KAGAT-kagat ni Solana ang kuko sa daliri sa kamay habang palakad-lakad siya ng kwartong pinagdalhan sa kanya ni Nicolai. Sa totoo lang ay maayos nang kwarto siya nito dinala, hindi na iyon kagaya sa unang kwartong pinagdalhan nito sa kanya na walang bintana at tanging kama lang ang naroon. Literal na isang kulungan. Pero sa kwartong pinadalhan sa kanya ay mga gamit na, malaki at malambot na kama. May sofa, mga display. At higit sa lahat ay malinis at may malaking banyo. Pero kahit na dinala siya nito sa magandang kwarto ay hindi pa din iyon ma-appreciate ni Solana dahil nga isa pa din siyang priso. Para siyang criminal na ikunulong nito do'n. Hindi naman niya sukat akalain na iisahan siya ni Nicolai. She was overwhelmed by the thought of setting her free, so she didn’t really clarify wh

