NANLAKI ang mga mata ni Solana nang biglang atakihin ni Nicolai ang labi niya sa isang marubrob na halik. Pero nang makabawi naman siya mula sa pagkabigla ay agad na tumaas ang kamay niya patungo dibdib nito para itulak ito. Pero gaya ng dati ay para lang siyang tumulak sa pader dahil hindi man lang napaatras si Nicolai. Sinubukan nga din niyang ilayo ang mukha dito pero mabilis nitong hinawakan ang batok niya para hindi niya maigalaw ang mukha. Inatras nga din siya ni Nicolai hanggang sa maramdaman niya ang matigas at malamig na pader sa likod niya. At mas lalo siya nitong hinalikan ng mariin sa labi. Halos kainin na nga nito ang labi niya sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Solana struggled to break free from his hold, but Nicolai’s strength overpowered her. At sa paggalaw nga ni

