GAYA ng utos ni Damien kay Antonette ay dinala siya ng babae sa kwarto nito para pahiramin ng damit. Inakala nga ni Solana noong una ay simpleng damit lang ang ipapakiram nito sa kanya, lalo na at ipinakilala siya ni Eva sa mga ito na kasambahay ni Nicolai. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya kung ano ang pinapahiram nito sa kanya. It was black haltered gown. May slit nga din iyon sa gitna ng hita at sigurado siya na kapag isinuot niya iyon ay ma-e-exposed ang maputi at makinis na legs niya. Sa halip naman na kunin niya ang inaabot nito sa kanya ay tinitigan niya dito. "Come on, Solana. Wear this," wika nito sa kanya. May napansin nga siyang kakaiba, para bang may pina-plano din ito. "What's your plan?" tanong niya dito. Napansin naman niya ang pag-angat ng dulo ng

