bc

Daywalker Series 7: Rafael, The Mischievous Prince

book_age18+
1.0K
FOLLOW
2.4K
READ
dark
family
fated
second chance
arrogant
powerful
brave
bxg
vampire
apocalypse
like
intro-logo
Blurb

MULA Taiwan ay umuwi ng Pilipinas si Charie nang mabalitaang nilusob ng mga taong infected ng ‘di matukoy virus ang bahay nila. Nanilim ang mundo niya nang malamang naubos ang miyembro ng pamilya niya dahil sa virus. Bumalik siya sa Taiwan.

She meets Leeven, a genetic engineer. She instantly falls in love with him. But his love was just a nightmare because he just using her as his specimen for his dark plan. He planted poison in his cells without informing her and what is the purpose of it. She left him.

Bumalik siya sa Pilipinas upang lubusin ang nalalabi niyang buhay. Ngunit kung kailan handa na siyang mamatay ay biglang dumating si Rafael, ang lalaking sagot sa problema at mga tanong niya. Ito rin ba ang posibleng huling lalaki na mamahalin niya? O isa lang din itong nilalang na mapanlinlang.

chap-preview
Free preview
Prologue
Rafael’s Identity Name: Rafael Vivanco Age: 27 Height: 6’’ Favorite Color: Blue/Black Short Profile: Rafael was not an ordinary hybrid vampire. His blood was mixed with pure dark blood vampire and the hybrid. He only has twenty percent of human blood. Because of unknown immortal blood mixed with his blood, that may come from his father’s ancient family, his blood was dangerous, including his cells that may not compatible with other creatures. His cells are poisonous but it has also an antidote to heal his victim. He can use magic and telekinesis. He’s mischievous and wise.        NAGISING si Charie sa ibang kuwarto dahil sa sobrang kalasingan. Kumabog ang dibdib niya nang mapansing wala siyang anumang saplot sa katawan. Naramdaman niya ang banayad na kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. Isa iyong katibayan na mayroong nawala sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang pagkakataong iyon na biglang mawawala ang iniingatan niyang virginity na hindi siya nabigyan ng abiso. Bagaman matagal na siyang handang maging ina, pero hindi sa ganitong paraan. Naninikip ang dibdib niya ngunit pinigil niya ang kanyang pagluha. Maingat siya sa kanyang sarili kahit pa meron siyang karelasyon. Hindi lang naman iyon ang pagkakatao na nalasing siya pero ngayon lang nangyari na wala siyang maalala sa naganap kagabi. Ang huling naalala niya ay niyaya siya ni Leeven na mag-dinner sa isang restaurant. Pagkatapos ay dinala siya nito sa isang bar ng kaibigan nito. Doon siya napasubo sa inuman. Si Leeven ang bagong boyfriend niya. Wala pang isang buwan magmula noong sinagot niya ang panliligaw nito. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Wala siyang ibang nakikita kundi pulos puting pintura pero tanging kama lang at munting mesa ang nakita niyang kagamitan.   Tiniis niya ang kirot na nararamdaman niya saka nagbihis. Tumayo siya at humakbang palapit sa pintong bahagyang nakabukas. Patungo iyon sa terrace. May naririnig kasi siyang boses ng lalaki. Sumilip siya. Namataan niya si Leeven, suot ang puting roba. May kausap itong lalaki na nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon. Nakilala niya si Leeven sa ospital na pinagtatrabahuhan niya roon sa Taiwan. Isa itong genetic engineer na isa sa stock holders ng ospital. Minsan lang siya nag-assist sa project nito sa ospital pero bigla itong nag-offer ng isang dinner date sa kanya. Guwapo ito at mabait. Halos lahat ng katangiang pangarap niya sa isang lalaki ay tinataglay nito. Dalawang taong nabakante ang love life niya at aminado siya’ng hindi pa siya masyadong nakakalimot sa kabiguang nakamit sa unang karelasyon niya. Malaki ang empluwensiya ni Leeven para tuluyan siyang makapag-move-on kaya ganoon na lang kadaling mahulog ang loob niya rito. Aminado siya na sa unang pagkikita nila ng binata ay nahumaling na siya rito. Kaya lahat ng imbitasyon nito ay hindi niya pinalampas. Pero bigla siyang nag-alangan ngayong nalamang nakuha na ng binata ang kanyang p********e. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari sa relasyon nila. Gusto niyang dumaan sa tamang proseso. Maaring mayroon siyang pagkukulang. O maaring mayroong mali sa nangyayari. Hindi naman siya ganoon malasing na halos wala siyang maalala. Konti lang naman ang nainom niyang alak at hindi ganoon katapang. Hindi siya komportable. Inigihan niya ang pakikinig sa dalawang lalaking nag-uusap. “So, what’s the news?” tanong ng lalaking naka-itim kay Leeven. “I have good news. I think I will succeed this time. I already saved my last cells. It’s not the end of our world,” ani ni Leeven. “Good. Let’s see if it works. But be careful about vampires. They will do anything just to find you.” “Don’t worry, Geon. Vampires can’t trace my aura. Unless if you’ll drag me to them,” sabi ni Leeven. He grinned. Hindi maintindihan ni Charie ang pinag-uusapan ng dalawa. Basta may narinig siyang vampires at cells. Aware siya sa mga bampira at may ilan na siyang nakilala. “How long we been waiting? Is her body able to fight the poison until she gives birth?” pagkuwa’y tanong ng isang lalaki. “It takes a year but it depends on Charie’s immunity. She’s a nurse, so I think she’s injected with any kinds of vaccines but not an antidote. The poison to her cells will last until she’d notice the signs and the vampires will detect her. I think the antidotes will bear before she dies,” matagumpay na wika ni Leeven. Nanginig ang buong kalamnan ni Charie. Paano nito nasabing mamamatay siya? Ginamit lang ba siya ni Leeven para sa kung anong maitim na balak nito? Ano ang ibig nitong sabihin tungkol sa poison? Nataranta siya. Kinuha niya ang kanyang gamit at sanay tatakas ngunit biglang dumating si Leeven. “Where are you going, sweetheart?” seryosong tanong nito sa kanya. “I have to go,” aniya. Pilit niyang ikinukubli ang kanyang takot. “We should have breakfast first,” alok nito. “No thanks,” mariing tanggi niya. Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit biglang sumulpot sa tabi niya si Leeven at hinawakan ang kamay niya’ng may hawak sa seradura. Ang bilis nitong kumilos. Nagulat siya nang makita ang mapula nitong mga mata. Nagbago ang anyo nito. Hindi ito normal na tao! Nangatal siya dahil sa kilabot. “What's happening?” tanong niya sa ilalim ng takot. “I’m a vampire, by the way, a hybrid don’t worry. I still have human blood so you don’t need to worry about my dark side. I can hide it anytime. Only you can see me like this. You’re mine now, Charie” pangahas na sabi nito. Lalo siyang nilamon ng takot. She can’t take living with a monster like him. “No, you can’t do this to me! Let me go!” asik niya. Nagpumiglas siya pero ginapos siya nito nang mahigpit. “You can’t escape, sweetheart. I’m not done yet. We have another session to make.” Sinuntok niya ang dibdib nito ngunit hindi nito binitawan ang kamay niya. “Let me go!” Nagpumiglas pa rin siya. “Shut up! You’re trapped, sweetheart!” asik nito at bigla siyang kinaladkad. Inihagis siya nito sa kama. Nang makahilata na siya’y nakita niya ang malaking syringe na hawak ni Leeven. Demonyo ang tingin niya rito ngayon. Sising-sisi siya bakit siya pumatol dito. Ginapos nito ang mga kamay niya at mga paa. Maya-maya ay itinurok nito sa kaliwang braso niya ang injection na may lamang kulay pulang likido. Dumaing siya dahil sa kirot na dumantay sa ugat niya. Pagkuwa’y hinalikan siya nito sa bibig. Pagkatapos niyon ay bigla na lamang siya nakalimot.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
28.0K
bc

His Precious Property

read
614.6K
bc

POSSESIVE MINE

read
970.2K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.7K
bc

The Sex Web

read
132.0K
bc

Payment of Debt

read
87.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook