Thaddeus Pov
Maagang natapos si Thaddeus sa kanyang meeting, nilibot niya ang building pagkatapos nang emergency meeting nila with the board. So far wala namang naging problema, na check na rin niya ang ilang report. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay nag pasya na siyang umalis. Nang makauwi siya sa rest house nila ay naabutan niya ang kanyang lola at Jesuzit sa dining area.
"Apo come here, sakto ang dating mo. Umupo kana," bungad nang kanyang lola
"Yes la, wala naman pong ibang problema kaya mabilis kaming natapos." saad ko dito
"How about the spy?" tukoy nito sa taong nagnakaw nang pundo namin
"La, don't worry about that, okay na po ang lahat." paniniguro ko dito
"Good. So anong oras kayo pupuntang farm?" tanong pa ulit nito
"Mamaya siguro la mga 2pm iyong hindi na masyadong mainit," sagot ko dito
"Jes, okay lang ba sa iyo ang 2 pm?" untag ko dito nang wala itong imik simula nang dumadting ako.
"Okay lang naman sa akin." sagot nitong nakatingin lang sa kanyang pagkain
"Are you okay?" tanong ko pa dito
Nag-angat ito nang tingin at tiningnan ako.
"Oo naman, bakit?" takang tanong nito
"Wala lang parang ang tamlay mo lang siguro ngayon." sagot ko sa dalaga
Tumango ito at hindi na nagsalita pa.
Pagkatapos naming kumain nang tamghalian ay pumanhik muna ako sa aking silid upang mag palit nang damit. Saktong tapos na ako ay biglang may kumatok. Bumukas ito at nakita ko si lola.
"Yes po lola?" tanong ko dito
"May nangyare ba sa inyong dalawa ni Jes?" diretsong tanong nito sa akin na ikinabigla ko
"What the..... I'm sorry la, nagulat lang ako sa tanong mo. Bakit niyo po natanong?" balik kong tanong dito
"Answer me Thaddeus." seryusong saad nito
"Wala of course," sagot ko dito
"Okay. Napaka depensive mo naman apo, nagbibiro lang ako eh," tumatawang saad nito sa akin
Seriously?! Hindi ko alam kong ano ang trip nang aking lola. Napa buntong-hininga nalang ako, tumatawa pa rin ito.
"La ano po bang trip niyo?" tanong ko dito
"Wala naman, nagtatanong lang ako eh. Sege na mag ayos kana diyaan at baka kanina pa naghihintay si Jes sa baba." saad nito at tumalikod na
Napailing ako sa ginawa nito, minsan hindi ko rin talaga maintindihan ito. Mabilis akong nagligpit at bumaba na. Naabutan ko itong naka upo sa sofa, naka white longsleeve ito at black leggings. Napaka attractive nitong tingnan, kanina ko pa napapansin na ang lalim nang iniisip nito.
"Hey," untag ko dito
"Ahh yes? okay ka na ba?" tanong nito sa akin,
"Let's go?" yaya ko dito
Naglakad na kami papuntang farm, malapit lang naman ito. Nagdala kami nang isang basket, mangunguha lang kami nang ilang pirasong prutas. Lahat nang mga tauhan namin dito sa farm ay may kanya-kanyang bahay. May maliit rin kaming fish pond dito sa farm, malawak itong lupain nang mabili ni lolo para sa anniversary nila ni lola.
"Magandang hapon po sir Thaddeus." bati sa akin nang isang tauhan namin,
"Magandang hapon rin po sa inyo, mamimitas lang po kami nang ilang pirasong prutas." saad ko dito
"Kami na po ang mangunguha sir, para hindi na po kayo mahirapan," alok nito
"Hindi po ba nakakabala sa inyo manong?" tanong ko rito, oras kasi nang pahinga ngayon
"Okay lang po sir, ah sir pwede po bang magtanong?" saad nito sa akin
"Yes, ano po iyon?" tanong ko dito
"Girlfriend niyo po ba si maam?" tukoy nito kay Jesuzit na katabi ko
Agad naman itong napalingon sa kausap ko, at ngumiti.
"Nako manong hindi po. Nanny po ako ni Madam Theressa, ako lang po iyong sinama dito ni Thaddeus dahil wala po itong katulong po," paliwanang ni Jes sa tauhan namin
"Ay pasensya na po kayo maam," hinging paumanhin nito kay Jes
"Wala po iyon," sagot nang dalaga sa matanda
Hinatid kami nito sa mga puno nang mangga, avocado, pinya, saging at watermelon. Ang sarap nang mga ito lalo na at bagong pitas pa. Bawat prutas ay may isang daanng puno ito. Sa susunod pang linggo ang harvest dito, may mga buyers na kami kaya walang problema ang pagbinta dito. Nilingon ko si Jes na manghang-mangha sa mga nakikita nito.
"Wow ang ganda naman dito Thads, bukod sa sariwa ang hangin, marami ring prutas at gulay. Ang sarap naman tumira rito." saad nito sa akin na hindi hinihiwalay ang paningin sa mga orutas.
"Glad you like it." saad ko nito
Lumingon naman ito sa akin at ngumiti, hindi nga nagkamali si lola na si Jes ang ipapasama nito sa akin. At hindi rin ako nagkamaling bigyan ito nang isang pagkakataon bilang isang Nanny ni lola.
"Shempre ang ganda kaya nang tanawin, sa buong buhay ko ngayon lang ako naka punta nang farm, kaya thank you sa pagsama sa akin dito." masayang saad nito sa akin.
"No problem. Pwede naman tayong mag spend dito nang weekend, sasabihin ko kay lola para na rin makalanghap ito nang hangin." suhestyon ko rito
"Nako hindi pwede si lola nextweek kasi may dalawang session kaming check-up. Hindi siya pwedeng magpagod." sagot nito sa akin
"Then maybe next, next weekend." saad ko dito
"Hmmm may day off ba ako? I mean nakalimutan ko kasing itanong sa iyo during the interview. Balak ko sanang bisitahin sila mama sa bahay." tanong nito sa akin
"Pwede ka namang mag day off, anong araw ba ang gusto mo?" tanong ko rito
"Hindi ako pwede sa tuesday at thursday kasi araw iyon nang check-up ni lola so maybe wednesday nalang tapos uuwi rin ako kaagad." paliwanag nito sa akin, wala namang kaso iyon,
"Magdala ka na rin nang mga prutas at gulay para sa kanila," sabi ko dito, agad naman itong napalingon sa akin.
"Okay lang ba?" tanong nito sa akin
"Oo naman, manghingi nalang tayo nang supot sa mga tao dito." sabi ko dito
"Kuya pwede po ba akong pumitas po nang pinya," lumapit ito sa kay manong nangunguha nang prutas.
"Sege po maam, mag ingat po kayo kasi po may tinik po iyan." paalala nito kay Jes
"Mag ingat ka Jes," sabi ko dito at nilapitan, maingat ito sa bawat kilos niya.
"Yes!" napasigaw ito nang matagumpay niyang nakuha ang pinya
"Look ang galing madali lang pala," sabi nito sa akin at pinakita ang pinyang hawak.
"Good job, kailangan mo lang mag ingat kaya sa susunod mag suot ka nang gloves para mas safe," saad ko dito, tumango naman ito.
Pumunta kami sa punoan nang mangga, may mahabang sungkit para dito, mahirap kasing akyatin ito dahil dilikado. Ang sungkit ay may net upang hindi madumihan at mapasa.
"Kuya can I try?" tanong ko dito
"Sege po sir pero may kabigatan po ito." paalala nito sa akin,
"Okay lang po," binigay nito sa akin, may kabigatan nga parang kasing bigat nito ang isang dambel na binubuhat ko sa pag ge-gym.
"Thads damihan mo ha, pahingi ako dalhin ko sa pamilya ko haha," tumatawang saad nito sa akin
"Sure," tipid kong sagot dito dahil busy na ako sa pag sungkit nang magga.
"Salamat." saad nito
Ang hirap pala akala ko madali lang, ilang piraso palang ang nasungkit ko. Narinig kong tumatawa si Jes sa likoran ko.
"Ayan kasi, panindigan mo iyan Thaddeus yabang mo eh." saad nito sa akin na tumatawa
Natawa na rin ako sa sinabi nito, nakaramdam na nga ako nang pangangalay pero hindi pwede mas lalo lang akong pagtatawanan nito.
"Ilang piraso na ba?" tanong ko dito
"Anim palang po." tumatawang sagot nito sa akin.
"Baka naman kinainan mo na iyan?" tumatawang tanong ko rin dito
"Hindi ah, ang bagal mo kasing manungkit." sabi nito
Ilang beses pa akong sumusungkit nakadagdag pa ako nang pito.
"Okay na siguro ito Thaddeus, naaawa na ako sa iyo eh," saad nito sa akin nang mapansing hirap na ako.
"Bawi nalang ako sa avocado," saad ko ditong napakamot
"Sege sabi mo iyan ha," naglakad kami papunta sa punuan nang avocado.
Nang makarating kami sa harap nang ponuan nang avocado ay napamangha kami ni Jesuzit sa ganda nang mga ito.
"Grabi ang ganda nilang tingnan. Ang daming bunga." magiliw nitong sabi
"Ilang piraso ba ang gusto mong dalhin sa inyo?" tanong ko dito
"Magtatanong kana naman baka mamaya niyan wala kana namang makuha." nakasimangot nitong sagot
"Shempre magpapatulong na tayo kay manong." saad ko dito, napalingon naman ito kay manong na napapangiti sa aming asaran.
"Ako na po ang kukuha sir, mas mabigat po ang sungkit nito." sagot nito sa amin
Hindi na ako nag magaling pa, dahil alam kong hindi ko kakayanin, nangangalay pa rin ang aking mga braso. Kong titingnan mo si manong na nanunungkit parang ang dali lang nang ginagawa nito pero kapag ikaw na ang gagawa ay sobrang hirap at ngalay pa.
"Nako manong marami na po ito," sabi ni Jes, nang lingonin ko ito ay nagbibilang na
"kasya na ba iyan? magdadala ka pa sa inyo." saad ko dito,
"Oo marami na ito, hmmm pwede ba nating dagdagan ang mangga?" nahihiyang tanong nito sa akin
"Sege padagdag nalang tayo kay manong, nangangalay na kasi ang balikat ko." pag-amin ko dito agad naman itong napatawa sa aking sinabi
"Wala pong problema maam/sir." sagot ni manong sa amin
Bumalik kami sa maggahan at nag hintay nang mga kuha ni manong. Nakarami na rin kami, hindi ito nagkasya sa basket namin kaya binigyan kami nang mga supot dito. Tinulongan din kaming buhatin ito dahil hindi namin kakayanin. Nangangalay pa rin ang aking balikat, nang tingnan ko si Jes ay pa ngiti-ngiti lang ito.
"Hindi ka ba napagod?" tanong ko dito, agad naman ako nitong nilingon
"Hindi naman, wala naman akong ginawa kundi ang mag bilang eh," tumatawang sagot nito sa akin
"Sakit nangangalay talaga ang balikat ko, nabigla ko yata." saad ko sa kanya
"Ayan po kasi sa susunod huwag pong mag magaling." tumatawang saad nito
"Sege mamaya, if you want mamasahiin ko iyang balikat mo." presenta nito sa akin.
"Okay lang ba sa iyo?" nabigla ako sa sinabi nito
"Bakit? Wala namang malisya iyon." sagot nito sa akin
"Sege sabi mo iyan." huling sabi niya dito.
Nang matapos sila ay agad siyang naupo sa living area. Nagpaalam naman si Jes sa kanya na may kukunin lang sa taas upang mamasahe na nito ang kanyang balikat na nangangalay.
Pagbalik nito ay may dala na itong ointment, agad naman itong lumapit sa akin.
"Hubarin mo iyong pang itaas mong damit." utos nito sa akin
"Yes maam, sagot ko dito."
Magaling pala tiong mag masahe medyo napadiin nga lang kanina dahil panay ako reklamo dito. Nang natapos ito ay pumanhik na sa taas.
Lumabas naman ako at nagpapahangin, ang sarap sa pakiramdam na langhapin ang sariwang hangin sa dalampasigan nang makita niya si Jes na nakaupo sa upoang kahoy, nilapitan niya ito. Nang makarating sila sa resthouse kanina tinulongan niya itong mag-ayos nang prutas. Pagkatapos naming mag ayos ay umakyat ito sa taas upang mag bihis, lumabas naman ako. Ngayon ay nakaupo ito at ang layo nang iniisip.
"Bored?" tanong niya sa dalaga nang makalapit siya dito,
"Hindi naman, Kamusta naman iyong site niyo dito?" balik tanong nito sa akin, nang maalala nito ang dahilan kong bakit ako maagang umalis kanina,
"Okay lang, wala namang naging problema," sagot ko at umupo katabi nito,
Natahimik na kami, pina pakiramdaman ko lang si Jes nang tingnan ko ito ay naka titig lang sa malayo. Nagkaroon naman ako nang pagkakataong titigan ang dalaga, bakit ang ganda pa rin nito kahit walang make-up. Sobrang lalim naman siguro nang iniisip nito kaya hindi nito napansin ang aking pagtitig.
"Ang sarap sigurong maging ibon ano?" bigla itong nagsalita na hindi man lang lumilingon,
"Why?" tanong ko dito at tiningnan kong nasaan ito nakatingin.
"Kasi malaya kang lumipad kong saan mo gusto, yong walang mag dedekta sa iyo, ang problema lang nila ay pagkain," mapait nitong sabi, parang may pinaghuhugutan ito
"May problema ba Jes?" tanong ko dito nang mapasin ang lungkot nang kanyang mata,
"Wala naman," kapagkuwan ay tumingin ito sa akin, hindi maipagkakaila ang kalungkutan nito sa mata.
"Kung wala bakit ang lungkot mo?" tanong ko dito
"Kailangan ba sa lahat nang tanong mo ay may sagot ako?" nakangisi nitong tanong sa akin, kahit naka ngiti ito, ngunit halatang hindi ito masaya base sa kanyang mata.
"Hindi naman, problem?" pangungulit ko dito,
"Wala, may naalala lang ako, makulit ka rin pala." tumatawa nitong sabi sa akin
Lumapit ako dito at pinitik ang kanyang noo, agad namang nawala ang kanynag ngiti at nagsalubong ang kanyang kilay.
"Problema mo?" tanong nito sa akin
"Halata pong nagsisinungaling ka lang." sagot ko dito at tinitigan sa kanyang mata
"Ano naman ngayon kong may problema ako? Ano namang sayo?" kunot-noong tanong nito sa akin.
"Wala naman, mas mabuti kapag nalabas mo iyan." sagot ko dito bago tumingin sa dagat.
"Hindi ako kagaya nang iba Thaddeus, hanggat kaya ko hindi ko sinasabi. Hindi ako mahina, hindi mo akong makikitang umiiyak sa gilid, hindi ako nangdadamay nang tao, ang problema ko ay problema ko." seryusong saad nito sa akin.
"You know masyado kang ma pride Jes, may mga taong gustong tumulong sa iyo pero tinutulak mo lang palayo." prangka kong sabi dito, gusto ko itong magalit sa akin upang mailabas niya ang kanyang hinanakit.
"I know, ang tagas talaga nang pride ko, don't worry hindi lang ikaw ang nagsabi sa akin niyan," sagot nito sa akin
"Bakit mo pinipigilan? Kong galit ka ilabas mo, kong gusto mong umiyak ipakita mo. Pinapahirapan mo lang ang iyong sarili." saad ko dito, nakangiti itong lumingon sa akin.
"Kaya ko pa Thads, maybe next time." nakangiting saad nito
"Ang tigas rin pala nang ulo mo." napailing nalang ako dito
"Bakit? Saan ka ba nakakitang may malambot na ulo? Sege nga iharap mo sa akin." tumatawang sagot nito, minsan ang sarap rin nitong lunurin sa dagat eh, maypagka pilosopo rin pala ito.
"So, anong plano mo?" tanong ko nalang dito at hindi na pinatulan ang kanyang sinabi.
"Another day, another blessings. Enjoy mo lang bawat araw na binibigay sa iyo," sagot niya sa akin
"Bakit nga pala wala kang naging kaibigan Jes? Sa edad mong iyan si Lavi pa ang una mong naging kaibigan," curious ako dito
"Well, gaya nang sabi ko sa iyo, hindi ako katulad nang ibang tao Thaddeus. Masyado akong naging busy sa pag-aaral ko upang mapansin ni mama. Wala akong time para makipag kaibigan, pero wala ring naging kabuluhan ang lahat." sagot nito
"Ganoon ka ba ka despirada para makuha ang attention nito?" gusto kong malaman lahat dito, tumango naman ito
"Oo ganoon ako ka disperada, funny right? Sarili kong nanay hindi mabigay-bigay ang attention na matagal ko nang hinahangad. Siguro para sa iba ang babaw nang rason ko, pero para sa akin big deal iyon." umiwas ito nang tingin
"Hindi ko lang maintindihan kong bakit sa aming magkakapatid sa akin lang ganoon si mama. Ang sakit noong una, pero noong kalaunan nasasanay na rin ako." dagdag pa nitong sabi,
Naawa ako para dito, alam kong may rason kong bakit ganoon sa kanya ang kanyang mama pero hindi ko maiwasang mainis. Base sa kwento nito lahat naman ginawa nito naging mabuti itong anak para lang mapansin pero wala ring nangyayare. May ganoon talagang mga ina, kaya ang swete ko sa magulang ko na hindi ko naranasan iyon sa kanila.
"Bakit hindi mo siya tanungin?" tanging nasabi ko nalang
"Ilang beses ko nang ginawa iyan, wala eh hindi niya ako masagot sagot. Alam mo naiisip ko tuloy siguro ayaw ni mama sa akin kasi nakikita niya si papa sa mukha ko, sa aming apat na magkakapatid ako lang ang kamukha ni papa," tumatawang sabi pa nito, kahit nasasaktan naman ang boses.
"Alam mo Jes, ngayon palang ako nakapag encounter nang taong sobrang strong. Ang lakas mo, ang tibay mo. Kahit halata namang nasasaktan kana ngumingiti ka parin." komento ko dito
"Wala eh, kong patuloy akong magiging mahina, sa huli ako pa rin ang talo. Sa mundong gingalawan natin bawal ang maging mahina. Kahit ano pa iyang problema natin, palagi nating isipin na may mas taong mabibigat pang problema kompara sa atin. Hindi tayo nag-iisa. Life is a beautiful struggle." napahanga ako sa kanya lalo, napaka positibo niyang tao.
"So kong wala kang naging kaibigan, it means wala ka pang naging boyfriend?" tanong ko dito
Tumawa naman ito, hindi ko alam kong alin ang nakakatawa sa tanong ko.
"Alam mo Thads, mabuti nalang at gwapo ka, minsan talaga hindi ka rin nag-iisip ano?" patawa-tawa pa rin ito habang nagtatanong.
"Bakit? May mali ba sa tanong ko?" nagugulohan tuloy ako
"Ikaw na mismo ang sumagot sa tanong mo Thaddeus. Shempre wala nga akong naging kaibigan, boyfriend pa kaya." napailing-iling pa ito, napakamot naman ako ang gusto ko lang naman ay malaman mismo dito, kaya lang mali yata ang pagkakatanong ko.
"Pasensya naman, so wala nga?" pangungulit ko pa dito
"Oo na, wala po. Huwag kang tatawa, sasapakin talaga kita." sagot mito sa kakulitan ko
"Bakit naman ako tatawa? May nakakatawa ba doob?" tanong ko ulit dito, walang nakakatawa doon ah
"Kasi diba iyong mga kabataan ngayon, nagpaparamihan nang ex, kaya minsan inaasar ako nang bunso namin." nahihiyang sagot nito, ah now I know, kaya naman pala
"Magkakaiba naman tayong lahat eh, so don't compare yourself to them. Mas maganda pa rin sa babae iyong matino." saad ko dito, pansin ko nga rin ang mga kabataan ngayon,
"Oo normal lang naman iyon, kaya lang minsan diba nakakahiya rin, 26 na ako pero ni isa ay wala pa rin," tawa nitong sagot sa akin
"Baka naman pihikan ka?" tudyo ko dito na mas lalo namang nagpatawa sa dalaga,
"Hindi ah, grabe naman iyon. Naalala ko lang before may nagbibigay sa akin nang letters at flowers kaya lang sa sobrang busy ko sa pag-aaral ay hindi ko ito pinansin. Parang nagsisi tuloy ako. Hahaha," kwento nito,
"Ang hirap namang makisabay ka lang, kong papasok ka man sa isang relasyon dapat iyong may nararamdaman ka para sa tao." sabi ko dito
"Heh, nasabi mo lang iyan kasi may naging ex kana, isang beses nasabi ko dati na jowang jowa na ako pero nang maalala kong pandemic pala at sobrang hirap nang buhay, agad ko iyong binawe."
"Masyado mo naman yatang pini pressure sarili mo Jes," pansin ko lang masyado itong mahigpit sa kanynag sarili.
"Wala eh, may responsibilidad pa ako sa pamilya ko. Hindi pwedeng sarili ko lang ang isipin ko, kahit pa sabihing hindi kami okay nang mama hindi iyon sapat na rason upang pabayaan sila." naiintindihan ko naman ito,
"Hanggang kailan mo gagawin iyan?"
"Hanggat kailangan nila ako." sagot nitong naka ngiti, totoo nag ang sabi ni lola nanapaka selfless nito.
"Ang swerte nang mga magulang mo Jes, swerte nilang may anak silang hindi sila kayang talikuran despite of everything." puri ko sa kanya
"Maswerte pa rin ako na naging magulang ko sila, dahil kong hindi, hindi ako ganito ka strong ngayon, hindi ako magiging kasing tatag ngayon." safot nito sa akin
"Ang swerte nang mga kapatid mo sa iyo."
"Siguro, pilipino tayo eh, nasa ugali na natin iyan, kahit gaano pa kahirap ang buhay kapag kasama mo ang pamilya mo malalagpasan mo lahat iyon."
"Kahit sarili mong pamilya ang nanakit sa iyo?"
"Oo kasi minsan, ang mga taong unang mananakit sa atin ay ang sarili nating pamilya, siguro sinasanay tayo para pag nasa labas na tayo nang bahay sanay tayo." may punto naman lahat nang sinasabi nito,
"Saan mo natutunan lahat iyan? Ang dami mong aral ah," biro ko dito, feeling ko kapag kasama ko si Jes nagiging matured ako
"Base on experience." sagot nitong tumatawa
"Napaka matured nang thingking mo Jes, hindi ko maabot." tumatawang saad ko sa kanya
"Okay lang iyan, mas marami lang talaga akong naranasan kaya marami akong lesson learned sa buhay ko. May kanya-kanya tayong battle sa buhay," sabi nito sabay tapik sa balikat ko
"Ang pinaka worst sa akin? The day na sabayng nawala ang mga magulang ko. Sabay nila akong iniwan." sagot ko dito
"May reason kaya ka nasa ganoong sitwasyon, tingnan mo ngayon ang sarili mo diba mas nagiging matatag ka, sa bawat problemang dumadaan sa atin katumbas noon ay ang pagiging matatag natin dahil nalagpasan natin ang akala nating katapusan na."
"Oo, pero sa tuwing naalala ko masakit pa rin." totoo iyon kahit ilang dekada na ang lumipas, nasasaktan pa rin ako sa tuwing maalala ko ang nangyare sa aking mga magulang.
"Ano ba iyan sobrang seryoso naman nang pinag-uusapan natin Thaddeus," kapagkuwan ay sabi nito
"Ikaw kasi ayaw mong sabihin kong ano ang problema kaya ayan, umabot tayo sa kong saan." sagot ko dito
"Makulit ka kamo, ang dami mong tanong, feel ko tuloy ang tanda ko na. Para akong teacher sa school na nag kukwekwento nang talambuhay sa first day of school." tumatawang saad nito kaya napatawa rin ako sa sinabi nito.
"Okay lang iyon, atleast may nalaman ako at nailabas mo rin iyong mga hinanakit mo sa buhay. Salamat rin sa mga sharings mo." seryosong saad ko dito
"Binobola mo naman ako masyado Thaddeus." taas kilay nitong sagot sa akin
"Hindi ah, totoo kaya lahat nang sinabi ko sa iyo." sagot ko dito
"Ikaw naman masyado kang seryoso sa buhay Thaddeus. Joke lang iyon." nakangiting saad nito
"Ang seryoso po kasi nang pagkakasabi ninyo." bagay nga silang magsama ni lola, nahawaan siguro ito nang lola ko mahilig sa kalokohan
"Anong oras ang uwi natin bukas?" pag iiba nitong tanong sa akin
"Ang sabi ni lola mga hapon na raw, ayaw niyang bumyahe nang tanghaling tapat." sagot ko sa tanong nito
"Nako, mag aalas singko na pala nang hapon, kaya pala lumabas na ang sunset." nakangiting wika nito at tiningnan ang tinutukoy nitong sunset.
"Ang ganda." sabi ko dito
"Sobra, ito ang paborito kong ginagawa dati noong okay pa lahat." sagot nito
"Baka hinahanap na tayo ni lola," dagdag pa nitong sabi
"Mamaya, tulog pa siguro iyon. May mga plano ka pa bang gawin sa buhay mo?" tanong ko dito
"Oo mayroon pa, gusto kong mapagtapos ang bunso namin at mabigyan nang bahay si mama yiong sarili naming bahay iyong hindi na kami mag rerent. Siguro kapag nagawa ko na iyon pwede na akong mag settle para sa sarili ko," simpleng sagot nito, grabe iyong mindset niya nakakahanga talaga.
"So ilang taon pa iyon? Edi matagal ka pang mag sesettle for yourself?"
"Oo, sila muna bago ang sarili ko, kasi kapag nagawa ko na iyon, madali ko nalang abutin iyong pangarap ko para sa sarili ko." lumingon ito sa akin
"Ikaw? Anong plano mong gawin sa buhay?" balik tanong nitong sabi sa akin
"For me? Shempre as much as possible ayaw kong mawala si lola, but alam kong darating at darating rin ang araw na mawawala ito sa akin. Gusto ko bago iyon mangyare makita niya munang setteled na ako para hindi siya mag-aalala sa akin." sagot ko kay Jes.
"Ang simple lang pala nang plano mo, madali ka lang makahanap nang babaeng gusto mong makasama sa future mo. Successful kana sa career mo," sagot nito sa akin
"Hindi rin simple, paano kong iyong taong gusto ko ay hindi ako gusto. Paano kongmalaman niyang nagsisinungaling ako sa kanya, sa tingin mo ba tatanggapin niya pa rin ako?" tanong ko dito
"Bakit naman hindi? Kong tunay ang pagmamahal niya para sa iyo, patatawarin ka nang taong iyon. Lahat naman tayo may tinatago, depende nga lang sa mga rason natin." sagot nito,
"Kapag ba niloko ka Jes nang taong pinagkakatiwalaan mo mapapatawad mo ba kaagad?" seryosong tanong ko rito
"Para sa akin? Depende eh, depende sa rason. Kong ginawa niya man iyon para protektahan ako shempre oo, mapapatawad ko kaagad iyon. Pero kongniloko ako dahil trip lang nitong saktan ako, ibang usapan na iyan. Nakakapagpatawan naman ako, panginoon nga nakakapagpatawad ako pa kaya, ang disadvantage nga lang ay hindi ako nakakalimot." paliwanag nito sa akin.
"Kahit nasaktan kana?"
"Oo, hindi naman mahirap magpatawad Thaddeus alam mo kong ano ang mahirap? Ito ay ang makalimot." sagot nito
"Kong papipiliin ka between your family at sa taong mahal mo like boyfriend. Sinong pipiliin mo?" nawala naman ang ngiti nito sa kanyang labi
"Kong natupad ko na lahat nang plano ko sa kapatid at nanay ko, siguro pipiliin ko iyong taong mahal ko, tulad nang sabi ko kapag nagawa ko na lahat nang plano ko for my family, siyempre mag sesettle na ako for myself." saad nito
"Bakit? Nangyare naba sa iyo iyan?" dagdag pa nito
Umiling ako sa tanong nito, just thinking na kaya niyang ipaglaban iyong taong mahal niya laban sa pamilya niya ay napangiti ako.
One day masasabi ko rin dito
"Hindi pa..... hmmm may sasabihin sana ako sayo-"
No one is you and that is your power.