I've been taking a roundabout way all this time. But I've realized that the answer has always been right by my side… ~ Love Is…; Tiara ft. KG xxxxxx [Brent] Natigil ang pagbabalik-tanaw ko sa bahaging iyon. Wala naman na kasing ibang kasunod na nangyari pagkatapos n’on. To cut the story short, wala akong naisip sabihin para pasubalian nang husto ang sinabing iyon ni Neilson. Pero pati yata ang utak ko, nag-short circuit matapos ipamukha sa akin ni Neilson ang sinabi nitong iyon. Sa totoo lang, minsan lang mangyari iyon sa akin. Hanggang ngayon talaga, hindi ko alam at lalong hindi ko masabi rito lalo na sa sarili ko na iyon na nga talaga ang sagot. Then again, I wasn't foolish enough na aminin sa kakambal ko ang isang bagay na gusto kong kay Relaina ko muna sabihin. Naputol lang ang

