Chapter 2

1045 Words
Kyle Tulala ako sa kawalan habang nag-iisip. Palaisipan talaga sa 'kin ang pagkatao ng bago naming classmate. Gano'n kasi ako e. I don't know if it's considered as weird but there are things that I want to clarify lalo kapag bago lang sa 'kin ang isang bagay. Nauudyok akong magsaliksik dahil mabilis akong magkaroon ng kuryosidad sa isang bagay. Natauhan ako bigla nang iwagayway ni Niel ang kamay niya sa harap ng mukha ko. "Hoy, ano na, bro? Lalim ng iniisip ah?" puna niya at saka nagpatuloy sa pagsusulat. Kasalukuyan kaming nandito sa library. Matapos ang break time ay dumiretso kami rito para tapusin iyong natitirang task na binigay sa 'min ni Mrs. Vargaz. "Dahil 'yan do'n kay Veronica." napalingon ako kay Leo na ngayon ay kadarating lang. "Hoy hindi ah," pagtatanggi ko. Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko. "Wala naman akong pakialam do'n e." "Maganda naman siya ah? 'Di niyo ba type beauty niya?" tanong ni Leo at pagkatapos ay kinindatan pa 'ko ang loko. "Oh, bakit ako? Baka si Niel 'yon," pagtuturo ko. "Sus, Kyle, 'wag kami. Nagningning kaya mata mo kanina no'ng inasar namin kayo ni Veronica. Aminin mo na, bro. Type mo noh?" pang-aasar ni Niel. "Nako tigil-tigilan niyo 'ko. Kayo itong maraming chicks tapos sa 'kin niyo ipapasa?" umiiling kong sabi at saka tumayo. "Oo nga pala pasabay ako nitong sa 'kin. May pupuntahan lang ako." Inabot ko iyong mga paper works ko kay Niel at akmang tatalikod nang tawagin nila ako. "Hoy, Kyle!" "Sa'n na naman punta mo? Diretso ka na ba room mamaya?" tanong ni Neil. Agad akong tumango habang naglalakad at sinabi, "H'wag niyo na 'kong hintayin." Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa faculty. Manghihingi kasi ang update kay Mrs. Vargaz tungkol sa form na ipinasa ko para ma-proseso iyong sa Physical education ko na subject. Wala pa man ako sa faculty nang masalubong ko si Sir Dolente. "Buti nasalubong kita. Oo nga pala, Kyle, iyong form mo ay submitted na kay Mrs. Vargaz," salubong niya. "Ay talaga, Sir? Thank you! Wala po bang update?" "Wala pa, hintayin mo na lang mabilis lang iyon. Oo nga pala may gagawin ka ba ngayon?" sambit nya. "Wala naman po, Sir. Bakit po? May ipagagawa ka?" tanong ko. "Mayro'n sana. Sumunod ka sa 'kin sa office ngayon. May ipasusuyo lang ako." Naglalakad ako ngayon sa hallway nitong third floor. Hinahanap ko ang room kung saan nakalagay ang mga module, doon kasi iniimbak iyong mga napaglumaang libro. Hindi naman ako pamilyar sa room na 'yon, ito kasing si sir Dolente ay inutusan akong magpunta ro'n para ilagay 'tong folder. Iyon ang rason kung bakit pinasunod niya sa office. Palinga-linga ako sa bawat room na madaraanan ko. Putragis! Kanina pa ako naghahanap. Malapit ko na ring marating iyong pinakadulo nitong hallway. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad at saglit akong natigilan dahil sa mga estudyanteng tumatakbo. "May baliw!" "Jusko, sino ba 'yon?!" "Huwag kayong papasok do'n sa last toom, may weirdong babae!" Sigaw ng mga nagtatakbuhang estudyante. Sa halip na maalarma ay pinili kong magpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa marating ko ang sinasabi nilang last room. Sumilip muna ako sandali bago tuluyang pumasok sa loob. Bakit parang wala namang tao rito? Naka-off din kasi ang ilaw. Pagbukas ng pinto ay agad kong sinindihan ang ilaw. Doon ay tumambad sa 'kin ang malaking drawer, at malalaking box na may mga module. Finally! Ito na pala ang hihnahanap ko. Ngunit nang mapatingin sa sahig ay napakaraming gamit ang nagkala, kasama ang mga papel. Naglakad ako sa loob at saka inilapag sa table ang mga folders na hawak ko. Hanggang sa mapansin ang isang sapatos sa gilid ng mahabang lamesa. "May tao ba diyan?" tanong ko habang nakatitig lamang doon. Walang sumagot kaya naman naisip kong silipin n lang. Dahan-dahan akong naglakad. Nanlaki ang mata ko nang makita si Veronica na tila ba takot na takot ang itsura niya't nakatitig lamang sa isang direksyon. Nakaupo lamang ito sa sahig habang yakap ang kaniyang sarili. Hindi umiimik at tahimik na lumuluha. Anong nangyari sa kaniya? Isa pa, bakit kasi siya nandito? "V-veronica? Anong nangyari sa 'yo?" nauutal kong itinanong. Alam kong 'di niya hilig ang makipag-usap pero wala naman siguro masamang kumustahin siya. Napalunok na lang ako nang mapatingin siya sa 'kin. Ang maganda niyang mata na nakatutunaw ay may halong pagsusumano. Dali-dali ko siyang nilapitan at itinayo. Sa pagkakataong ito ay medyo kumalma na siya. Para bang naibalik na siya sa maayos na kondisyon. "Okay ka lang?" direkta kong tanong. Tumango siya. Gayunpaman ay bakas pa rin sa mukha niya ang reaksyon tila hindi makapaniwala. May nanakit ba sa kaniya kaya gano'n na lang ang reaksiyon niya. I don't judge her, I'm just worried. That's all. Sadyang first time ko makakita ng taong parang nababaliw sa 'di maipaliwanag na rason. "You can tell me what happened. I am willing to listen." nang sabihin ko 'yon ay natanaw ko kung paano siya huminga nang malalim. Hindi rin siya sumagot bagkus inikot niya ang kaniyang paningin sa paligid at saksi ako sa mga mata niyang tila takot na takot. Laking gulat ko nang pagpagin niya ang kaniyang sarili at nagmadaling lumabas ng room. Nahulog iyong puting panyo mula sa bulsa niya kaya naman pinulot ko 'to at nilagay sa 'king bulsa. Sa kagustuhang masiguro kung ayos lang ba talaga siya at maibalik 'tong panyo ay mabilis akong lumabas ng room at sinundan siya. "Wait!" "Veronica!" Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi man lang niya 'ko nilingon. Mas lalo niya pang binilisan maglakad. Ano ba kasing nangyari sa kaniya? Bigla ko na lang tuloy naalala iyong pagpapakilala niya kahapon. Hindi kaya dahil sa dilim? Dahil pagpasok ko kanina sa room ay naka-off ang ilaw at paniguradong na-trigger ang trauma niya dahil sa sigaw ng mga student. Posibleng iyon ang rason. Susundan ko pa sana si Veronica nang masalubong ko bigla ang Vice president ng school namin na si Mrs. Olga. Naroon naman sa likod niya ang ilang student na kanina ay aligaga katatakbo. "Excuse me, you are Kye Villaflor, right? Agad akong tumango. "Anong nangyari rito? Nakarating sa 'kin na may babaeng nagsisigaw at nagwawala? Did you see her?" "Y-yes. And maybe I know the reason kung bakit niya nagawa iyon." Bumuntonghininga siya. "Please come to my office, now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD