I want to collect for you the most beautiful moments... -- Promise Of The Wind, Zhang Han xxxxxx [Relaina] IF THERE was one thing that I truly cherished the most whenever I would go to the library and decided to stay there, it was the silence in one particular corner. Well, gusto ko lang talagang tumambay doon. Pero hindi naman ako maikokonsiderang bookworm sa ginagawa kong pagtambay sa lugar na iyon. Lalo na kapag vacant period ko. Gusto ko lang talaga ang katahimikan sa lugar na iyon, lalo pa’t kailangan ko iyon para makapag-internalize ako. Sa mga sandaling iyon ay pinipilit kong ituon ang atensiyon ko sa assignment na kailangan kong tapusin nang wala na akong pinoproblema pag-uwi ko sa bahay. Pero nakakabuwisit lang talaga! Sa kabila kasi ng kagustuhan kong mag-internalize nang s

