HINDI napigilan ni Nicolai ang mapangisi nang makita niya ang takot sa mukha ni Allen nang makita siya nitong pumasok sa loob ng torture room. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa umupo siya sa upuan na hinanda ni Angelo para sa kanya. Pagkatapos niyon ay nilingon niya si Angelo at hindi naman niya kailangan na magsalita para malaman nito ang gusto niya dahil mayamaya ay inabot nito sa kanya ang isang pakete ng sigarilyo na kinuha nito sa bulsa ng suot nitong pantalon. Kumuha naman siya ng stick at saka niya iyon dinala sa bibig niya. Sumunod naman nitong inabot sa kanya ay ang lighter, kinuha naman niya iyon at saka niya sinindihan ang sigarilyong nakaipit sa bibig niya. Hinithit ni Nicolai iyon hanggang sa ibuga niya ang usok. "Am I seeing it right in your eyes, Allen?” tanong n

