AJ Hindi ko napigilan si Luna na umalis. Pakiramdam ko, mentras na pinipigilan ko siya ay lalo lang siyang nagpupumiglas. Hinatid ko siya sa airport pagkatapos naming mag-dinner at hindi ko na inungkat uli ang tungkol sa kasal. But if she thinks we're done, she's got another thing coming. Hindi ko siya susukuan hanggang hindi siya pumapayag na magpakasal sa akin. Tinawagan ko si Caleb at Charlie at pinapunta sa bahay. Naakabalik na si Carter sa California kasama ang pamilya niya. "Ano na? Ikakasal ka na?" tanong agad ni Charlie na kauupo lang sa couch. Si Caleb ay nagpunta sa fridge at kumuha ng tatlong beer. Inabot sa amin ni Charlie ang tig-isang bote. "Why do you look like that? Mukha kang talunan? Marriage is not that bad, dude.” sabi ulit ni Charlie. "She won't marry me,” I le

