NAPAAWANG ang labi ni Solana nang magising siya ay nakahiga na siya sa kama ni Nicolai. At si Nicolai, wala na ito sa tabi niya. Pero nang makabawi naman mula sa paggulat ay hindi niya maiwasan ang mapakunot ng noo. At huli kasing niyang natatandaan ay nakaupo siya sa swivel chair nito na hinila niya palapit sa kama nito para bantayan ito. Hindi na nga din niya natiis ang antok kaya isinubsob na niya ang mukha sa gilid ng kama nito para umidlip naman do'n. At wala siyang natatandaan na humiga siya sa tabi nito pero naisip naman niyang baka sa sobrang antok kagabi ay humiga siya sa tabi nito. Imposible naman kasing si Nicolai ang bumuhat sa kanya para ilapag siya nito sa kama. And where is Nicolai by the way? Magaling na ba ito? The last thing she knew was that he was still burning with f

