KAHIT nag-ngingit ang loob ni Solana ay wala siyang nagawa kundi sundin ang lahat ng gustong mangyari ni Eva dahil iyon ang gustong gawin din ni Nicolai bilang parusa sa ginawa daw niyang panunulak sa babae. Sa totoo lang ay nahihiwagaan din siya sa pinapakitang protectiveness ni Nicolai kay Eva, mukhang something yata ang dalawa. Pero kung may something ang dalawa ay bakit kailangan pang alukin siya ni Nicolai na maging babae nito kung nandiyan naman si Eva? At sigurado siyang hindi tatanggi si Eva dahil pansin niya na may pagtingin ito kay Nicolai. Ipinilig naman ni Solana ang ulo para alisin iyon sa isip niya. Hindi importante ang dalawa kaya dapat ay hindi na niya iniisip ang mga ito. Nagpatuloy na din siya sa paghakbang para sundin niya ang pinag-uutos sa kanya ni Eva. Nagugutom ka

