When I look at you, all time stops... ― U, Baekhyun (EXO) xxxxxx [Relaina] IT WAS a Sunday, pero hayun, continuous pa rin ang practice namin ni Brent para sa dance practicum. Ikalimang araw na rin iyon ng truce namin ng ugok na iyon. Limang araw na maraming binago ang truce na iyon sa buhay ko, whether I admit it or not. Or at least iyon ang pakiramdam ko nitong mga nakalipas na araw. Ayoko nang isa-isahin pa ang mga iyon dahil baka lalo lang akong maloka nang wala sa oras. Wala pa akong planong magpakabaliw at ang dami ko pang gustong gawin na matino ang takbo ng isipan ko. Naroon kami ng kumag kong ka-partner sa practice place namin – sa room sa loob ng auditorium. Ewan ko ba rito sa buwisit na 'to. Puwede naman kaming mag-practice sa ibang lugar, eh. Pero heto, dito pa rin nito nai

