STAMB: 1

1005 Words
Yumi P.O.V Dalawang araw na ang lumipas ng ibinta ako ng sarili kong ina sa bilyonaryong tao sa mundo. Hindi ko inaakala na ang ina ko pa mismo ang magbibinta sakin. Mahirap lamang kami alam ko yun pero hindi naman sapat na ibinta ako para lamang sakin o sa pamilya ko, Maganda parin kung kasama mo ang pamilya mo kasama sa hirap, Nagtatampo parin ako kay nanay dahil sa pagbinta niya sakin. Masasabi kong sa dalawang araw na ibininta ako ni ina nakatira ako sa isang exclusive na subdivision napakalaking bahay ang tinitirhan ko at tanging dalawa lang kami ang nakatira sa napakalaking mansiyon na ito. Ang asawa ko 'kuno' wala dito he's busy with his girls. You read it right? Girls, Nag search ako tungkol sa kanya nalaman ko na isa siyang Cassanova King hindi ko alam bakit ganon siya tanging alam ko lang ang dami niya ng babaeng nakaflirt. Tulad nalang ngayon nagdala siya ng babae sa room 'niya'. Were separated dahil hindi namin pareho na magkatabi. Naghahanda ako ngayon ng makakain para 'sakanila'. Nakalimutan ko ring sabihin sainyo na may pasok ako ngayon I'm 4th year college graduate next month. Isang buwan nalang at makakapagtapos na ako kaso e-trinansfer ako ng magaling na bumili sakin ewan ko kung bakit pero nasa isang elites school ako kung saan nandon ang mga mayayaman sa pinakasikat na university. Ayoko sa university na iyon hindi nababagay ang gaya ko doon isa lamang akong mahirap na nilalang at isa pa panget ako. Oo panget ako manang manamit, may glasses dahil sa labo ng mata ko, Lagi rin akong balot na balot conservative noh?. "Hey babe let's hang out later."Malanding sabi ng kaflirt ng asawa ko 'kuno'. Wala naman akong pake sakanila dahil para sakin isa lang itong 'bahay bahayan'. "Sure babe."Sagot naman ng asawa ko 'kuno'. Sa totoo lang nakakasuka sila, Kung pwede lang mag takip ng mata at tenga sa tuwing nandiyan sila ay gagawin ko ngunit bakasa sabihan lang akong bitter kaya wag na. "Hey maid, Our breakfast is ready?"Maarteng tanong ng babae na akala mo kung sino. Breakfast my a*s! Kakainis ang ganyang ugali, Aarte wala namang ganda. Mabuti sana kung mag iinarte ka ay may maipagmamalaki ka ngunit sa katulad niya ang tanging maipagmamalaki niya lang yung dibdib niyang mukang bola sa laki. Tanging tango lang ang isinagot ko sakanila, Ano ba dapat kung sabihin 'oo'? katamad magsalita noh sayang laway ko sakanya. Aalis na dapat ako sa kusina dahil nagsisimula na silang kumain ng tawagin ako ng asawa ko 'kuno'. "Stay here. Clean the whole house if you don't want, You're going to face your consequences."Sabi niya habang hindi nakatingin sakin. Patuloy lang silang kumakain na naghaharutan. Nakakasuka sila sa mata ko maglalandiaan nalang sa harap ko pa tsaka stay here? Manigas siya bat hindi siya yung mag stay dito at maglinis? Bininta ako para hindi maging katulong kapal ng muka. Malelate na ako noh. Bahala siya diyan. Nakarating ako sa university na pinasukan ko, Naagaw ko siguro atensiyon nila pagpasok ko sino ba naman hindi makakaagaw ng atensiyon kung ganito itsura ko, Nakasuot ng glasses at balot na balot. Mainit? Oo pero ayokong ibalandra balat ko. Sa tingin nila sakin mahahalata mong diring diri sila sakin. Hindi ko na sila pinansin at hinanap ko na room ko. Ngayon lang din siguro sila nakakita na ganito outfit kung gusto nila gumaya sila, Ito ang nauuso ngayon para sakin. "You are Ms.San?"Tanong ng prof siguro namin pagkapasok ko sa loob ng room. Tsk! May iba pa siyang nakikitang tao bukod sakin? Stupid teacher. "Yes po."Mahina kong saad sapat na para marinig niya. Pasalamat siya marunong pa akong gumalang sa mga nakakatanga sakin. "Introduce yourself."Nababahid ko palang sa boses niya na nandidiri siya sakin. Ano magagawa ko? wala naman. Akala mo naman kasi sinong maganda muka namang palaka. The eff with these ugly people. "Yumi San, Half Japanese and Filipino."Pagpapakilala ko, Kanya kanya naman silang tawanan sa sinabi ko. "Sang parte ang Japanese diyan sa muka mo?"Mataray na sabi ng babaeng makapal yung make up. Kung akala niyang magpapatalo ako sa kanya, Nagkakamali ka. Marunong akong lumaban lalo na pagtinamaan ako ng kalokohan. "How 'bout you Ms, Plastic girl. Sang parte diyan ang natural?" Nakangisi kong saad. Nagtawanan naman ang buong klase sa sinaad ko. Wala naman siyang pamalo sakin bukod sa ma pera siya. "Sit down Ms. San."Utos ng guro. Wala akong makitang ibang bakante kundi ang isng upuan na nasa pinakalikod at tabi ng bintana. Umupo na ako doon at nakinig nalang sa dinidisscuss ng prof. Iniisip ko ngayon kung ano ang concequence na sinasabi ng asawa ko 'kuno' Nakalimutan kong ipakilala siya sainyo. His Name Is Axel Knight Lancaster ang ganda ng name niya kaso kabaliktaran sa ugali. Sana lang kaya kong tanggapin ang consequence na iyon. Dahil kung hindi baka maaga akong mamatay, Kung hindi lang sana ako binenta ng nanay ko baka hindi ako na m-mroblema ngayon sa devil kong asawa akala mo kung sino pangalan lang naman maganda sakanya, Minsan nagttataka talaga ako bakit dami niyang babae eh ang ugali niya ubod ng pait, Ma try nga minsan langyan ng sweet sa buto niya. "Class dimissed." Bakit parang ang bilis naman ng oras? Oh i don't care. Inayos ko muna ang gamit ko bago lumabas ngunit dipa ako nakakalagpas ng pintuan ng humarang sakin si Ms, Plastic girl. Purong kemikal walang halong natural ika nga nila. "You! Ang kapal naman ng muka mo sagutin ako kanina." Asar niyang saad. Nginisihan ko na lamang siya. Lalagpasan ko sana siya ng hawakan niya ang braso ko. "You're going to pay for this." Inis niyang saad. Nabasa ko nato, Ganito mga nababasa ko sa mga bida tatapunan ng harina kung ano ano pa. Wala namang bago don. Nakaka antok lang sila. "I don't give a s**t, So fvck off plastic girl." Matapos kong sabihin sakanya yon ay nilagpasan ko na siya habang siya ay naiwang nakatulala. May tinatago rin akong ka demonyohan. Ngunit mas gusto ko parin ipakita ang kabutihang ako. Maganda manloko ng ibang tao lalo na kung kalokoloko naman sila. They deserve to be fool by me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD