I knew that you weren't someone who can stay by my side when I'm lonely or sad... -- Anata Wo Suki Ni Natte (Falling For You), Fujita Maiko xxxxxx [Relaina] NAPABUGA na lang ako ng hangin nang marating ko na rin sa wakas ang rooftop. Doon ako dinala ng mga paa ko matapos kong lumayas sa classroom para lang nakaiwas sa mga pang-aasar at pagpaparinig nina Mayu at Neilson sa akin. But heck! Why couldn’t I even stop my heart from beating this fast? Wala namang dahilan para maramdaman ko pa iyon. Even so, saying those words wasn’t enough. Hindi ako dumiretso sa paborito kong tambayan dahil may kalayuan iyon sa CEA building. But going to the rooftop was okay, too. Isa rin naman iyon sa mga pinupuntahan ko kapag naguguluhan ako tungkol sa maraming bagay na nasaksihan o ‘di kaya’y naramdaman

