Now make a wish that this moment will feel like eternity... ~ Love Is Blowing, Lee Ji Young xxxxxx [Relaina] IT TURNED out what Brent said was really the truth. Talagang ikinagulat ko iyon. Paano nito nagawang kumbinsihin ang mga magulang ko na lumabas kasama ang lalaking noon lang nakilala ng mga ito? Hindi talaga ako makapaniwala. Ano ba ang nangyayari sa mundo sa mga sandaling iyon? “Ano? Bilib ka na sa gandang lalaking ko? Pati parents mo, nagawa kong kumbinsihin na isama ka sa mga trip ko para sa ating dalawa ngayong summer.” Ano raw? Napaka-unbelievable talaga ang lakas ng apog ng kamoteng kasama ko ngayon. I just eyed him incredulously. “Anong gandang lalaki ang pinagsasasabi mo riyan? Ang sabihin mo, magaling ka lang manuhol. Pambihira! Pati tatay kong hindi basta-basta nati

