Jes Pov
Sabay na kaming naglakad pabalik sa resthouse, ang weird ni Thaddeus ngayon. Ang daming tanong, napasubo tuloy ako sa pagsagot dito, I mean sa mga tanong nito.
"Ano masakit pa ba ang iyong balikat?" tanong ko dito
"Hindi na gaano, magaling ang masahesta ko eh," biro nito
"Nambola ka pa, ayan kasi sa susunod huwag kang bida-bida." sabi ko ditong tumatawa
"Akala ko kasi madali lang, at kasing bigat lang naman ito nang mga dambel sa bahay, nakakangalay lang dahil nakatingin ka sa taas." paliwanag pa nito
"Lesson learned muna iyon,"
"Round two tayo mamaya?" tanong nito na ikinabigla ko,
Agad ko naman itong nahampas, ano bang pinagsasabi nito.
"Aray bakit?" takang tanong nito
"Anong round two pinagsasabi mo diyaan? Baka mamaya at may nakarinig sa iyong sinabi baka kong ano pang sasabihin nila." pangaral ko dito
"I mean round 2 sa swimming, ano bang iniisip mo?" balik tanong nito sa akin
"Kasi naman Thaddeus, kompletohin mo kasi ang sinasabi mo," sagot ko sa kanya
"Gotcha! Green minded," malokong saad nito
"Heh! Ikaw kasi ayusin mo iyang mga pinagsasabi mo," sagot ko nalang
Nadatnan namin si lola nanonood nang palabas sa telebisyon, nang mapansin kami nito ay agad naman kaming binati.
"Kamusta ang lakad niyo kanina?" tukoy nito sa pangunguha namin nang prutas sa farm
"Okay lang la," sagot ni Thaddeus sa lola nito
"Ikaw Jes iha," baling nito sa akin
"Okay naman po, sobrang mababait po iyong mga trabahante niyo po doon lola, ang gaganda po nang mga bunga sa mga prutas at gulay la. Alagang-alaga, nawili naman po ako kanina, ayan nga po si Thaddeus nag bibida bidahan sa pag sungkit nang mangga, ayan po tuloy nangalay ang balikat." tumatawang kwento ko kay Madam Theressa na napangiti.
"Talaga? bakit mo naman iyon ginawa apo eh hindi ka naman sanay doon." tanong ni lola sa apo nito
"Akala ko po kasi madali lang, kaya nag presenta ako." paliwanag nito sa abuela.
"Nako ikaw talaga," ang tanging nasabi nalang nito sa apo
"Ikaw lola, kamusta po kayo dito?" tanong ko,
"Ito natambay lang ako sa terrace nang kwarto ko at nag ikot-ikot lang sa mga halamanan." nakangiting sagot nito sa akin
"Ang ganda po dito lola, ang tahimik malayo sa gulo, ang presko pa po nang hangin at mga pagkain dito." totoo iyon, kong ako ang papipiliin mas gusto kong tumira sa ganitong lugar, iyong malayo sa syudad, malayo sa gulo.
"Kaya hindi ko ibenenta kahit wala na ang lolo ni Thaddeus dahil paborito namin itong puntahan noon, at tsaka marami rin kaming tauhan dito, kawawa naman sila." ang bait talaga nito
"Kita rin po sa mga tauhan ninyong mahal nila ang buong lugar po, alaga ito." sagot ko dito
"Kaya isa ito sa mga hiling ko kay Thaddeus na kong sakali mang mawala na ako ddito sa mundong ibabaw, gusto kong alagaan niya ang lugar na ito kasama na ang mga tao rito." nakangiting baling nito sa apo.
"Lola naman, huwag nga kayong mag-isip nang ganyan la." inis na sagot nito sa abuela
"Huwag mo akong artehan Thaddeus, darating talaga ang panahon na mawawala na ako sa tabi mo. Kaya ko sinasabi ito." sita nito sa apong nagdadabog na parang bata, natawa akon sa kanilang dalawa
"Oo na, hindi ko na ibebenta ito kaya huwag na kayong mag-alala lola," sagot nito
"Subukan mo lang talaga, gigisingin ka talaga nang lolo mo." banta pa nito sa apo
Tumayo kami nang luto na ang pagkain, masaya ang salo-salo namin wala namang problema. Pinagtutulongan namin ni lola si Thaddeus. Ang kulit nang mag lola.
"Ikaw iha, anong gusto mong puntahan natin sa susunod?" tanong ni lola sa akin, nagpaplano na naman kasi itong mag bakasyon sa susunod na linggo
"Wala po akong maisip eh, kong saan po ang gusto ninyo ay doon po ako la," tanging sagot ko nalang dito
"Wala ka bang gustong lugar na puntahan mo?" pangungulit nito sa akin
"Ahh sa Baguio city po lola, pero amlayo po iyon at gasto lang." saad ko dito
"Talaga? Anong gusto mong etry dito?" tanong pa nito
"Gusto ko pong explore po iyong buong lugar, maganda po kasi at malamig po parang nasa ibang bansa lang po." sagot ko dito, nakikita ko kasi sa social media.
"Oo nga, apat na beses palang akong nakapunta doon. Sege next time doon tayo," saad nito na ikinagulat ko
"Nako lola, akin lang po iyon." sabi ko dito, tiningnan ko si Thaddeus nagkibit balikat lang ito sa akin
"Don't worry iha, namiss ko rin doon." sagot lang ni Madam Theressa sa akin
Natapos na kaming maghaponan, nagpaalam akong pumanhik sa aking silid upang iligpit ang aking mga gamit para laging handa. Ayaw kong pakalat-kalat mga gamit ko, naglinis na ako nnag katawan at nagbihis. Nahiga ako sa aking kama nang maalala ko ang sinabi ni Thadeeus kanina, nag-aya nga pala itong mag swimming. Bumangon ako at naghanap nang pang swimming.
Pagbaba ko sa pool ako dumiretso. Nakita ko ito doon, may katabi itong alak, napalingon naman ito sa gawin ko nang makita ako.
"Hi! Akala ko nakalimotan mo." saad nito sa akin nang makalapit ako
"Muntikan na hahaha... pagpasensyahan mo na makakalimutin talaga ako," tumatawang sagot ko dito
"Ano ba iyan, muntikan na akong mag solo." tumatawang sagot rin nito
"Nako may balak ka na naman. Bakit may pa alak ka?" tukoy ko dito sa katabing alak niya
Tumawa ito at kinuha ang alak at nag salin.
"Siyempre pampa antok na rin." simpleng sagot nito at sinalinan ang dalawang basong glass nang wine, inabot nito sa akin ang isang glass wine.
"Cheers!" sabi pa nito
"Lasenggo ka yata eh, napapansin ko rin noong bago pa ako sa mansion palagi kang umiinom." saad ko dito, palagi ko kasi itong nakikita.
"Hindi naman, minsan lang kapag hindi pa ako dinadalaw nang antok, hindi ko rin nauubos ang alak ah, ilang abso lang naman." depensa pa nitong sagot sa akin
"Oh chill! Bakit ka depensive?" tumatawang tudyo ko nito, agad naman itong tumawa sa ginawa ko.
"Makulit ka talaga, kasing kulit muna si Red," tukoy nito sa anak ni Lavi na kaibigan ko
"Ganoon talaga sabi nila basta mga cute ay makulit." sagot ko dito
Napailing naman ito sa aking sinabi, tinawanan ko lang ito.
"So, anong plano natin ngayon?" tanong nito at tumongga na naman,
"Ikaw, ikaw ang nag-yaya tapos ako tatanungin mo." sagot ko dito
"Sege truhth or dare? Ano game ka?" suhestyon ntio
"Okay lang ako, bawal bang mag pass?"
"What do you mean by pass?" tanong nito sa akin
"I mean, iyong sa dare kapag hindi ko kayang gawin pwede ba akong mag pass?" tanong ko rito
"No. Don't worry hindi naman ganoon kahirap ang mga dare natin eh, depende pa rin sa atin. I mean depende sa mananalo siyempre. Walang ma-oofend ha," sagot nito sa akin
"Game, so paunahan tayo isang balikan tapos kong sino iyong mananalo ay siya ang mag dedecide." saad ko dito
"Yes."
Bumaba na kaming dalawa sa pool at nang ready na sa paligsahan namin, nag streaching ako upang mabinat ang aking ,mga buto. Nilingon ako nito at tinawanan lang.
"Ngiti-ngiti mo diyaan?" tanong ko rito
"Wala naman, ready?"
Tumango lang ako bilang sagot dito at lumangoy na, freestyle lang ang ginawa ko tinulak ko ang aking katawan paabante. Binilisan ko pa ang pag langoy, for the first try ay nanalo ako. npangisi naman ako dito.
"Okay Thaddeus, truth or dare?" nakangisi kong tanong dito
"Truth or dare?" tanong ko dito
"Truth," mabilisang sagot nito na ikinatawa ko
"Anong pangalan nang iyong first love?" tanong ko rito, lumagok muna ito nang isang baso nang wine,
"Brianna," nakangising sagot nito sa akin
"Ang dali naman siguro nang tanong ko." ingos ko dito
"Okay ready."
"Ang daya, ginamitan mo naman ako nang langas." reklamo ko dito
"Well sorry, hahahah.... okay, truth or dare?" tanong nito sa akin
"Truth," sagot ko dito na siyang ikinagulat nang huli
"Are you sure about that?" tanong nito sa akin
"Yes."
"Okay, what is your ideal man?" tanong nito sa akin
"Really? Sa lahat nang pwede mong itanong iyan talaga Thaddeus?" tanong ko dito
"Yes, what's wrong with that? I want to know the truth." sagot nito sa aking nakangisi
"Okay, my ideal man? I want someone na tanggap ako at ang estado ko sa buhay, iyong lalaking kaya akong respetohin. Iyong lalaking hindi tumitingin sa panglabas na anyo. Should I answer more?" tanong ko dito, umiling naman si Thaddeus
"Noted. Another round?"
"Pwede ba akong may advantage? kahit tatlong steps lang." tanong ko dito
"Sure."
Umabante ako nang tatlong steps, napangisi naman ako. This time I want to win, naghintay akong magbilang ito nang tatlo at nagsimula na kaming mag unahan.
"Yes I won," sigaw ko dito, tumatawa naman itong nakatingin sa akin,
"Congrats, okay dare." sabi nito sa aking walang pag aalinlangan.
"Hmmm, bring me a blue towel." utos ko dito, agad naman itong tumalikod at nagpunta sa loob nang bahay upang kunin ang aking inutos.
"Nakuha ko na." sigaw nito pagkabalik sa akin
"Thank you," sagot ko dito,
Ang bilis nito parang tinakbo lang ang hagdan.
"Okay ready for another round?" tanong ulit nito sa akin
"I'm ready." sagot ko naman
Salitan lang kami ni Thaddeus, kanina talo ako at nanalo naman ang huli.
"Dare," sabi ko dito
"Okay, get some salt and lemon." utos nito sa akin
Mabilis naman akong tumayo at pumuntang kusina, upang kumuha nang salt at lemon na utos nito sa dare.
"Here's the salt and lemon Thaddeus," saad ko sa kanya
"Oh, thank you," sagot naman nang lalaki.
"Saan mo naman gagamitin iyan?" tanong ko dito
"Secret," nakangising sagot naman nang huli
"May pa secret-secret ka pang nalalaman ha," sabi ko na na ikinatawa naman nang huli
Bumaba na ulit kami sa pool, tulad kanina ay pinagbiyan ako nito, tatlong hakbang ulit ang advantage ko dito. Unfortunately ay natalo ako at nanalo ang huli, parang hindi ko gusto ang pagkakangiti ni Thaddeus.
"Okay truth or dare?" tanong nito sa akin,
"Truth." sagot ko dito na agad namang nawala ang kanyang ngisi,
"Such a naughty little girl," saad nito sa akin
"Dream wedding?" tanong nito sa akin, tinongga ko muna ang isang baso nang wine bago ko ito sinagot.
"So easy, well bata palang ako ay pangarap ko nang magkaroon nang beach weeding." simpleng sagot ko dito,
Nang dahil sa nangyare sa aking mga magulang ay hindi ko na pinangarap na magkaroon nang church weeding. Natakot akong mangyare ulit sa akin iyon, kong dumating man ang araw na ikakasal ako, ayaw kong sa simbahan ako ikakasal. Masyadong sagrado ang simbahan at natatakot akong hindi ko matupad ang aking mga pangako sa harap nang panginoon.
"Why beach wedding?" tanong nito
"Bakit? What's wrong with that?" takang tanong ko dito
"Ayaw mo ba nang church wedding?" tanong nito
"Hindi naman sa ayaw ko, nagkaroon na kasi nang lamat ang mga magulang ko about the church wedding. At alam mo namang hindi naging succesful ang kasal nila, ayaw kong mangyare ulit ito sa akin." sagot at paliwanag ko dito
"Oh I see, but always remember Jes na hindi mo dapat kinokompara dahil hindi lahat ay magkakapareho ang storya nang buhay natin." payo nito sa akin
Well, my point naman ito. Nagkibit balikat lang ako dito bilang sagot.
"Okay, another round." saad nito sa akin.
For how many rounds ay sunod-sunod na ang aking pagkatalo. Na siyang ikinasaya naman nang lalaki.
"Ang daya naman eh," reklamo ko dito,
"No more complains woman, ngayon pumili ka na for the first 5 loses." sagot nito sa akin,
"Okay first dare," panghahamon kong sagot kay Thaddeus
"Dare.... okay put the salt in my nape and lick it." nakangising saad nito sa akin,
Hinahamon ako nito, at alam ko iyon. Umahon ako sa tubig at kinuha ang salt na nasa tabi nang wine, kinuha ko ito at lumapit dito. I put salt at his nape, I took a glance to Thaddeus and lick his nape, I heard him groan.
"I'm done." nakangising saad ko dito
"I see," sagot nito
"Truth or dare?" tanong ulit nito, talo kasi ako nang limang beses at nag decide itong isahin na lamang ang mga punishments ko.
"Dare," diretsahang sagot ko dito
"You're challenging me Jes,"
"Did I?" sagot ko dito at lumapit nang dahan-dahan
"Hmmm," tanging sagot nito
"What do you want me to do?" paos kong tanong dito
"Are you seducing me woman?" naningkit ang kanyang matang nakatitig sa akin
"I didn't." inosenting sagot ko dito
"Drip a lemon in my neck." panghahamon nitong utos sa akin,
Kinuha ko ang lemon sa kamay nito at piniga sa leeg ni Thaddeus, agad ko namang dinilaan iyon, narinig ko ang mahihinang hininga nito.
"Gusto mo talagang asarin ako Jes, ang sakit mo sa puson." komento nito sa aking ginawa
"Ikaw kaya ang may gusto tapos ako pa sisihin mo." simpleng sagot ko dito
"Talaga lang ha," nakangising sagot nito
"hmmmm," tanging sagot ko dito
"Third, truth or dare?" tanong nito sa akin
"Truth," sagot ko
"Okay, kong nasa sitwasyon kang papipiliin ka pera o yong taong mahal mo, sino ang pipiliin mo at bakit?" seryosong tanong nito sa akin na ikinabigla ko, natigil ako sa tanong nito.
"Ang seryoso naman nang mga tanong mo, okay kong ako ang papipiliin mahirap pero kailangan mong mamili. Minsan kailangan nating mag desisyon para sa pamilya natin kahit ang kapalit nito ay ang taong mahal natin, hindi lahat nang mga taong pinili ang pera ay masama na, may rason kong bakit nila iyon napili. Kaso kong papairalin ko talaga ang pagiging praktikal siyempre pipiliin ko talaga ang pera para sa pamilya ko kahit na ang kapalit ay pagkawasak ko. Pero kong kaya ko namang buhayin ang pamilya ko sa sarili kong trabaho pipiliin ko iyong taong mahal ko. Alam mo Thaddeus mag dedepende kasi iyon sa sitwasyon, kailangan nating lawakan ang ating pag-uunawa hindi iyong nanghuhusga agad tayo." paliwanag ko dito
"So ipagpapalit mo iyong taong mahal mo para lang sa pera? Ang pera kaya mong kitain iyon eh pero iyong taong mahal mo minsan lang iyan darating sa buhay natin." tanong nito sa akin
"Nandoon na tayo sa oo kaya namang buhayin ang problema lang sa panahon natin ngayon na sobrang hirap mag hanap nang trabaho, karamihan talaga sa ganyang sitwasyon mas pipiliin nilang pera. Pero tulad nang sabi ko kong may trabaho naman ako at kaya kong buhayin ang pamilya ko siyempre pipiliin ko iyong taong mahal ko." sagot ko dito
"Para sa akin, mas pipiliin ko ang taong mahal ko. Paano kong ang taong iyon ay iyon na pala ang para sa akin, kasi ang pera nandiyaan lang iyan. Madali lang kitain ang pera kapag matiyaga ka lang." paliwanang nito sa kanyang sarili.
"Siyempre iba-iba naman tayo nang rason at estado nang buhay kong ako naman ang nasa katayoan mo pipiliin ko kaagad iyong taong mahal ko, may pera na ako eh." kompara ko sa katayoan nito, hindi kasi nito naiintindihan ang aking rason
"Hindi ba pwedeng piliin ang taong mahal mo at sabay kayong mag sikap para sa pamilya ninyo?" tanong nito
"Depende nga sa sitwasyon, paano kong pipiliin mo ang taong mahal mo tapos hindi ka apala tanggap sa pamilya niya, hindi ko rin naman kayang piliin iyong taong mahal ko kong itatakwil lang rin naman siya nang sarili niyang pamilya. Mas gugustohin ko nalang na ako ang masaktan kaysa itakwil ito nang kanyang pamilya," sagot ko dito
"Paano kong handa ka niyang ipaglaban sa sarili niyang pamilya?" tanong ulit nito
"Hindi ko alam, bakit ito iyong pinag-uusapan natin ang hirap naman sagutin nang mga tanong na iyan." napakamot ako sa tanong nito, ang hirap naman kasing sagutin
"Gusto ko alamin ang sagot at rason mo kong bakit, kasi diba kadalasan ngayon ito iyong madalas na mangyare," saad nito
"Okay, next." sagot ko nalang sa sinabi nito
"Last two, truth or dare?" tanong nito sa akin at tinongga ang isnag basong wine
"Truth." sagot ko dito
"Papaano mo sasabihin sa taong mahal mo na gusto mo ito?" tanong nito sa akin
"Alam mo Thaddeus naninibago ako sa mga tanong mo, masyado ka namang seryoso. In-love ka ano?" tudyo ko dito
"What? Paano kapag nangyare iyan atleast may idea na ako kong papaano ko gagawin diba." sagot nito sa akin
"Talaga ba Thaddeus?" asar ko pa dito, napakamot naman ito sa batok
"Sege na sagutin mo nalang kasi." naiinip na sabi nito
"Para sa akin paano ko ba sasabihin sa taong mahal ko siya, sa side ko naman na wala pa akong karanasan pag dating sa ganyang bagay siguro ipapakita ko muna sa actions ko, ayaw ko namang sabihin kaagad sa taong iyon na mahal ko siya baka mamaya hindi kami pareho nang nararamdaman. Hindi ko isusugal ang aking sarili sa taong wala namang kasiguraduhan." simpleng sagot ko dito
"Paano kong pareho kayo nang nararamdaman?" tanong ulit nito
"Kong pareho naman kami nang nararamdaman, babae ako so hihintayin ko monang mag tapat siya sa akin bago ako magtapat nang nararamdaman ko sa taong iyon." sagot ko
"Hindi ikaw iyong tipo nang taong nag fi-first move?" tanong nito sa akin
"Siyempre dalagang pilipina ako so hindi." sagot ko dito
Natawa naman ito sa aking sinabi.
"Last, truth or dare?" napahinga naman ako, sa wakas last na
"Well, truth." maikling saad ko dito
"Kong may isang lugar kang gusto mong puntahan, saan iyon at bakit?" tanong nito sa akin
"Bakit ang damin naman siguro nang tanong mo." tumatawang reklamo ko dito
"Pang huli na eh, lubosin ko nalang." sagot naman nito
"Kong may isang lugar man akong gusto puntahan iyon ay ang paris, gustong libotin ang magagandang tanawin doon. Kong dito naman sa pilipinas ang gusto kong punatahan ay baguio, malamig kasi doon parang nasa ibang bansa lang ang ambiance." sagot ko dito
"Aside sa baguio saan pa ang gusto mong puntahan dito sa pilipinas?" tanong nito sa akin
"Noong bata pa ako na curious ako sa Vigan kasi palagi namin itong natatalakay sa aral-pan ko noong high school." ayon kasi sa aral-pan namin nang takayan noong high school, maganda ang Vigan
"Talaga, hindi mo ba gusto ang Cebu, Bohol, Ilocos at Davao?" tanong pa nito
"Nakapunta na kasi ako nang Cebu, Bohol at Davao. Sa Ilocos hindi pa," sagot ko nalang
"Really?" gulat na tanong nito
"Oo, kasi iyong pamilya nang mama ko taga Davao kasi, iyong papa ko naman taga Cebu, at iyong parents nang mama ko taga Bohol." paliwanag ko kay Thaddeus
"Kaya naman pala, so anong mayroon sa Davao?" interesadong tanong nito
"Sa Davao? Ang magandang puntahan ay Samal Island kong gusto mong mag relax, kapag gusto mo naman nang mga masasarap na barbecue pumunta kang Roxas sa sa night market at may masarap na ice cream ni mang Danny doon na sikat sa Davao." recommend ko dito, paborito ko iyong mga pagkain at puntahan sa davao noong nag stay ako doon.
"Talaga? Napuntahan mo na iyon doon?" amaze nitong sabi sa akin,
"Oo naman, masarap rin iyong durian nang davao at pastel." sagot ko dito
"Nakapunta na rin akong Davao but it was all about business, at hindi rin ako nakapag libot doon." paliwanag nito sa akin
"Next time na makapunta o makabalik ka nang Davao, try mong puntahan at etry iyong mga sinabi ko. Promise hindi ka talaga magsisisi doon." saad ko ditp
"Yes, pwede naman siguro kitang dalhin para may tour guide ako diba?" tanong nito sa akin
"Oo, walang namang problema sa akin iyon. Pero paano si lola?" kapagkuwan ay tanong ko rito
"Marami namang katulong at pwede rin ako mag request nang private nurse for her." simpleng tugon nito sa akin
"Ikaw bahala." sagot ko at tinongga ang isang basong wine
"Thaddeus, pwede ba akong mag tanong about your personal life?" tanong ko rito
"Yes, you can." sagot nito
"Anong nangyare sa iyo at sa first love mo?" na curious kasi ako kong ano ang naging dahilan kong bakit sila nagkahiwalay
"Hmmm, we're friends since mga bata pa kami. Tatlo kaming magkakaibigan at siya lang ang mag-isang abbaeng kaibigan namin, sobrang close namin tatlo para na nga kaming magkakapatid hanggang sa tumongtong kami nang college, hindi ko namalayang may pagtingin na pala ako dito hanggang sa nagkaroon na ako nang lakas nang loob at pinagtapat ko sa kanya kaya lang hindi happy ending, hindi kami pareho nang nararamdaman." mahabang paliwanag nito, tinitigan ko ito may nabasa akong lungkot sa mata ni Thaddeus kaya tinapik ko ang balikat nito.
"Sorry for that," tanging nasambit ko nalang dito
"It's okay, after that happened hindi ko natanggap kaya ginawa ko lahat para makuha ito ngunit sa sobrang desperado ko nadamay pa ang ina nito. Nasagasaan ko ang nanay nito na siyang naging dahilan nang pagkamatay. Doon ako natauhan, sising-sisi ako sa nangyare. Humingi ako nang tawad dito, pero tanggap ko namang hindi ganoon kadaling magpatawad kaya naghintay ako hanggang dumating iyong araw na pinatawad niya ako. Buong akala ko noon ipapakulong ako nito, pero hindi niya ginawa iyon. Sobrang guilty ako sa nangyare kaya lumayo ako dito." dugtong pa nitong kwento
"Atleast diba okay na kayo ngayon? I mean napatawad ka na niya." tanong ko dito
"Oo okay na kami ngayon and I'm thankful for that." nakangiting saad nito, nakaramdam ako nang konting kirot nang makita ang ngiti nito.
"Good for you." saad ko
"Yeah, excited na nga akong makita ulit ito," halata sa mukha nito ang kasayahan, ang hirap palang magmahal nang patago.
Masaya ako para dito pero nasasaktan ako para sa sarili ko. Kahit anong pigil ko ay wala rin hulog na ako sa lalaking nasa tabi ko ngayon, na masayang nagkukwento tungkol sa first love nito. Iyong tanong nito kanina parang wala ring silbi ang naging sagot ko. Kahit pa anong piliin ko alam kong talo pa rin ako sa huli.
"Ang lalim naman noon, care to share?" pansin nito sa akin
"Thaddeus magagalit ka ba kong magsisinungaling sa iyo ang isang tao?" tanong ko dito
"Kong hindi ko naman ganoon ka close ang tao hindi. Masasaktan ako kapag isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ang nagsinungaling sa akin siyempre depende pa rin iyon sa rason." baliwalang sagot nito
"Isa ba ako sa mga taong pinagkakatiwalaan mo?" tanong ko dito na siyang ikinalingon naman nang binata
"Of course, why? Are you lying to me Jes?" seryosong tanong nito
"Paano kapag dumating iyong araw na malaman mong nagsinungaling ako, mapapatawad mo ba ako?" hindi ko sinagot ang tanong nito, bagkos tinanong ko pa ito
"Alam ko namang may rason ka kong bakit mo nagawang mag sinungaling sa akin. Hihintayin kong ikaw mismo ang magsabi noon." nakangiting sagot nito
"Okay sabi mo iyan ha,"
"Ikaw, ano ang pinaka mahirap na nangyare sa buhay mo?" tanong nito
"Sa akin, pinakamahirap iyong nagkahiwalay ang aking mga magulang. Sinong anak ang gugustohin na magkahiwalay ang kanyang mga magulang siyempre wala. Alam mo iyong mahirap na kailangan mong mamili sa kanilang dalawa kong saan mo gustong sumama." naalala ko pa rin ang araw na iyon kong saan pinapapili ako kong saan ako sumama.
"Mas close ako sa papa ko, kaya sobrang hirap mag desisyon noong time na iyon. Ayaw kong ewan si papa pero ayaw ko ring malayo sa mga kapatid ko, pero ngayon hindi ko maiwasang isipin na what if, hindi ako sumama kay mama siguro mas maganda ang buhay ko ngayon kasama si papa, what if hindi naghiwalay ang magulang ko siguro ang saya namin. Wala eh mas pinili nilang maghiwalay kaysa ayusin ang pamilya namin." hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko, yumuko ako upang punasan ito
"I'm sorry Jes." hinging paumanhin nito
"Okay lang, kaya kong dumating man ang araw na magkaroon ako nang sarili kong pamilya ayaw kong matulad ako sa mga magulang ko." saad ko kay Thaddeus
"Hindi mangyayare iyon." saad naman nito
"Kaya takot akong magmahal dahil takot akong masaktan."
"Ang sakit ay parte iyon nang pagmamahal Jes, kong hindi ka nasasaktan ibig sabihin ay hindi ka nagmahal nang totoo. Okay lang masaktan ang importante may lesson ka after nang pangyayare. hindi tayo matotokong hindi tayo nasasaktan." saad nito nagulat ako nang hinila nito ang kamay ko at niyakap ako
"Cry Jes, ilabas mo lahat nang sakit na dala-dala mo nang ilang taon, cry." bulong nito sa akin
Hindi ko alam pero kusa nalang tumulo ang aking mga luha, nilabas ko lahat nang hinanakit ko sa mga magulang ko. Wala na akong pakialam sa taong kasama ko bgayon, ang gaan sa pakiramdam na may isang taong handang makinig sa mga problema natin.
"When times get tough just cry, cry and cry." himas nito sa aking likod, atleast may isang taong naiintindihan ako without judgement.
Your relationship with yourself sets the tone for every other relationship you have.