NANLAKI ang mga mata ni Solana nang maramdaman niya ang paggalaw ng seradura ng pinto sa kinaroroonang kwarto. At bago pa iyon bumukas ay mabilis siyang humakbang patungo sa kama. At saktong pagkahiga sa kama ay ang pagbukas niyon. Mabilis nga din niyang ipinikit ang mga mata. At nang sandaling iyon ay grabe ang bilis ng t***k nang puso niya. At kahit na nakapikit ay alam ni Solana kung sino ang pumasok sa loob ng kwartong tinutuluyan. Si Nicolai. Wala kasing ibang pumapasok do'n maliban dito. Kung noon ay mga tauhan nito ang nagdadala ng pagkain niya, ngayon naman ay si Nicolai na. As if everyone else was forbidden from entering the room she stayed in. Pati nga gamot na iniinom niya dahil nilagnat siya pagkatapos siya nitong inangkin ng paulit-ulit ay si Nicolai ang naghahatid. At

