Third Person POV Bandang tanghali na nang magising si Lexie, medyo late, mga bandang 11:30 AM. Tahimik ang hacienda, pero ramdam pa rin ang afterglow ng festival. Ang init ng araw na pumapasok sa bintana ay halong alingawngaw ng hangin mula sa bukas na terrace. Pagbukas niya ng pinto, nakita niya sina Aira at Zyra sa living room table, abala sa kanilang Community Documentation and Development Project materials. May laptop, sketchpad, at mga notes sa paligid. “Good morning, Lex,” bati ni Zyra habang nagta-type sa laptop. “Morning… gah, late na ako pala,” sagot niya, tumakbo papunta sa mesa. “Sana wala pa kayong napag-usapan na sobrang exclusive na hindi ko alam.” Aira napangiti. “Relax ka lang, Lex. Nag-start lang kami ng konti ng outline sa presentation para kay Prof. Ramos mamaya. Co

