If you see the changed me, I'm afraid you will be hurt, that you will stop on your way here, that you will hate me... -- Tears Fall Because I Miss You, Lee Soo Young xxxxxx [Relaina] “BAKIT BA kailangan pang dumating ang Valentine’s Day? Nakakawalang-gana tuloy,” tila nababagot na reklamo ko na lang habang papasok kami ni Mayu sa school gym ng Oceanside. Pero ang bruhilda kong pinsan, tinawanan lang ako. Kasabay ng Valentine’s Day ang School Festival ng unibersidad na tumatagal ng isang linggo kaya naman kabi-kabila ang activities at booths ng bawat colleges, school departments at clubs. Unang araw iyon ng school festival at nagkataong tumapat sa Araw ng mga Puso. Wala naman sanang problema sa akin ang nasabing okasyon. Kaya lang— “Ako na lang ang date mo, babes!” Narinig kong nang-

