Right now, we're sure that a lot of things had changed between you and me that we'll never be able to avoid anymore... -- Florence Joyce xxxxxx [Brent] SILENCE… Nakakabinging silence – iyon lang ang naisip ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Naroon lang ako sa labas ng auditorium kung saan kami magpe-perform para sa dance practicum namin sa PE II. Halata naman na siguro kung sino ang inaabangan ko although I had to admit that, until that moment, I still couldn’t believe na doon na matatapos ang truce namin. Hindi ko napigilang mamangiti nang mapakla. Ang weird sa pakiramdam, sa totoo lang. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako, o magtatampo, o masasaktan. Right after the dance practicum, everything would surely end. “It was meant to end, anyway…” That sss girl was truly un

