Now I'm asking if you'd like to know the real me... ― Florence Joyce xxxxxx [Relaina] “O, BA’T PARA kang wala sa sarili mo? Nandoon ka lang naman sa pahingahan mo, ‘di ba?” Hindi ko na sinagot si Mayu – na himalang hindi pa umaalis samantalang kababanggit lang sa akin ni Neilson na may “date” ang mga ito – pagdating ko sa classroom. Naupo na lang ako sa assigned seat ko at inilapat ko ang noo ko sa table ng armchair na gamit ko. Mabuti nga’t hindi ko pa naisipang ibagsak ang ulo ko roon para lang magising ako. Bangungot ba ‘to? Bakit ganito ang dating ng bulaklak na iyon sa akin? Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? Waah! Ano ba namang klaseng araw ‘to? “Uy! Okay ka lang?” Tiningnan ko si Mayu na siyang yumugyog sa akin pero nakalapat pa rin ang ulo ko sa table. Ayoko munang iangat

