HINDI na muling lumabas si Solana sa banyo. Natatakot kasi siya na baka nasa loob pa nang kwarto ang tauhan ni Nicolai na gusto siyang pagsamantalahan. Baka paglabas niya ay nakaabang na ito sa kanya, malinaw pa naman sa isip niya ang sinabi nito na hindi pa ito tapos sa kanya. Baka kasi kapag nahuli na siya nito ay baka hindi na siya makawala.
Pabalik-balik nga din ang tauhan ni Nicolai sa kwarto. Mukhang hinihintay siya nitong lumabas ng banyo. Pero hindi-hindi siya lalabas do'n kung hindi si Nicolai ang papasok sa loob ng kwarto.
At hanggang ngayon nga ay hindi pa din bumabalik si Nicolai. Sinabi sa kanya ng isang tauhan nito na umalis ang lalaki. Pero ang tanong niya ay babalikan kaya siya nito do'n?
"Solana."
Mayamaya ay inalis ni Solana ang pagkakasubsob ng mukha sa kanyang hita nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon ni Nicolai.
"Solana," ulit na tawag nito sa pangalan niya sa baritonong boses.
Sa pagkatataong iyon ay tumayo si Solana mula sa pagkakasalampak niya sa sahig. At saka niya niya binuksan ang pinto. Nagulat pa nga siya nang makita niya si Nicolai sa harap ng pinto ng banyo.
"N-nicolai," banggit naman niya sa pangalan nito. Natigilan ang lalaki ng tawagin niya ang pangalan nito pero nang makabawi ay napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito.
"How did you know my name?" tanong nito sa kanya sa mariing boses.
"It was mentioned to me by one of your men," sagot niya dito.
Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito nang muli itong magsalita. "And what do you want to tell me?" tanong nito sa kanya. Mukhang nabanggit ng tauhan nito ang sinabi niya dito.
Sa halip naman na magsalita ay napatitig lang siya dito. At mukhang hindi nito nagustuhan ang hindi agad niya pagsasalita dahil napansin niya na halos mag-isang linya ang mga kilay nito. "What? Are you going to speak, or am I just wasting my time coming here?"
At nang hindi pa siya nagsasalita ay muli itong nagsalita. "You're wasting my time, Solana," wika ni Nicolai sa malamig na boses. Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita dahil tinalikuran na siya nito. Pero bago pa ito tuluyang makalabas ay mabilis niyang hinila ang suot nitong itim na long-sleeved dahilan para mapatigil ito sa paglalakad.
"Wait," wika niya dito.
"What?"
"Pumapayag na ako," wika niya dito nang magtama ang mga mata nila ng lingunin siya nito. "I am already agreeing to the condition you are demanding, Nicolai," dagdag pa na wika niya.
Nicolai didn't answer, he just stared at her. "And why changed of mind?" mayamaya ay tanong nito sa kanya.
"Because I want to get the hell out of here," mabilis na sagot niya.
Tinaasan lang naman siya nito ng isang kilay. "Do you think my offer still stands?" tanong nito sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi pwedeng hindi siya makaalis sa imperyonong pinagkulungan nito sa kanya. "You already chose your destiny, Solana. So, live with it," wika nito. Akmang tatalikuran muli siya nito ng mabilis siyang humarang sa dinadaanan nito.
Nicolai narrowed his eyes at her, his brows furrowed as well. "Get out of my sight, Solana," wika ni Nicolai sa kanya sa nagbabantang boses.
Sa halip naman na umalis siya sa harap nito ay umabante siya palapit sa katawan nito.
Hindi na nga din niya hinintay na makapag-react ito dahil kasabay ng pagtingkayad niya ay ang pagtaas din ng dalawang kamay para lumambitin iyon sa leeg nito.
Pagkatapos niyon ay idinikit niya ang labi sa labi nito.
Hindi naman gumalaw si Nicolai. At nang hindi pa ito gumagalaw ay nag-umpisang gumalaw ang labi niya. Solana bit her lower lip as if teasing him, until her lips began to move, leaning in to kiss Nicolai.
Nanatiling parang tuod si Nicolai. Hindi ito gumalaw pero hindi naman siya nito itinulak. Mukhang hinahayaan siya nitong gawina ang gusto niya. At dahil matangkad si Nicolai at nahihirapan siyang abutin ang labi nito ay ang ginawa niya ay inapakan niya ang paa nito. At dahil mulat ang mga mata ay nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito pero hindi na niya iyon pinansin, dahil ang atensiyon ay kung paano niya ito masa-satisfy para palayain siya nito doon.
She kissed him passionately, giving it her absolute best. She even slipped her tongue into his mouth, exploring, but Nicolai still remained unmoving.
Sinubukan ni Solana na mag-iba ng ritmo sa pagahalik sa lalaki. She kissed him with all her might. Halos idiin na nga din niya ang labi dito. At nang makapusan siya ng hininga ay do'n lang niya pinakawalan ang labi nito. At sumalubong sa kanya ang walang emosyon na mga mata nito.
"That's it, Solana?" tanong nito sa kanya.
Mukhang hindi pa din satisfy si Nicolai sa ginawa niya. "I'm...not yet done," wika niya dito.
Pagkatapos niyon ay umalis siya mula sa pagkakaapak niya sa paa nito. At marahang itinulak para mapaatras. Hanggang sa mapaupo ito sa gilid ng kama.
Gamit ang isang hita ay pinaghiwalay niya ang dalawang binti nito para pumuwesto siya doon.
Bumaba ang tingin ni Solana sa suot nitong long-sleeved. Tumaas ang dalawang kamay niya para tanggalin ang pagkakabotones ng suot nito. Ramdam niya ang titig ni Nicolai sa kanya na tumatagos sa kaibuturan niya. Kinagat nga niya ang ibabang labi nang mapansin ang panginginig ng kamay habang tinatanggal niya ang botones ng suot nito na long sleeved. At mukhang napansin nito iyon dahil hinawakan nito ang kamay at marahan siyang itinulak palayo.
"If you’re only doing this out of force, don’t go through with it, Solana," wika ni Nicolai sa kanya sa malamig na boses. Akmang tatayo iyo ng mabilis siyang kumandong dito.
"H-hindi ako napipilitan," sagot niya dito.
Hindi na nga din niya hinintay na sumagot ito dahil muli niya itong hinalikan sa labi.
Agad na mapusok ang halik na pinagkakaloob niya dito. Saglit ngang nagtagal ang labi niya do'n hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg nito. Napansin niya ang paggalaw ng adams apple nito kaya iyon ang pinuntirya niya.
Hinalikan niya ang adams apple ni Nicolai. Naramdaman naman niya ang pagkuyom ng mga kamao nito sa ginawa niya. Sandali din niyang hinalikan iyon hanggang sa halikan niya ito sa leeg.
Solana kissed, licked and sucked Nicolai neck. At sa ginagawa niya ay alam niyang mag-iiwan iyon ng marka pero mukhang okay lang naman iyon kay Nicolai dahil hindi naman siya nito itinutulak. Kaya mas hinusayan niya ang paghalik sa leeg nito.
Habang abala ang labi niya sa paghalik dito ay naging abala na din ang kamay niya sa pagtatanggal sa botones ng suot nito. At ngayon ay malaya na ang kamay niya na humahaplos sa matitipunong katawan nito. Ramdam ng kamay niya kung gaano katigas ang pangangatawan ni Nicolai.
How solid is his chest, and how chiseled and rock-hard are his eight-pack abs? Bumaba pa ang paghaplos ni Solana hanggang sa mapatigil siya ng may mahawakan siyang matigas na bagay na nakasuksok sa gilid ng baywang nito. At nang kapain niya kung ano iyon ay mabilis na tinabig ni Nicolai ang kamay niya.
"Just keep doing what you’re doing, Solana," Nicolai said in a deep, baritone voice.
She continued what she was doing, sucking at his neck without hesitation. Alam ni Solana na ginagawa niya iyon para makalaya pero hindi niya maintindihan ang sarili, lalo na ang sariling katawan kung bakit nakakaramdam siya ng init. Her body is burning at hindi iyon dahil sa alinsangan ng panahon kundi sa ibang init.
May nararamdaman nga din ang p********e niya ng sandaling iyon. And she felt herself getting wet.
Dammit.
Itinuon na lang ni Solana ang atensiyon sa pagpapaligaya dito, siniguro niyang masa-satisfy ito. At nasa ganoon nga siyang posisyon ng mapatigil siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone nito
Naramdaman naman niyang kinuha iyon ni Nicolai sa bulsa ng suot nitong pantalon dahil naramdaman niya ang pag-angat ng pang-upo nito. At sa pag-angat nito ay may naramdaman siyang matigas na bagay na bumundol sa p********e niya na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa katawan niya.
"Kept kissing me," utos nito ng sagutin nito ang tawag niya. At habang pinapaulan niya ng halik si Nicolai ay nakikipag-usap naman ito sa kausap nito sa cellphone.
Hindi naman niya maintindihan ang sinasabi nito dahil ibang lenggwahe iyon.
"Okay. I’ll go there," wika ni Nicolai sa kausap.
"Stop, Solana," mayamaya ay wika nito sa kanya.
"I have something important to attend to. Let’s continue this when I get back," wika nito sa kanya.
Pagkatapos niyon ay pinaalis siya nito mula sa pagkakaupo niya sa kandungan nito. Hindi nga din napigilan ni Solana ang pagbaba ng tingin ng may mahagip siya doon. At napaawang ang labi niya nang makita ang malaking umbok niyon.
"You're... satisfied, Nicolai," wika niya ng i-alis niya ang tingin doon.
"I’m the one who will decide whether I’m satisfied or not, Solana," wika nito sa kanya.
Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita dahil tumalikod na ito. Pero bago pa ito tuluyang makalabas ay mabilis siyang tumayo para pigilan ito.
Hinawakan niya ito sa braso dahilan para mapatigil ito. Sa pagdikit nga ng balat nila ay naramdaman niya ulit ang parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya.
At alam niyang naramdaman iyon ni Nicolai dahil bumaba ang tingin nito sa kamay niya na hawak nito.
"P-pwede bang kapag umalis ka ay kunin mo ang susi ng kwarto ko sa tauhan mo, Nicolai? At kung...pwede ay ikaw na lang sana ang pumasok dito. K-kahit isang beses mo na lang akong dalhan ng pagkain o hindi kaya kung gusto mong pumunta dito," wika niya sa lalaki.
Kung aalis na naman ito at may posibiidad na bumalik ang tauhan nitong manyak. Kaya para hindi na makapasok doon ang tauhan nito ay kunin na lang nito ang susi para ito na lang ang makakapasok doon.
At nang hindi pa nagsasalita si Nicolai ay nag-angat siya ng tingin. At napansin niyang nakatingin ito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. Napansin niya ulit ang pagsasalubong ng mga kilay nito
At sundan niya ang tinitingnan nito ay doon lang niya napansin na nakatingin pala ito sa pasa na tinamo niya sa tauhan nito.