Third Person POV Ang ikalawang gabi ng pista sa San Felipe ay mas payapa, mas banayad—parang mismong hangin ay natutong huminga nang dahan-dahan. Wala na ang malakas na tugtugan at sigawan kagaya kagabi; sa halip, napalitan ito ng malalambing na himig ng gitara, halakhak ng mga bata, at ang ilaw ng daan-daang parol at paper lantern na handang pakawalan sa kalangitan. Pagsapit ng takipsilim, unti-unting nagsindi ang mga parol sa bawat kanto. Ang mga amoy ng inihaw na mais, mainit na bibingka, at matamis na kakanin ay humalo sa malamig na simoy ng hangin. Lahat ng tao ay may ngiti—mapa-matanda o bata—parang kahit sandali, nakalimutan ng buong bayan ang pagod at problema. Ito ang gabi ng mga hiling. The Night of Wishes. --- Tahimik na naglalakad si Lexie Monteverdi papunta sa plaza. Suo

