From here on, let's make more good changes to each other's lives together. Hand in hand, smiling at each other as we both greet each day that comes in our lives... -- Florence Joyce xxxxxx [Relaina] NAALIMPUNGATAN ako nang tumunog ang buwisit kong cellphone. And worst, mukhang Incoming call alert tone pa yata ang tumutunog na iyon at tuluyang sumira sa magandang tulog ko. 'Kakabuwisit naman! Sino kayang walang hiya ang nang-iistorbo sa akin nang oras na iyon? And— Tuluyan na akong napamulat ng mga mata. Teka nga lang. Ano’ng oras pa lang ba? Tiningnan ko ang alarm clock sa bedside table ko. Napaungol ako sa inis at hindi pagkapaniwala. What the heck? Alas-sais pa lang ng umaga, ah. I glared at my ringing cell phone, despite knowing it wouldn’t actually help me stop it from further

