You wiped my tears when I couldn't do anything to stop them from falling... ― Florence Joyce xxxxxx [Relaina] Wala akong narinig na kahit anong tugon mula rito. Sa ‘di ko malamang rason ay nakaramdam ako ng kaba. Noon ko naisipang tingnan ulit si Brent na sa gulat ko ay nakatayo na pala may humigit-kumulang isang metro na lang ang layo sa akin. Pero ang kaalamang mataman itong nakatingin sa akin sa distansiyang iyon sa pagitan na naming dalawa ang lalong nagpatindi sa kaba ko. Ano ba naman ‘to? Bakit kailangang ganoon pa ang iparamdam sa akin ng pagtitig ng lalaking ito sa akin? “Uy! Para ka namang tuod diyan,” pabirong puna ko rito dahil sa totoo lang, hindi ko na matagalan ang tingin nitong iyon sa akin. “Wala ka man lang planong magsalita?” But as I looked as him again, hindi ko n

