NAPAKAGAT si Solana nang labi ng maramdam niya ang hapdi sa kanyang legs nang itaas niya ang laylayan ng suot niyang negligee. At nang bumaba ang tingin niya do'n ay nakita niya ang pamumula niyon. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay binuksan niya ang first aid kit na nakalapag sa ibabaw ng kama at saka niya kinuha ang ointment do'n para lagyan ang paso sa legs niya dahil sa kagagawan ni Eva. Hindi talaga inaasahan ni Solana na magba-backfire sa kanya ang plano niya kay Eva. Hindi kasi niya inaasahan na magiging mapanakit ito. But knowing her, she was capable of doing it. First meeting pa nga lang nilang dalawa ay sinaktan na siya nito. Sa muling pagkakataon ay ipinilig niya ang ulo. At saka na niya ipinagpatuloy ang paglalagay ng ointment sa namumul

