Things changed one by one, as if all my moments were you… ~ Days We Loved, 12Dal xxxxxx [Relaina] “ALRIGHT, class! Based on your queue number, magpe-perform ang bawat pair sa stage. Kailangang naka-set na dapat ang lahat ng music at mga props—kung meron man—na kakailanganin n’yo para sa performance. One pair at a time lang ang magpe-perform sa stage kahit pa may ilan sa inyo na pareho ang dance style na sasayawin kaya solo ninyo ang buong stage. After all the performances are done, you will be given a chance to grade each pair per dance category and you need to grade the overall best pair. Pero bigyan n’yo sila ng grado base sa performances nila at hindi dahil gusto n’yo lang sila. Ang grades na ibibigay ninyo sa mga best pair ang isang pagbabasehan ko ng magiging grado ng parehang iyon

