GAYA ng sinabi ni Nicolai ay hindi nga siya nakalabas ng kwartong tinutuluyan dahil ni-lock iyon mula sa labas. It had been three days since Nicolai said that to her. At sa loob ng tatlong araw din iyon ay hindi niya nakita si Nicolai, hindi ito nagparamdam at higit sa lahat ay hindi siya nito pinuntahan sa kwarto. Pati nga din si Angelo. May nagdadala sa pagkain niya araw-araw. Babae. Mukhang isa sa mga tauhan din ni Nicolai sa mansion. At sa loob din ng tatlomg araw na iyon ay wala din siyang balita kay Eva. At sa ginawa nito sa kanya, sa pagsisinungaling nito na ginawan niya ito ng masama ay nawala na iyong natitirang pake na nararamdaman niya para dito. Wala na siyang pakialam kung napuruhan na ito o hindi. Pero naniniwala pa din siya na may karma. May araw din ito at si Nicolai sa

