HALOS palakad-palad si Solana sa kwartong tinutuluyan. Hindi kasi siya mapakali ng sandaling iyon. At lalong hindinsiya mapakali sa nangyari kay Eva kung saan nahulog ito sa hagdan. Hindi pala, nagpatihulog ito sa hagdan. Noong una ay hindi niya maisip kung bakit gunawa nito iyon, bakit ito nagpatihulog sa hagdan. Pero nang marinig niya ang hagulhol nito? Nang marinig niya ang sinabi nito kay Nicolai na itinulak niya ito ay doon niya na-realize na gusto ni Eva na pagmukhain siya na masama sa harap ni Nicolai. Her acting is so convincing that Nicolai seems to believe her. Dahil sa tinging ipinagkakaloob nito sa kanya kanina ay parang pinaparatangan na siya nito na talagang ginawa niya iyon. Sinubukan nga niyang idefend ang sarili kay Nicolai, sabihin na wala siyang ginagawang masama.

