Your presence is the only reason I could show a true smile... ― Florence Joyce xxxxxx [Brent] “MA’AM, sigurado na po ba talaga kayo na final decision na ang pairings na ginawa n’yo para sa practicum namin? Hindi na po ba puwedeng palitan at pick-your-own-partner na lang?” tanong ko sa PE II instructor namin na si Mrs. Castro. I-announce ba naman kasi nito kaagad ang pairings para sa dance practicum ng klase namin. Ewan ko lang talaga kung malaki ang galit sa akin ng instructor kong iyon o trip lang nitong mang-asar. Si Relaina ba naman kasi ang napili nito para maging dance partner ko. Hindi ko naman masabi kung talagang minamalas lang ako o tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami ni Relaina. 'Sus! Malas nga ba talaga ang dala sa iyo ni Relaina? O baka naman natatakot k

