Chapter 3

2009 Words
NAPAUNGOL si Solana nang magising siya na masakit ang ulo. Hindi lang ang ulo ang masakit, pati na din ang katawan niya. Nakapikit pa din ang mga mata na tumaas ang isang kamay niya para sapuhin ang ulo na nananakit. Ilang minuto nga siyang nanatiling nasa ganoong posisyon hanggang sa magmulat siya ng mga mata. At hindi napigilan ni Solana ang mapakunot nang noo nang mapansin na wala siya sa kanyang kwarto at hindi pamilyar sa kanya kung nasaan siya ng sandaling iyon o kung kwarto ba na matatawag iyon dahil maliban sa maliit na kamang kinahihigaan niya ay wala na siyang ibang makitang kasangkapan sa kwarto. Wala nga din siyang makitang bintana, tanging pinto lang ang nakita niya. Nasa kulungan ba siya? Pilit namang inaalala ni Solana ang nangyari kung bakit siya naroon. At naalala niya ang pagtakas niya sa kanyang bodyguard para makipagkita sa kaibigan, ang pagsakay niya sa kanyang taxi. Ang pagharang ng armadong lalaki sa taxi na sinasakyan at ang sapilitang pagdukot sa kanya, may humarang muli sa kanila at putukan na baril. Hanggang sa naalala niya ang isang lalaking inakala ni Solana na nagligtas sa kanya mula sa abductor niya. "Because I'm not your protector, sweetheart. I'm your prison," naalala ni Solana na wika ng lalaki sa kanya. But it turns out he didn’t save her from her abductor at all. He saved her because he was the one planning to kidnap her. Ngayon ay naintindihan na ni Solana kung bakit nagkaroon siya bigla ng bodyguard. Damn. Kung siguro hindi siya nagpasaway ay wala siguro siya doon, hindi siguro siya maki-kidnap. Ngayon naman ay natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya, kung ano ang gagawin sa kanya ng abductor niya. Hihingi ba ito ng ransom sa ama niya? Pagkatapos ng mga ito na makakuha mg ramsom? Ano ang gagawin ng mga ito sa kanya? Gagasahin? Papatayin? At itatapon na lang ang katawan niya sa gilid ng kalsada o sa ilog? Napapanuod lang niya iyon sa mga balita pero mukhang iyon din ang magiging kapalaran niya. At sa isiping iyon ay hindi napigilan ni Solana at pagtaas ng balahibo sa kanyang katawan dahil sa nararamdamang takot para sa sarili. Hindi niya gusto na ganoon ang mangyari sa kanya kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makatasan siya do'n. Kahit na masakit pa din ang ulo at katawan at pilit niyang bumabangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Pagkatapos niyon ay humakbang siya patungo sa pinto. Sinubukan niyang buksan iyon. Pero ganoon na lang ang pagkadismaya na naramdaman niya ng naka-lock iyon. Ano namang inaasahan ni Solana? Siguradong ni-lock iyon mula sa labas ng abductor niya para hindi siya makatakas. Solana tried to open the door, clinging to the hope that it would open for her. Paulit-ulit niyang sinubukan na pihitin ang seradura pero kahit na anong gawin niya ay ayaw pa din iyon bumukas. At nang maubos ang pasensiya ni Solana ay kinalabog niya ang pinto. "Buksan niyo ito! Palabasin niyo ako!" pagsisigaw niya, patuloy siya sa pagkalampag sa pinto baka sakaling marinig siya mula sa labas. "Pera ba ang kailangan niyo? Magbibigay ako, kahit magkano. Palabasin niyo lang ako." Masakit na ang kamay ni Solana sa kakalampag sa pinto, halos mapaos na din siya sa kakasigaw pero mukhang walang nakakarinig sa kanya. Kaya umalis na lang siya sa harap ng pinto at bumalik sa kama na naroon. Kailangan niyang i-save ang enery niya dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa susunod na sandali. Binuksan nga din niya ang zipper ng suot niyang jacket dahil nakaramdam siya ng paglaalinsangan, pinagpapawisan kasi si Solana. At sa pagbaba niya sa zipper na suot ay tumambad ang suot na itim na bra. At mayamaya ay nag-angat si Sola nang tingin ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto. At hindi niya napigilan ang pag-awang ng kanyang labi nang makita niya ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki. Ito iyong lalaking inakala niyang nagligtas sa kanya. Pero ito pala ang tunay na dudukot sa kanya. Pumasok ito sa loob ng kwartong pinagkulungan nito sa kanya. And those devilish, terrifying eyes were fixed on her. Unmoving. Unblinking. At do'n lang din na-realize ni Solana na hindi ito isang pinoy. The man was foreigner, hindi lang siya sigurado kung ano ang lahi nito. Sobra din ang tangkad nito at kung hindi siya nagkakamali ay lagpas anim na pulgada ang lalaki. At mayamaya ay napansin ni Solana ang pagbaba ng tingin nito sa kanya. At nang sundan niya ito ng tingin ay nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang nakatingin ito sa exposed na bra niya. Mabilis naman niyang itinaas ang zipper na suot ng jacket niya. At nang mag-angat siya ng tingin dito ay napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi. Sunod-sunod naman siyang napalunok. Nang sandaling iyon ay nilabanan nga din niya ang takot na nararamdaman niya dahil tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at saka niya ito nilapitan. Gusto niyang makipag-usap dito para makipag-bargain, para palayain siya nito. "Let me go, Mister," wika niya dito. Sa halip naman na magsalita ito ay nanatili lang itong nakatitig sa kanya, wala naman siyang mabasa na kahit na anumang emosyon sa mga mata nito ng sandaling iyon. At nang hindi pa ito nagsasalita ay muli siyang nagpatuloy. “How much do you want? I’ll give you the money, whatever amount. One million? Two? Ten million?! Just please tell me.” "I don't need money," sagot nito sa kanya sa buong at sa baritonong boses, pati boses ay napapanginig balahibo. Hindi naman niya napigilan ang mapaawang ang labi. Kung hindi nito kailangan ang pera ay ano ang kailangan nito sa kanya? "I want my revenge," dagdag pa na wika nito. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. "Revenge? What do you mean?" tanong niya. Humakbang ito palapit sa kanya. Napaatras naman si Solana ng isang hakbang at mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya dahilan napansin niya ang pagtalim ng ekspresyon ng mga mata nito. At dahil sa takot sa pagtalim ng mga mata nito ay tumigil siya sa pag-atras. He stopped in front of her, his shadow swallowing her whole. He towered over her, and she felt like helpless prey cornered by its predator. "Your father owes me a debt far greater than you can imagine. And now… it’s time for him to pay," wika nito sa kanya sa malamig na boses. "I don’t know what you’re talking about. I don’t have a father,” sagot nito sa kanya. Nagulat na lang siya ng hawakan nito ang pisngi niya. Ramdam niya ang gaspang at init ng kamay nito sa pisngi niya. "Do you think I'm stupid? Is that why you think your lies would work on me?" wika nang lalaki. "You're Zhao Ming's daughter. You're the daughter he hid here in the Philippines." So, Zhao Ming is the name of her father. Binitiwan naman ng lalaki ang pisngi niya. "And your father has a huge debt to me, he needs to pay tenfold." "If my father owes you something, why don't you go after him for it?" tanong ni Solana dito. "He has a lot of money, I'm sure he'll pay you," dagdag pa na wika niya. "I don't need his money," sagot nito sa kanya sa malamig na boses. "If you don't need his money. What do you need?" tanong niya dito. Kung may utang ang sinasabi nitong ama niya dito at ayaw nitong singilin ang ama ng pera ay ano ang gusto nito? Bakit siya nito dinukot? Ano ang kailangan nito sa kanya. "Your father killed my trusted right-hand man, Solana. I want him to pay threefold for what he did," wika nito sa kanya. "An eye for an eye, Solana." At kahit na hindi na dugtungan ng lalaki ang sinabi nito ay naintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Hindi naman siya tanga. Alam na niya ang dahilan kung bakit siya nito dinukot. Gusto nitong maghiganti sa ginawa ng sinasabi nitong ama niya sa pinagkakatiwalaan nitong kanang kamay. Pinatay ng ama ang kanang kamay nito at gusto din siya nitong patayin bilang kabayaran. An eye for an eye, sabi nga nito. Pero bago pa siya nito patayin ay kailangan na ni Solana na mag-isip ng paraan kung paano siya makakatakas do'n. Pasimple siyang tumingin sa nakabukas na pinto. Wala siyang makitang ibang tao do'n, maliban sa kanilang dalawa ng lalaki. Kung matatakasan niya ito ngayon ay malaking chance na makaalis siya do'n. She tried to run, but it seemed he knew what she was thinking, he grabbed her arm quickly. Naisip naman niyang tuhugin ito sa groin area nito pero mabilis siya nitong hinawakan sa tuhod at saka siya nito inatras. Napadaing si Solana ng tumama ang likod niya sa matigas na pader. She tried to break free from him, but he pinned her against the wall. Sinubukan din niyang itulak ito pero para lang siyang tumulak sa pader dahil hindi man lang ito napaatras. Mayamaya ay hinawakan nito ang dalawang kamay niya at itinaas nito iyon. Sinubukan niyang muli itong sipain pero ginamit nito ang mga binti nito para hindi maigalaw. She was trapped in his grip, unable to move her arms or legs. At tanging naigagalaw lang ni Solana ay ang kanyang ulo kaya iyon ang ginamit niya para makawala siya. She drove her forehead into his, headbutting him hard. Tinamaan naman ito sa may baba nito, nasaktan siya sa ginawa pero tiniis niya iyon para makawala siya mula sa pagkakahawak nito. But she underestimated him. Instead of breaking free, his grip on her hands only tightened, sa sobrang higpit ay pakiramdam niya ay mababali na iyon. Naramdaman nga din niya ang pagdidilim ng ekspresyon ng mga mata nito. Akala niya ay sasaktan siya nito pero laking gulat na lang niya sa sumunod na ginawa ng lalaki dahil sa halip na saktan ay siniil siya nito ng halik. It was a punishing kiss, there was nothing gentle about it. His lips crashed against hers, rough and unyielding, dominating her completely. Sinubukan nga niyang iiwas ang labi dito pero mas idiinin nito ang mukha sa kanya at mas pinailalim pa ang halik na pinagkakaloob nito sa kanya. Mapusok, marahas at walang pag-iingat. Pakiramdam nga niya ay nangangapal na ang labi niya sa paghalik nito sa kanya. At dahil hindi siya makawala mula dito ay ang ginawa niya ay kinagat niya ng mariin ang ibabang labi nito, sa sobrang diin ng pagkakagat niya ay nalasahan niya ang dugo mula dito. Inilayo nito ang labi sa kanya. At gamit ang isang kamay ay pinunasan nito ang labi gamit ang likod ng palad nito. At nang makita nito ang dugo doon ay napansin siya ang pagtiimbagang nito. Kung kanina ay madilim na ang ekspresyon ng mga mata nito ay mas lalo iyong dumili. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang hawakan siya nito sa leeg, inakala niyang sasakalin siya nito. At hindi pa siya nakakabawi mula sa pagkagulat ng muli na naman nitong siniil ang labi niya. At hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata ng kagatin din ng lalaki ang ibabang labi niya. Naramdaman nga din niya ang pagkasugat ng labi dahil nalasahan na naman niya ang dugo. At nang maramdaman ng lalaki ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata ay doon lang nito pinakawalan ang labi niya. Hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng titigan siya nito habang patuloy pa din sa pagpatak ang luha sa kanyang mata. Mayamaya ay may dinukot ito sa bulsa ng suot na pantalon. Nakita naman niyang cellphone nito iyon at saka nito iyon itinutok sa mukha niya. "I'll send this to your father," malamig ang boses na wika nito ng kunan siya nito ng litrato. “And don’t provoke me next time. You won’t like me when I’m mad,” dagdag pa na wika nito. Hindi na nga din siya nito binigyan ng pagkakataon para magsalita dahil umalis na ito sa harap niya at lumabas na sa kwartong pinagkulungan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD