What could emerge from a torrent of emotions that, perhaps we both chose to keep, is a series of unsaid messages that I hope, one day, you'd be able to know and accept... -- Florence Joyce xxxxxx [Relaina] MABILIS na lumipas ang panahon pagkatapos ng Christmas Ball na iyon. Para sa iba, oo nga at naging mabilis iyon. Pero para sa akin, ni hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Paano ba naman kasi? Lutang yata ang utak ko pagkatapos ng event na iyon. Kaya heto, hindi ko nagawang i-enjoy ang naging pagdaan ng Pasko at Bagong Taon. Walang tigil na ginulo ng buwisit na halik na iyon ang utak ko. For the second time, hinalikan ako ng buwisit na kamoteng mokong na ‘yon. At wala man lang akong nagawa para pigilan pa ito. I was petrified, I couldn’t even believe it! Pero ang hindi ko lu

