Sometimes, when I'm with you, I find it so strange that I'm smiling... ― Like The First Snow, Kim Jang Hyun xxxxxx [Relaina] “MUKHANG… okay ka na, ah. Kahit papaano.” Napatingin ako kay Mayu habang tinatahak naming dalawa ang ruta namin pauwi. I just smiled at her comment but decided against the fact to tell her what had really happened. Gaya nga ng sabi sa akin ni Brent, whatever happened in that place would stay there for good. “Mukha ba? At saka… okay lang naman talaga ako, ah.” Hay, naku naman, Relaina Elysse. Buking ka na nga, nakukuha mo pa ring mag-deny. I saw my cousin rolled her eyes, which means hindi ito naniniwala sa sinabi ko. “Hay, naku! Bolahin mo na ang lahat, huwag lang ako, ‘no? Pinsan mo ako and at the same time, best friend mo kaya hindi mo ako mapaglilihiman.”

