TUMAYO si Solana mula sa pagkakaupo niya para sapuhin ang noo ni Nicolai para tingnan kung mainit pa ba ito o hindi. Pero hindi pa niya tuluyang naidadapo ang kamay sa noo nito ng mabilis na hinawakan ni Nicolai ang kamay niya. At mabilis na nagmulat ito ng mga mata. Hindi nga din napigilan ni Solana ang mapangiwi ng maramdaman niya ang sakit sa pulsuhan nang higpitan ni Nicolai ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya. "N-nicolai...you're hurting me," wika naman ni Solana. At nang marinig iyon ni Nicolai ay naramdaman niya ang dahan-dahan na pagluwag nito sa kamay niyang hawak nito, binitiwan nga din nito iyon. Hinawakan at hinaplos naman ni Solana ang pulsuhan niyang nasaktan. Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Nicolai nang bumaba ang tingin nito sa kamay niyang

