sa akin. "Ano nga ang pangalan ng boyfriend mo?" Umasim ang mukha n'ya. "Si Mike?? Hindi ko s'ya boyfriend." Ako naman ang napatigil ng paglakad at hinarap s'ya. "Ha? Eh ano mo si Mike?" "Casual f*ck," diretsong sabi n'ya sa akin. Hindi man lang ito kumurap. Ako ay napanganga at napatakip ang bibig sa sinabi ng kaibigan ko. "Iyang bibig mo, Kristina!" Nagpakumpas kumpas ang kamay n'ya habang humahalakhak. "Para namang hindi ka pa sanay sa bibig ko. Nagtataka nga ako at hindi ka pa nahahawa sa akin." "Hay naku! Ang sabihin mo, hindi ko alam kung bakit tayo naging magkaibigan." Umabrisyete naman s'ya sa akin at pinindot ang button ng elevator para umakyat sa taas.  "S'yempre loves mo ako at sister that you never had. Minsan nga naiisip ko kung si Lucas na lang ang asawahin ko para tunay na tayong magkapatid." Tumawa ito ng nakakaloko. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Talagang idadamay mo pa ang kapatid ko eh mas bata pa 'yon sa atin?" "Oh, eh maano naman? Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya. It's not such a big age gap."  Depensa pa n'ya. "Hay naku! Ewan ko sa iyong babae ka. Basta off limits si Lucas." Humalakhak ulit ito. "Nagbibiro lang ako! Ikaw talaga, napaka-seryoso mo sa buhay. Can you lighten up a bit? Kaya hindi ka magkaroon ng boyfriend eh. Pogi si Lucas okay? Pero parang kapatid ko lang 'yon at kambal tayo." Kumindat pa s'ya sa akin.  "Kambal nga. Ako ang matino at ikaw ang sira ulo," tumaginting ang halakhakan naming dalawa mabuti na lang at wala kaming kasama sa elevator. She didn't get offended at all. "So, bakit wala na kayo ni Mike? Mukhang okay naman s'ya ah. Hindi ka sana tigang ngayon." "I got bored. Dinner was okay. Basta! Mahirap ipaliwanag. Pero teka, huwag mong ibahin ang usapan  Luna Louvelle Guevarra. Kailan ka titikim? Aba ay ilang taon na lang at wala ka na sa kalendaryo," tanong n'ya sa akin.  Lumabas kami ng elevator ng bumukas ito at binaybay ang pasilyo.  "Huwag mo ngang pagdiskitahan ang s*x life ko. Okay lang ako," nakangiwing sabi ko sa kanya. "Siguro nga kaya naging kaibigan mo ako dahil may misyon ako," seryosong sabi n'ya. Pero ang mata ni Kristina ay nagbabadya na naman ng kaharutan. "Kinakabahan ako d'yan sa misyon na sinasabi mong babae ka."   Unang sasapit ang suite ko kaya ng narating ko ang pinto ay nagswipe ako ng card. Nang magbukas ito ay iniharang ko ang aking sarili at hindi muna pumasok dahil nag-uusap pa kami. Talagang nag-style pa ito bago magsalita. Inilagay ang kanyang hintuturo sa baba at saka nagsimulang mag-litanya.  "Ang misyon ko ay hanapan ka ng jowa! Dapat ang unang tikim mo yummy kaagad!" See what I mean? Jowa. Yummy. It's not even a word.  "Kristina! Matutuyuan ako ng utak sa mga lumalabas sa bibig mo. Puro ka yummy! Ano 'yon, ulam?" nakamulagat kong tanong sa kanya. "Close to that. Mahirap i-explain. Basta, ako ang bahala sa iyo ngayong gabi. Pupunta tayo sa bar d'yan sa tapat. Hahanapan kita ng yummy na ay hot pa. Wait, kailangan pala ay sizzling hot!" "Ginawa mo pa talagang sisig! Ewan ko sa iyong babae ka. D'yan ka na at maliligo pa ako. Gagawa na rin ako ng tulog." "Ah basta! Gigisingin kita mamaya. Umidlip ka muna para fresh and blooming ka ngayong gabi. Magsuot ka ng sexy, huwag 'yong closed neck." Bahagya pa itong nagpaypay na akala mo ay nasa tabi ng oven. "Summer na summer ang panahon, kaloka!"  Ang sinasabi n'yang closed neck eh hindi naman talaga closed neck kung hindi lang blouse na medyo mataas ang neckline at hindi labas ang cleavage. Doon ako komportable pero hindi naman ako manang manamit. Kasalanan ko ba kung ayaw ko ng revealing na damit? I've seen women these days na halos walang ng itago.  "Okay, sige na. Pumapayag na akong mag-dinner tayo tonight. Katukin mo na lang ako mamaya."   Tumuloy na ako sa loob at pumunta na si Kris sa kwarto n'ya. When I got inside, I checked my phone for a missed call or text message but I found none. Sino nga naman ang tatawag o magsesend ng text message sa akin? I don't even have a boyfriend.  Hindi ko alam kung intimidated ang mga lalake sa akin kaya single pa rin ako hanggang ngayon. I don't mean marriage -- I mean, dating. I came from a family of doctors. My mother and I are both Obstetrician Gynecologist while my Dad and younger brother are surgeons. Dalawa lang kaming magkapatid at ako ang panganay. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. NBSB ako or kung ayaw mo ng acronym -- no boyfriend since birth ang ibig sabihin. I do admire guys pero siguro wala pa lang  nakakapukaw ng matinding interes ko. Kaya heto, hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging nobyo. Minsan nga ay natatakot na ako dahil baka kasing lakas ng bagyo ang pagdating ng sinasabin nilang love.  I set the alarm for half an hour. I really need a power nap. When I woke up, I decided to have a bath and get ready for tonight's dinner. Nagbabad ako sa bath tub at nang manawa ay umahon na. Tutal bar naman ang pupuntahan namin, sa tingin ko ay bagay naman itong napili kong isuot. Cleavage na kung cleavage sabi nga ni Kristinang maharot. I chose an orange top and skinny jeans. Kahit matangkad na ako ay pinili ko pa rin na mag-stilettos na kakulay ng pang-itaas ko. I love shoes, can you tell? I'm tall at five foot eight. Some people might think I'm skinnny but I think my weight is okay. Maswerte ako sa hinaharap dahil hindi ito kasing-flat ng Manitoba. Isa pa sa problema ang height ko.Sa Pilipinas ay  puro mas matangkad ako sa mga lalakeng nakikilala ko. At sa totoo lang ay awkward para sa akin ang tumungo sa kanila. Call it crazy, but I like it better if the man is taller than me. Unfortunately, mas madaming lalake na ang average height ay nasa five feet seven. Kung maging five feet eight man ang mga ito ay tuluyan ng mawawalan ng silbi ang mga heels ko. I put a little bit of waves to my hair para hindi flat at nag-tirintas ng ilan. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko for a change. I applied a very light make up at saktong natapos ako sa pag-aayos ay kumatok si Kristina sa aking pinto. Mukhang nasiyahan s'ya sa itsura ko nang pagbuksan ko ito ng pinto. "Holy sweet mother f*cker! You should dress like that more often! Siguradong magiging blooming ang s*x life mo!"  Ang lakas ng kanyang boses. Mabuti na lang at walang tao sa hallway kung hindi ay nakakahiya kahit pa Tagalog ang usapan namin. "Ang bibig mo, Kris! Isa!" Sinamaan ko s'ya ng tingin pero tinawanan n'ya lang ako. "Let's go to Brazen Head. I heard good things about it -- best of all, there's lots of hot guys to f*ck!" excited n'yang sabi sa akin at nakangisi.  Talagang tigang na siguro ito. But behind that vulgar mouth is a broken woman, I think. Her eyes can't hide it. Nabigo siguro ito sa pag-ibig noon. Geez! Remind me again why I am friends with this woman?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.4K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.6K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
815.9K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

The Professor's Wife

read
449.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook