When I clash against reality, you become my path… ~ You Are, GOT7 xxxxxx [Relaina] NAKU PO, heto na naman. Buntong-hininga na naman ang drama ko. Wala na yata akong kasawaang bumuntong-hininga. But hey, it proved that I was still alive, right? Wrong. Pinatunayan lang n’on na wala na talaga akong makitang maganda sa paligid ko. Paano ba naman kasi? Lahat na lang ng makikita ko sa school, pulos Christmas Ball ang topic. Nakakaloka lang, as in! Oo na. Umiiral na naman ang pagiging bitter whatsoever ko. Eh sa hindi ko mapigilan. Ano’ng magagawa ko? And no matter how useless I would deem this event, no choice ako. Kailangan kong um-attend. Ginawang compulsory ni Mayu iyon para sa akin. In other words, napapilit ako nito sa tulong ng mga magulang kong mas excited pa yata kaysa sa akin. I

