CHAPTER 11

1590 Words
Chapter 11: Bonding TUWANG-TUWA ang pamilya ko sa mga pasalubong na dala-dala ko mula sa Indonesia. Dinagdagan kasi iyon ni Randell at siya pa ang nagbayad. Pati na ang plane ticket ko. Nag-abot na rin ako ng sampung libong piso kay Tita Araneta. Napaismid pa nga siya dahil maliit lang daw iyon kompara sa mga pinapadala kong pera sa kanila. Ang kalahati kasi ay ibinigay ko kay Darlene. Sinabi kong itago niya iyon nang maayos. Para kung magugutom sila ni Ryry ay may pambili sila ng makakain sa labas. Hindi iyon tig-isang libo o 500. Sinadya ko talagang ibigay sa kaniya na barya lang. Inaya kong lumabas para maligo ang dalawa kong kapatid. Kasi iba ang amoy nila na halatang hindi naliligo. “Kumusta, Len? Hindi ba sakit ng ulo sa iyo si Ryry?” tanong ko kay Darlene. Nakaupo na siya at tapos ko na rin siyang pinaliguan. Nakatapis na nga rin siya ng tuwalya. “Ate, hindi naman po ako sakit ng ulo, ah!” depensa ng bunso namin. Pinisil ko lang ang tungki ng ilong niya. “Siyempre sasabihin mo iyan sa akin. Alangan naman na ipagkakanulo mo ang sarili mo?” nakataas ang kilay na tanong ko at nilagyan ko ng shampoo ang kaniyang buhok. Pansin ko na bagong gupit pa lamang siya. “Kailan ka nagpagupit, Ryry?” tanong ko sa kaniya. Si Darlene ang sumagot, “Kahapon lang, ate. Isinama siya sa barber shop ni Kuya Rouge pagkatapos po siyang utusan na bumili ng pandesal pero inuubos niya lang po sa daan. Supot na nga lang po ang naiuuwi niya.” “Hala, eh ’di pinapagalitan ka ng Kuya Rouge mo, Ryry? Bakit mo naman inuubos ang tinapay?” nagtatakang tanong ko at binuhusan ko na muna siya ng tubig. Ilang beses niyang pinunasan ang mukha niya. “Ang sabi po kasi niya, bumili ako ng tinapay tapos kainin ko raw at huwag akong magtira. Halos araw-araw po iyon kapag pinapagalitan ako ni tita na kumain ng tinapay roon sa mesa. Isa lang po iyon pero ang damot po ni tita, ate eh. Ayaw niya akong pakainin. Ang dami-dami naman,” pagsusumbong niya para matigilan ako at humarap sa kapatid kong babae. “Ganito po kasi iyon, ate. Tapos na po talaga kaming kumain pero si Ryry po ay umiisa pa ng tinapay. Iyong parte ko po ay ibinibigay ko na nga sa kaniya para hindi na siya mangupit sa mesa pero ang tigas po ng ulo ni Ryry, ate,” paliwanag naman ni Darlene. “Bakit tinapay ang kinakain ninyo?” nagtatakang tanong ko. “Sa agahan po iyon, ate. Kumakain naman po kami ng kanin at saka gulay. Tapos po palagi siyang inuutusan ni Kuya Rouge.” Nilingon ko naman si Ryry. “Ayos lang po iyon, ate! Busog po ako palagi kapag inuutusan ako ni Kuya Rouge! Minsan po ay may inaabot siya sa akin na tinapay na may palaman sa loob! Ang sarap po parang manok at itlog ang lasa!” masayang pahayag pa niya. Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti sa kaniya. “Burger iyon, Ryry,” sabi naman ni Darlene. Natawa na lamang ako. “Gusto mo bang kumain ng ganoon, Ryry?” tanong ko at sunod-sunod naman ang pagtango niya. “Gusto ko po, ate!” masayang bulalas pa niya. “Ikaw, Len?” tanong ko naman kay Darlene. “Ay gusto ko rin po, ate,” nakangiting sambit niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at matamis ko silang nginitian. “Magpapaalam tayo kay tita ngayon. Tapos lalabas tayo,” sabi ko at tumango-tango na sila. Si Ryry naman ay napapalakpak pa. *** Yellow dress ang suot ni Darlene at kasyang-kasya iyon sa maliit niyang katawan. Sandal naman ang panyapak niya. Nakatirintas ang buhok niya at may headband din siya. May maliit na bag din siya at nang tiningnan ko ang laman ay maliit na salamin, cologne at pulbos ang nasa loob. May pera siyang isang daan. Kinuha ko ang puting panyo ay isinilid ko iyon sa bag niya. “Huwag mong kalimutan palagi ang panyo, para punasan ang pawis mo, Len. Mahalaga iyon. Hindi kayo dapat natutuyuan ng pawis,” sabi ko. “Opo, ate,” tugon niya. Binigyan ko naman nang pansin si Ryry na abala sa paglalaro niya. Asul na polo-shirt at itim na short pants ang suot niya. Naka-black sneakers din siya at puting medyas. Napapansin ko rin na hindi nababawasan ang timbang niya. Malaki pa rin ang tiyan niya pero ayos na iyon. Basta ang importante sa akin ay malusog siya. “Tara na, Ryry. Aalis na tayo,” pag-aaya ko at ibinalik niya sa pinaglalagyan niya ang laruan niya. Humawak agad siya sa kamay ko at nauna namang lumabas si Darlene. Naabutan namin sa sala si tita, pumasok na rin sa trabaho niya si Tito Carlo. Kasama na roon ang dalawang babaeng pinsan ko at wala si Rouge. Abala sila sa package na dala ko. “Tita, lalabas po muna kami. Gusto ko lang pong ipasyal ang mga kapatid ko,” paalam ko. Mabilis na sulyap lang ang ginawa niya. “Oh siya sige. Basta huwag kayong magpapagabi dahil hindi ko kayo pagbubuksan ng pintuan,” sabi niya lamang. “Lalabas kayo? Sasama ako, Ate Dalia!” sabi ni Honary. Hindi naman ako tatanggi kung sasama siya pero doon naman sumingit si Rouge. “Honary, halika. May ipagagawa ako sa iyo,” seryosong utos nito. Silang nakababatang kapatid ni Rouge ay talagang takot sila sa kuya nila. “Pero, kuya?” “Sumunod ka,” mariin na utos lang nito at lumabas na rin kaming tatlo. Off-shoulder blouse na puti ang suot ko naman at maong na pants. White sneakers din pababa. Pumara kami ng traysikel at nagpahatid sa sakayan patungo sa Manila. Minsan ko lang dalhin sa lugar na iyon sina Darlene at Ryry. Ang gusto ko ay magsaya na muna sila ngayon. Pagkarating namin doon ay tuwang-tuwa sila. Dinala ko kasi sila sa Enchanted Kingdom, kung saan na malayang-malaya silang makakapaglaro. Lahat yata ng rides ay nasakyan na nila. Hindi nga sila nahihilo, eh. Ako naman ay kontento na sa kapanonood sa kanila habang kinukuhanan ko sila ng litrato. Nang magsawa na rin siguro ay patakbong lumapit na sila sa akin. Hinanda ko agad ang pamunas ko. May maliit na tuwalya naman si Ryry sa damit niya pero mukhang nabasa na rin iyon. “Suko na kayo sa rides, hmm?” malambing na tanong ko sa kanila. “Nahihilo na po ako, Ate!” nakangiwing sambit ni Darlene na tinawanan ko lamang. “Ako, ate. Nauuhaw na rin,” sabi naman ni Ryry. Sinipat ko pa ang relo kong pambisig. Dalawang oras din kasi ang itinagal nila. Tapos isang oras ang biyahe namin kanina. “Sige, mag-a-ice-cream tayo saka drinks. Bawal ang softdrinks, okay?” paalala ko. Inakay ko sila pareho sa ice-cream parlor. Marami akong in-order para sa kanila. Si Ryry lang ang inasikaso ko, kasi si Darlene ay kayang-kaya naman niyang kumain nang mag-isa. Iba’t ibang flavor ang tinikman nina Ryry at Darlene. Ako naman ay nakontento sa ube flavor. Masarap naman kasi at ito ang paborito ko. “Yum, yum, yum. Ang sarap-sarap.” Pareho kaming natawa ni Darlene sa sinabi nito. “Kumain ka na lang, Ryry. Ang dami mo talagang sinasabi,” naiiling na sabi ko at sinubuan ko na siya. Pinunasan ko pa ang dumi sa gilid ng labi niya. Ang dungis pa rin niyang kumain. “Ate, bili ka po ng isa pa pag-uwi natin, ha?” munting request pa niya. “Siyempre naman. Ipaalala mo lang sa akin para hindi ko makalimutan,” sabi ko naman. “Sige po,” sagot niya. Napatingin naman ako sa paligid at pati ang mga customer na abala sa pagkain. Parang may nanonood kasi sa amin. Nararamdaman ko iyong dalawang pares ng mga mata at tila pamilyar din sa ’kin. Tumingin pa ako labas ng pader na gawa sa salamin kaya makikita ang mga taong naglalakad doon. Maging sa labas ay makikita pa rin nila ang nangyayari sa loob. Ang nakapagtataka lang ay bakit naman ako kinakabahan na parang nanonood sa amin? “Ate Dalia? Okay ka lang po ba?” Binalingan ko si Darlene at tipid na ngumiti. “Sige na, kumain na kayo ni Ryry, Len. Okay lang si ate,” nakangiting sagot ko. “Bakit po parang namumutla ka?” kunot-noong tanong nito. Inilingan ko siya. “Okay lang po ako. Hindi ako namumutla, maputi lang ako,” biro ko na ikinanguso niya at tumingin siya sa mga braso niya. “Bakit po ako hindi maputi, ate?” inosenteng tanong niya. “Kasi po babad ka sa tirik ng araw,” sagot ko lamang sa kaniya at pinunasan ko rin ang gilid ng labi niya. “Eh, ikaw po? Hindi ka babad sa araw?” makulit na tanong naman ni Ryry. “Hindi. Babad ako sa trabaho,” sagot ko at napangiti na lamang siya. Nang magbabanyo si Ryry ay hindi ko hinayaan na iwang mag-isa si Darlene. Kaya isinama ko siya at doon kami nagtungo sa ladies room. Bata pa naman si Ryry kaya ayos lang pero siya lang ang nahihiya. Tinakpan pa niya ang mga mata niya. Pumasok kami sa corridor at saka lang din siya umihi. “Ate, doon naman po tayo sa kabila, ha? Nakahihiya po pala rito,” sabi niya at natatawa ako. Bata pa lang ay marunong na siyang mahiya. Goods iyon. “Sige po,” sagot ko lamang at inayos ko ang shorts niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD