Chapter 6- Trigger warning ⚠️

1374 Words
KANINA pa nakatingin si Solana sa gawi ng pinto. Hinihintay kasi niyang pumasok muli ang mastermind sa pagdukot sa kanya. Kanina pa niya ito hinihintay na bumalik para sana makausap ito at sabihin na binabawi na niya ang pasya niya sa kondisyon na hinihingi nito para palayain siya nito doon. Solana has changed her mind; she’s now willing to do anything he asks just to be freed. Gaya ng sinabi niya ay mas gugustuhin pa ni Solana na ito ang i-pleasure niya kaysa gawan siya ng masama ng manyak na lalaking tauhan nito. Nasisiguro kasi ni Solana na kapag bumalik muli ang tauhan nito do'n ay baka gawan na siya nito ng masama. Mayamaya ay naging alerto si Solana nang marinig niya ang paglangitngit ng pinto mula sa labas. Mukhang binubuksan ang lock niyon. Pinagdasal ni Solana na sana ang lalaking hinihintay niya ang dumating pero ganoon na lang ang pagkadismaya na nararamdaman niya ng iba ang pumasok do'n. Pero gayunman ay nakaramdam pa din siya ng relief nang ibang lalaki ang pumasok, mukhang kasamahan iyon ng manyak na lalaki. Lumapit ito sa kanya para i-abot ang pagkain niya. At akmamg aalis ito ng mapatigil ng magtanong siya. "Nasaan ang boss niyo?" tanong nito. "Wala si Boss Nicolai dito. Umalis, may pinuntahan," sagot nito sa kanya. Nicolai? ulit naman niya sa pangalan na binanggit nito. So, Nicolai is the name of her abductor? "Kailan siya babalik?" tanong niya. "Hindi ko alam," sagot nito sa kanya. May balak kayang balikan siya ni Nicolai do'n? O, hahayaan na siya nitong makulong doon ng habang buhay gaya ng sinabi nito? "Pwede bang pagbalik niya, pakisabi kay Nicolai na puntahan niya ako dito? May gusto akong sabihin sa kanya," wika naman niya dito. Isang tango lang naman ang isinagot nito sa kanya bago ito umalis ng kwarto. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Solana. At kahit na hindi pa siya gutom ay kinain pa din niy ang pagkain na bigay sa kanya. Kulang siya ng tulog dahil halos bantayan niya ang buong magdamag. Natatakot kasi siya na baka kapag nakatulog siya ay pasukin siyang muli ng tauhan ni Nicolai na manyak. Mukhang may susi pa naman ito sa lock ng pinto kung nasaan siya. At nang matapos siyang kumain ay muli na naman siyang tumingin sa gawi ng pinto. At muling nag-abang sa pagpasok ng lalaking hinihintay. Hindi nga din alam ni Solana kung ilang oras na siyang naghihintay pero halos lumuwa na ang kanyang mga mata ay hindi pa din bumabalik si Nicolai do'n. Nagpakawala si Solana ng malalim na buntong-hininga. Tumayo nga din siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama at pumasok siya sa loob ng banyo. Tiningnan nga niya kung tuyo na ba ang underwear na nilabhan niya. At nang makita na tuyo na ay naligo siya. Hindi naman siya masyado nagtagal, dahil nang matapos ay lumabas na siya ng banyo. Hindi nga din niya napigilan ang makaramdam ng antok ng sandaling iyon, kulang kasi siya ng tulog. At nang hindi makayanan ni Solana ang nararamdaman na antok ay napagpasyahan niyang umidlip. Hindi naman na siguro papasok ang tauhan na iyon ni Nicolai. Pero nagkamali si Solana dahil naalimpungatan siyang may humahaplos sa pang-upo niya. Hindi lang simpleng haplos iyon, kundi ramdam niya na may pumipisil doon. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata. At mabilis din siyang bumaliwas ng bangon nang makita ang manyak na tauhan na iyon ni Nicolai. "Anong...ginagawa mo?" "Takam na takam na ako sa 'yo," wika nito sa kanya habang dinadilaan nito ang labi nito. At kitang-kita muli ni Solana ang namumulang mga mata nito. Mukhang lulong na naman ito sa droga. "At gustong-gusto kitang tikman," dagdag pa na wika nito. Akmamg aalis siya mula sa pagkakasampa niya sa kama ng mabilis siya nitong nahawakan sa binti. Agad naman nanipa ang nga binti niya pero mas malakas ang lalaki dahil sa halip na makawala siya dito ay humigpit ang pagkakahawak nito doon. "s**t! Let go of me!" Pero sa halip na pakinggan at pakawalan ay hinaplos nito ang binti niya pataas. Nakaramdaman naman si Solana ng pandidiri sa ginagawa nito. She even tried to kick him, struggling to break free from his grip. "Huwag ka nang pumalag. Pagbigyan mo na ako. Huwag kang mag-aalala, masasarapan ka din sa gagawin ko. Dadalhin kita sa langit," wika nito sa kanya. "No!" wika niya ng maramdaman niya ang paghaplos nito sa legs niya Pilit pa din niyang sinisipa ito pero hindi ito pumapalag. At dahil malaya ang mga kamay niya ay iyon ang ginamit niya para suntukin, sampalin at sabunutan ito para lang makalaya siya. At mukhang nagalit ito sa kanya dahil pinakawalan nito ang binti niya para mahawakan siya nito sa kamay. At hindi niya napigilan ang mapangiwi ng higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya. At sa higpit ng hawak nito ay sigurado siyang magkakapasa iyon. "Huwag ka nang manlaban dahil hindi ka din magtatagumpay sa akin. Mas mabuting i-relax mo na lang ang katawan mo at hayaan mo ako na gawin ang gusto ko. Masasarapan ka din, eh. Kaya huwag ka nang magpakipot pa." Gusto ngang masuka ni Solana nang maamoy niya ang mabahong hininga ng lalaki ng magsalita ito. "Tulong!" sigaw niya. "Sa tingin mo may makakarinig sa 'yo? Wala. Dahil sinigurado kong tayo lang ang nandito," wika nito. "At wala ang boss para pigilan ako sa gusto kung gawin sa 'yo." At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang isubsob nito ang mukha sa leeg niya. At halos mandiri muli siya ng maramdaman niya ang basang dila nito sa leeg niya. Hindi nga din niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Pero pilit niyang pinipigilan ang emosyon, sa halip na umiyak at nag-isip siya kung paano siya makakatakas dito. Busy ang lalaki sa ginagawa nito sa leeg niya at nakalimutan nitong malaya ang mga binti niya. Kaya iyon ang ginamit ni Solana. Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas at tinuhog niya ito sa maselang bahagi ng katawan nito. Sa lakas ng pagtuhog niya ay nahulog ito sa kama. "Putang ina!" malakas na mura nito habang namimilipit ito sa sakit, hawak-hawak nga din nito ang nasaktan na p*********i. Serve him right! At habang namimilipit pa ito sa sakit ay kinuha niya iyong pagkakataon para umalis siya do'n. Mabilis siyang humakbang papasok sa loob ng banyo. "Bumalik ka dito, puta ka! Kapag nahuli kita ay papatayin kita!" wika nito sa kanya. Pilit nga nitong tumayo para habulin siya pero bago siya nito mahabol ay mabilis na siyang pumasok sa loob ng banyo at mabilis na isinara ang pinto. Ni-lock nga din niya iyon para hindi ito makapasok. At ganoon na lang ang pagpitlag niya ng kumalabog ang pinto. Sinisipa ng lalali ang pinto para bumukas iyon. "Lumabas ka diyan, 'di puta ka!" wika nito sa kanya habang patuloy ito sa pagsipa sa pinto. Pinagdasal naman ni Solana na sana ay hindi iyon masira dahil kapag nangyari iyon ay... Ipinilig ni Solana ang ulo ng hindi niya gustong isipin ang posisbleng mangyari sa kanya kapag nasira ang pinto at kapag nakapasok ito doon. At hindi nga din maintindihan ni Solana kung bakit ipinagdasal niya na sana ay dumating do'n si Nicolai. Alam naman ni Solana na si Nicolai ang mastermind sa pagdukot sa kanya. At alam din niya ang dahilan nito kung bakit siya nito gustong dukutin. Baka nga matuwa pa ito kapag nalaman nito ang nangyayari sa kanya pero hindi pa din niya mapigilan na ipagdasal na sana ay dumating ito. At umaasa siyang ililigtas siya nito sa tauhan nitong gustong gumawa ng masama sa kanya. "Hayop kang babae ka!" wika ng lalaki habang malalakas nitong sinipa ang pinto. Humawak naman siya doon para itulak ang pinto kung sakaling mabuksan nito iyon. At nang hindi nito masira ang pinto ay mukhang doon lang ito sumuko. "May araw ka ding babae ka. Hindi mo ako matatakasan!" wika nito sa kanya sa galit na boses. Mayamaya ay tumigil ang kalabog ng pinto. Nakiramdaman naman si Solana at nang marinig niya ang papalayong yabag ay doon lang naman siya napadaosdos hanggang sa sumalampak siya sa malamig na tiles ng maramdaman niya ang pangingig ng mga binti dahil sa muntikan ng mangyari sa kanya. Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD