NAGING alerto si Solana ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto mula sa kwartong pinagkulungan sa kanya ng estrangherong lalaking dumukot sa kanya. Estranghero dahil hanggang ngayon ay hindi pa din niya nalalaman kung ano ang pangalan nito at wala siyang balak pa na malaman.
At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang hindi pamilyar na mukha ng lalaking pumasok do'n. Para ngang hindi ito gagawa ng kabutihan sa hitsura nito. He looks like a goon. Iyong bang pumapatay sa isang pelikula.
Bumaba nga din ang tingin ni Solana sa hawak nito. At hindi niya napigilan ang pagkalam ng kanyang sikmura nang makita niya ang pagkain na bitbit nito.
Inabot ng lalaki sa kanya ang pagkain na dinala nito. Pero sa halip na tanggapin ay nanatili lang ang titig niya doon. Kahit na gutom dahil kagabi pa ang huling kain ay parang hindi niya maatim na kainin iyon dahil paano na lang kung may nilagay na lason? Paano kapag kinain niya iyon ay bigla na lang bumula ang bibig niya?
"Ayaw mong kumain?" tanong ng lalaki sa kanya.
"Paano kung nilagyan niyo iyan ng lason?" Hindi niya napigilan na sabihin iyon dito.
"Wala pa namang sinasabi ang boss namin na patayin ka. Kaya walang lason ang pagkain kaya huwag kang mag-inarte."
Pagkatapos niyon ay sapilitan nitong inabot sa kanya ang hawak nitong tray. At kung hindi naging mabilis ang reflexes niya ay baka natapunan siya.
Hindi na nga din siya nito hinintay na magbigay komento dahil humakbang na ito palabas ng kwartong pinagkulungan sa kanya. Pero bago pa ito tuluyang makaalis ay tinawag niya ang atensiyon nito.
"S-saglit," wika niya dito. "P-pwede bang sabihin mo sa boss mo na bigyan ako ng mga damit? At sabon at shampoo?" Wika niya ng lingunin siya nito, sinabi nga din niya ang brand ng sabon at shampoo na ginagamit niya. Iyon lang kasi ang tanging brand na ginagamit ni Solana.
Gusto kasi niyang maligo. Naglalagkit na ang katawan sa suot niya. Dahil kahapon pa niya iyon suot. At hindi sanay si Solana na hindi naliligo lalo na kapag matutulog na.
At sa halip naman na sagutin siya ng lalaki ay tinalikuran na siya nito. Isinara na nga ulit nito ang pinto at sigurado siyang ini-lock nito iyon sa labas.
Humugot na lang naman si Solana ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay itinuon niya ang tingin sa pagkain na hawak.
At dahil gutom na si Solana ay hindi na siya nagpaka-arte pa. Kinain na niya ang pagkaing ibinigay sa kanya, kailangan din niyang maging malakas dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa susunod na sandali. Kailangan niyang maging malakas para makalaban siya kung sakali. Halos maubos nga din ni Solana ang pagkain at hinintay nga din niya na bumulagta siya sa sahig o hindi kaya ay bumula ang bibig niya pero ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa din siyang nararamdaman na kakaiba sa kanyang katawan. Mukhang safe nga ang pagkain.
Umaasa naman si Solana na sasabihin ng lalaki ang mga kailangan niya sa boss nito. Pero mukhang hindi na iyon mangyayari dahil halos mamuti na ang mga mata niya sa kahihintay pero wala pa din ang mga kailangan niya.
Damn.
Pero mayamaya ay napaayos si Solana mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama nang bumukas muli ang pinto. Inakala niya na ang lalaki kanina ang nagbukas pero nagkamali siya dahil nang pagka-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanya ang itim na pares na mga mata.
And estrangherong lalaking tinawag na boss ng lalaki kanina. Hindi nga din niya napigilan ang mapatitig sa gilid ng labi nito nang makita niya ang sugat do'n, same wound as her.
Nagulat na nga lang siya ng ibato nito sa kanya ang hawak nitong paperbag. Kung hindi niya iyon agad nasalo ay baka tumama iyon sa mukha niya.
Solana couldn't help but to glared at him. At mukhang hindi nito nagustuhan ang paninitig niya dahil napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito.
"The last time someone glared at me like that, they lost their eyes," he said to her in a cold voice. But to her, it sounded like a threat.
Nanginig naman ang katawan ni Solana dahil sa takot na nararamdaman. Dahil pakiramdam niya ay hindi ito nagbabanta, pakiramdam niya ay gagawin talaga nito ang sinabi nito sa kanya.
Kaya inalis na lang niya ang tingin dito at saka niya tiningnan ang laman ng paperbag.
Hindi nga din niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita ni Solana ang laman ng paper bag.
"Didn't the man I spoke with tell you what brand of soap and shampoo I use?" wika ni Solana sa lalaki ng mag-angat siya ng tingin dito.
Napansin naman niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi. "For someone who's being held captive by their abductor, you still have the nerve to look for things that aren't there?" He said in a deep and baritone voice "Just be thankful I'm kind enough to give you those things, Solana." pagpapatuloy na wika nito sa kanya.
At sa tingin ba ng lakaki at magpapasalamat siya dito? No freaking way! Over her dead body.
Kaya sa halip na magpasalamat o sumagot man lang ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Hahakbang sana siya patungo sa banyo na naroon sa loob ng kwartong pinagkulungan sa kanya ng mapatigil siya ng hawakan siya ng lalaki sa braso at hinila para mapabalik mula sa kinauupuan niya.
Sa rahas ng paghila nito sa kanya para mapaupo ay nag-bounce ang katawan niya. Nabitawan nga din niya ang hawak.
Humakbang ang lalaki palapit pa sa kanya hanggang sa ang isang binti nito ay pumuwesto sa gitna ng mga binti niya.
Naramdaman nga din niya ang paghawak nito sa baba niya at saka nito iyon marahas na inangat para sapilitang magtama ang paningin nila.
His devilish eyes met hers. And while staring at her eyes, she couldn't read any emotion in them. "Who gave you permission to walk away with me, Solana?" tanong nito sa mapanganib na boses. Hindi naman siya sumagot, sa halip ay nakatitig lang siya sa itim na mga mata nito.
At nang hindi pa siya sumasagot ay naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa baba niya. Kasabay ng pag-ngiwi niya ay ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Napansin naman niya na saglit itong natigilan habang nakatitig ito sa mukha niya pero sandali lang iyon dahil sa sumunod na sandali ay napansin niya ang pagtalim ng ekspresyon ng mga mata nito. Marahas nga din nitong binitiwan ang baba niya.
Tumaas naman ang isang kamay niya para punasan ang luha na namalibis sa mga mata niya ng mapatigil siya ng may naisip siya.
Hinayaan naman ni Solana ang luha sa kanyang mga mata at tumitig siya sa lalaki.
"P-pakawalan mo na ako," wika niya dito, napansin niya ang pagsasalubong ng mga mata nito, mukhang hindi nito naintidihan ang sinabi niya. "Just let go of me," wika niya dito. "I have nothing to do with my father's wrongdoings against you. If you want revenge, punish my father. Not me."
At sa gulat ni Solana ay tumawa ang lalaki, tumawa ito na parang demonyo.
"Where's the fun in letting you go, Solana? I'm just starting. I haven't had my fill of revenge yet," wika nito sa kanya, sa pagkakataong iyon ay sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito. "I'll stop when I want to. I'll stop when I'm satisfied. And I'll stop if I see your father kneel down to me, begging for mercy," mariin ang boses na wika nito.
Sa pagkakataong iyon ay pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya. Pilit nga niyang sinasalubong ang itim na mga mata nito.
"Are you done?" tanong niya dito. His brows furrowed. "Now that you're done, can I take a bath?" Parang wala namang patutunguhan kung magmakaawa siya dito dahil mukhang hinding-hindi siya nito pakakawalan nito.
"Will you excuse me," she excused herself. Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ito dahil humakbang na siya papasok sa loob ng banyon. Ini-lock nga din niya iyon mula sa loob, mahirap na baka pasukin siya ng lalaki.
Pagkapasok nga niya sa banyo ay doon lang siya nakahinga ng maluwag. Do'n niya na-realize na kanina pala niya pinipigilan ang paghinga niya.
Solana took a deep breath. And then she begin to undress her clothes. Nagsimula na siyang naligo at no choice siya kundi gamitin ang sabon at shampoo na ibinigay nito sa kanya.
Nagtagal nga din si Solana sa loob ng banyo. At nang kunin niya ang damit na ibinigay ng lalaki sa kanya ay hindi niya napigilan ang mapakunot. It just a plain t-shirt. No bra and no underwear.
At mukhang pag-aari din nito ang t-shirt na hawak-hawak niya dahil naamoy niya doon ang lalaki.
But Solana was no choice but to wear it. Hindi naman kasi niya pwedeng isuot muli ang damit na tinanggal niya.
It's a yuck.
Humugot nang malalim na buntong-hininga si Solana at saka niya isinuot ang T-shirt. Nagpapasalamat siya na malaking bulas ang lalaki dahil umabot sa tuhod niya ang haba ng t-shirt nito.
Kung bumalik ulit ang lalaki do'n ay pakikiusapan niya na kung pwede ay dalhan din siya nito ng panty and underwear. Hindi siya sanay na walang suot niyon.
Lumabas na si Solana sa banyo. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nang paglabas niya ng banyo ay nakita niya ang lalaki.
Nakaupo pa ito sa gilid ng kama. At mukhang hinihintay siya.
Nag-angat ito ng tingin nang maramdaman nito ang presensiya niya.
At halos pagdikitin niya ang mga binti nang makita niya ang pagpasada ng tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa, pakiramdam nga niya ay may x-ray ang mga mata nito.
"What...are you still doing here?" tanong niya dito ng tumigil ang tingin nito sa mata niya.
"This room is mine, Solana. Everything you see belongs to me," sagot nito sa kanya. Pagkatapos ay nag-dekwatro ito habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa kama sa magkabilang gilid nito.
And his intense gaze locked on her. "You want to get out of here, don't you?" tanong nito sa kanya.
Sunod-sunod naman ang pagtango ang ginawa niya. "Oo," sagot niya.
"Okay. I'll give you a chance to get out of here but in one condition, Solana," wika nito sa kanya.
"What...condition?"
"Let's play a game, Solana."
"What game?"
"A game of forbidden fire, Solana."
Kumunot ang noo niya. Wala siyang ideya kung anong klaseng laro iyon. At mukhang nabasa nito ang nasa isip niya dahil nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"You have to pleasure me, Solana. And if I am satisfied, you can leave this prison of yours."
"W-what?" Nanlalaki naman ang mga mata niya sa gusto nitong mangyari
"That's my only condition, Solana. Pleasure me and make me satisfied, and you'll be free to leave this prison. Or, you'll stay here forever. Now choose."