The more I duck away, the more I avoid you, it's like the more I see you... -- Ying Bpadtiset Ying Ruk Tur (The More I Resist, The More I Love You), Mook Worranit xxxxxx [Relaina] URGH! Another hell week! Project dito, exam doon, activities diyan… Hay… Ang hassle na naman ng buhay naming mga estudyante ng Oceanside. Palibhasa, last week of the school year at didiretso na sa susunod na school year. Kaya hayun, ang tindi lang ng kalbaryo ng mga utak naming lahat – mapa-estudyante man o professors. Pero para sa akin, heto… Tiyaga-tiyaga lang ang nagiging drama ko. Kailangan, eh. May scholarship na mine-maintain kaya kahit sobrang sakit na sa ulo, kailangang mag-effort nang husto. Mahirap nang bumagsak. Sa totoo lang, kahit hell week, bilib din ako sa mga tsismosang estudyante sa school.

