Fighting for a future we're not aware of can be tiring. But I'll do it if that's the only way to make sure I won't lose you… ~ Florence Joyce xxxxxx [Relaina] SA PAGKAKAALAM ko, hindi naman ganoon kalayo ang nilakad ko. Pero bakit parang milya-milya yata ang nilakad ko para maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko? Great! Just great! Why in the world did I have to feel this again? “Relaina, okay ka lang ba?” Napatingin ako kay Oliver na siyang nagtanong n’on sa akin. Tumango na lang ako. “Kanina ka pa kasi parang wala sa sarili mo, eh. I couldn’t help noticing.” Pilit na ngiti ang nakaya kong ipakita rito. “I’m okay. Medyo hassle lang kasi sa school kanina.” Lalo na at ang buwisit na Kamoteng Brent na iyon na naman ang may kasalanan. Grabe! Nakakainis lang talaga. “I have t

