NANGGAGALAITI si Solana sa sobrang inis na nararamdaman para kay Eva. Halos murder-in na nga niya ito sa kanyang isipan dahil sa inis para dito. Makakaganti din siya nito. At sisiguraduhin niyang ibabalik niya dito ang ginagawa nito sa kanya ng triple. Noong una ay kay Nicolai lang siya naiinis, ngayon naman ay dumagdag pa si Eva. At sa dalawa ay kay Eva talaga siya naiinis. Solana took a deep breath to calm herself. At nang medyo kumalma ay sa halip na magbihis ay dumiretso siya sa banyo para maligo, naisip na din kasi ni Solana na maligo dahil naglalagkit ang katawan niya dahil sa juice na itinapon ni Eva sa kanya. At nang makapasok si Solana sa loob ng banyo ay agad niyang inalis ang lahat ng saplot sa katawan. Gusto nga niyang magbabad sa bathtub pero saka na lang kapag medyo oka

