My love for you was only a lie that I should forget... ― Florence Joyce xxxxxx [Relaina] “ANO? Seryoso? Tumawag siya sa iyo?” Napangiwi na lang ako dahil doon. Kulang na lang talaga, takpan ko ang tainga ko sa lakas ng boses ni Mayu. Ang bruha kong pinsan talaga, naisipan pang mag-eskandalo. Hindi na naawa sa tainga ko na nagsa-suffer sa lakas ng boses nito. “Necessarily lang talagang ipangalandakan mo iyan sa madla, ‘no?” Napabuntong-hininga ako pagkatapos n’on. “Oo, tumawag siya. Nagulat nga rin ako, eh. Ilang beses ko pang inulit iyong message na iniwan niya sa voice mail ko para lang makumpirma ko talaga na hindi ako nananaginip o nagha-hallucinate lang.” “Paano naman niya nalaman ang number mo? Sa pagkakaalam ko, iilan lang ang nakakaalam n’on. And take note, wala sa mga kaibiga

