1 | Planned

3827 Words
ENJOY READING! (/>o<)/ •×•×•×•×•×•×•×•×•×• PAKIRAMDAM ni Faith ay mabigat na mabigat ang kanyang katawan. Para siyang binugbog at tila pagod na pagod. Naalimpungatan siya nang umagang iyon nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa kanya mukha. Tatayo na sana siya mula sa pagkakahiga nang bigla ay isang kamay ang pumigil sa kanya at hinila siyang muli pabalik sa kama. The strong arms encircled on her waist and hugged her tightly. Tila estatwang nanigas si Faith at tumigil ang kanyang puso sa pagtibok nito. Dahan-dahan niyang tiningnan ang brasong nakayakap sa kanya at doon niya napagtanto na wala siyang saplot! "No!" Sa labis na kabiglaan at pagkataranta at agad na napabalikwas siya ng tayo at naghagilap ng anumang maaarong maitatapis sa hubad niyang katawan. But it was too late. The man is already awake and he's watching her naked glory! Ang mas ikinabigla lalo ni Faith ay nang mapagsino ito. It's Lorenzo Zembrano! Her best friend's fiancé! Hindi malaman ni Faith kung anong parte ng kanyang katawan ang tatakpan ng mga kamay. Mabuti na lamang ay mahaba ang kanyang buhok at bahagyang natatakpan nito ang kanyang dibdib. "W-what are you doing here?" tanong niya rito sa nanginginig na tinig at tinitigan din niya ang nakahubad 'ding lalaki. "What happened?" "I... I don't know." Nalilitong nilingon nito ang nagkalat na damit nilang dalawa sa sahig. It was scattered all over. Mayroong nasa sulok, iba nama'y nasa may pinto and... "Oh!" Mabilis na hinablot ni Faith ang underwear niyang nakasampay sa vanity chair at patakbong pumasok sa bathroom. Nasapo ni Faith ang kanyang mukha dahil sa labis na kahihiyan. 'What happened?' pinilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi ngunit ni-hapyaw ay wala siyang matandaan. Sumasakit lamang ang kanyang ulo dahil sa pagpupimilit na makaalala. "Faith?" Dinig niyang tawag at pagkatok ni Lorenzo sa pintuan. "Please, Lorenzo. I-I don't know what to do if... if ever someone sees us," kinakabahan niyang ani. Ano na lamang ang mangyayari sa kanila kapag nalamang may namagitan sa kanila ng fiancé ng kanyang kaibigan? Hindi na iyon maipagtataka dahil pareho dilang nagising nang walang saplot at—tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin... May mga namumula siyang marka sa katawan na tanda ng kung ano mang nangyari sa kanila ni Lorenzo kagabi. She was so hopeless. Hindi niya alam kung paanong nangyari ito. Wala siyang matandaan and worse ay nakagawa siya ng kasalaan sa kaibigan! At sa ayos nila kanina paggising ay walang hindi mag-iisip na walang nangyari sa kanila kung sakaling may nakapasok sa kwarto. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling malaman iyon ng kanyang papa, at isa pa ng kaibigan niya. Ano nalang ang kahihiyang idinulot niya sa pamilya at sa pamilya ni Lorenzo? "Oh, damn you, Faith..." naluluha niyang bulong sa sarili. Naiiyak siyang napasandal sa tiled wall ng bathroom. She felt like sinking—like dying! Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakagagawa ng malaking kasalanan because she's the 'ideal daughter' that every parent could ever wish for ika nga ng iba. But this is not just a sin, this is a mess. A big-big mess! And she wouldn't even know kung paano niya iha-handle ang sitwasyong iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawing aksiyong ng kaniyang papa. Napapitlag siya sa gulat nang may maulinagang tila may nagtatalo sa loob ng kwarto. Kahit nanginginig at naiiyak sa takot ay isinuot na lamang niya bathrobe na naroon at lumabas. Naabutan niyang naroon ang kanyang mga magulang gayon din ang magulang ng binata. Mas lalong sumiklab ang takot sa kanyang puso. "gameSo, my dear daughter is also here, Lorenzo," mapanganib na wika ni Don Severino, ang kanyang ama. "Now, what do you want us to think?" "Dad... Dad I can explain," mangiyak-ngiyak na ani Faith. "Hindi ko nais na marinig mula sa'yo ang nangyari Faith." Matulis ang tingin ang ipinukol sa kanya ng ama na siyang nakapagpatahimik sa kanya. "I can explain, tito Sev," isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lorenzo. Tanging tapis lamang ng tuwalya ang tumatakip sa kahubadan nito at hindi alintana ang mga taong nasa paligid. Naisuklay nito ang mga daliri sa buhok na tila ay nahihirapan din itong maalala ang nangyari kagabi. "I don't really remember what happened last night... when i woke up this morningㅡ" "Really?!" Patuyang wika ni Tiffany nang makapasok sa silid saka tinapunan ng tingin ang mga nagkalat na damit sa sahig. "Hindi ko rin alam ang iisipin ko, Lorenzo. My fiancé and my bestfriend are cheating on me! And worse ay after pa ng announcement ng engagement natin!" "Tiffany," lalapit sana si Lorenzo sa nobya ngunit isang malakas na sampal lamang ang natanggap niya mula rito. "How dare you! Minahal kita ng buo Lorenzo. Nangako kang ako lang ang babaeng mamahalin mo!" "Tiffany, I don't remember myself making love with another woman when she's not even my girlfriend! Hindi natin alam na baka may nagsabotage kaya nangyari ito." "Huwag ka na magpaliwanag dahil malinaw na sa akin ang lahat!" Nagpupuyos sa galit na binalingan ng tingin ni Tiffany si Faith. "You!" "Tiffany, this is just a misunderstanding. I didn't—" "Walang hiya ka Faith! Mangaagaw ka!" Susugurin sana ito ni Tiffany nang awatin siya ni Lorenzo. "Bitawan mo'ko!" pagpupumiglas nito. "Ano masarap ba? Satisfied ka ba? Malandi kang bruha ka!" "Tiff, I can explain. Just let meㅡ" "Explain? Ano pang eksplanasyon ang sasabihin mo gayong huling-huli ko na kayo?!" "Tiffany, tama na." Pilit na inilalayo ni Lorenzo ang nobya mula kay Faith. "Bitawan mo sabi ako! Walang hiya ka Faith! Mga baboy kayo!" "Tiffany, I said stop!" Mariing hinawakan niya ito sa magkabilang braso. Tinitigan siya nito at ilang sandali pa'y tumulo na ang mga luha nito. Muli ay itinaas nito ang isang kamay na mabilis na dumapo sa pisngi ni Lorenzo. Natahimik ang lahat sa ginawa ng dalaga. "Mahal kita Lorenzo. But why did you do this to me?" Nanatiling tikom ang bibig ni Lorenzo. Niisang salita ay wala siyang maisatinig. Gaya ni Faith ay gulong-gulo rin siya sa nangyayari. "I've been trusting you for such a long time, Lorenzo." Mapait na wika ni Don Severino. "Hindi ako papayag na maaagrabyado ang anak ko. Malaking kahihiyan ito sa ating lahat at dapat lang nating itama iyon bago pa lumaki ang problema. I hope you're man enough to marry my daughter upang panagutan ang nangyari." "Hell, no!" Pagtutol ni Tiffany. "And how about me? Matapos ang announcement namin kagabi ni Lorenzo ay iba pala ang pakakasalan niya? No. He's not going to marry that slut!" "Watch your words, Tiffany. Baka nakakalimutan mo'ng anak ko ang sinusumbatan mo?" Asik sa kanya ni Doña Celestina, ang ina ni Faith. "Bakit, hindi niyo ba nakikita? O sadyang nagbubulag-bulagan lang kayo? Inakit niya si Lorenzo para maagaw siya sa'kin at hindi ako papayag na mangyari 'yon!" Padabog itong lumabas ng silid. Tiningnan ni Lorenzo ang ama't ina. Tila wala ring magawang paraan ang mga ito at hindi man lang magawang tumutol sa sinabi ni Don Severino. "Kung hindi mo pinahahalagahan ang dignidad ng anak ko, puwes ako oo. At hindi ako papayag na hindi mo pananagutan si Faith sa nangyari, Lorenzo." Pinal at may diin sa bawat salita ni Don Severino. Hindi na sumagot pa si Lorenzo. Hindi takot ang kanyang nararamdaman kundi guilt. Yes, pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Faith ay tama lang na ayusin nila ang gusot na nangyari dahil tiyak na madudumihan ang kanilang pangalan. But there is something wrong with what happened... at kailangan niyang alamin iyon. "Mag-usap kayong dalawa, lalabas na kami," ani ng Don at tumigil sa pinto. "Anuman ang kahihinatnan ng usapan ninyo ay hindi makakaapekto pa sa pasya ko." Nang tuluyang maiwan ang dalawa ay naghari ang katahimikan. Tila walang nais bumasag niyon at pareho silang nakikiramdam sa isa't isa. Faith is still stunned. Sa sobrang bilis ng pangyayari at animo siya batang walang magawa at napipi na. Napatingin siya kay Lorenzo. Nakabalandra ang makisig nitong katawan na iisipin mong diyos ng mga griyego. Maliban sa nakatapis na tuwalya, she knew he's naked underneath it. "Don't stare at me like that, Faith!" Angil ni Lorenzo nang mahuli siyang nakatitig dito. Mabilis naman na nagbawi ng tingin ang dalaga. How fool of her at nagagawa niya pang pagpantasiyahan ito. "Hanggang ngayon ay iniisip ko kung papaaanong nangyari ang lahat ng 'to." Nakapamaywang na napatingala si Lorenzo at nagbuga ng hangin. "H-hindi ko rin alam why has this happened and how..." magkahalong kahihiyan at takot niyang ani. "I couldn't believe I slept with my fiancée's friend," patuyang sabi ng binata at salubong ang kilay na tumingin sa kanya. "At lalong hindi ko inisip na sirain ang tiwala ng papa mo," anito saka nagmura. Napapikit ang dalaga. Obviously ay hindi nagustuhan ni Lorenzo ang ideya ng papa niya na ikasal silang dalawa. And the fire she saw in his eyes ay masasabing hindi biro ang galit nito. Who wouldn't be? Lalo na at itatali na sana ito sa kaibigan niya pero naudlot ang lahat dahil sa nangyari sa kanila. Lorenzo smiled bitterly. "Hindi ko akalain na mismong kaibigan pa ng mapapangasawa ko ang nadali ko. But you know what?" Sandaling napatigil ito at lumapit sa kanya. Hindi siya nagpatinag at tinapatan ang titig nito hanggang sa ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa't-isa. Nakatingala na siya rito. "How did you get-in in my room? Si Tiffany dapat ang kasama ko at hindi ikaw." His voice was ruthless. Doon lamang napagtanto ng dalaga na nasa silid nga sila ng lalaki. Ibig-sabihin ay siya ang pumasok roon. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Faith. Tama naman ito, si Tiffany dapat ang kasama nito kagabi at hindi siya. Isang alaala ang sumagi sa kanyang isipan sa nagdaang gabi. "A-ang natatandaan ko lamang ay inabutan ako ng tubig ng isang caterer," napapikit siya at pilit pang may maalala sa nangyari. "At nung nakita kitang pumapasok sa kwarto... t-then the rest I don't know." Ilang sandali pa siya nitong tinitigan. Kunot ang noo at magkasalubong ang kilay nitong nakatingin sa kanya—Puzzled from what she said. "We are still unsure of what really happened. Mabuting magpalakad tayo ng investigation sa nangyari." Walang pakeng inalis nito ang tuwalyang nakatapis at lumayo sa kanya. Unconsciously ay nasapo ni Faith ang noo at saka pumikit. Napahawak siya sa dibdib dahil sa hiya at nerbiyos. 'Jesus! Ano ba'ng iniisip nito at sa harap ko pa mismo naghubad?' "Why?" Kunot-noong tanong nito. "Alam kong hindi ka pa sanay makakita ng lalaking nakahubad, pero kung ipagpipilitan ng papa mo ang gusto niya, masanay ka na na lagi akong ganito." May kung anong pahiwatig ito. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakapantalon na ang binata. But it didn't help her to feel alright. He looks so freaking sexy wearing only jeans. Animo modelo ito ng Calvin Klein sa hitsura nito. "If you wouldn't ask me ay hindi ko rin gusto ang desisyon ni Dad," she bit her lower lips. "Tiffany is my bestfriend. Hindi ko kayang lokohin siya lalo na ang agawin ka sa kanya." "How could you say that? Hindi ba ikaw ang pumasok sa kwarto ko? I hate to say this pero, mukhang planado ang lahat. May gustong sumira sa pangalan natin at ito ang paraan niya para mangyari iyon," wika nito saka kinabit ang sinturon. She sucked her breath sharply. Kung ganoon, ay iisa sila ng iniisip ni Lorenzo. Naalala niya ang pag-uusap nila ng mga magulang nito. Pero bago niya husgahan at sisihin ang mga ito ay kailangan niya munang malaman ang katotohanan. "I do not know where do we go, Faith," naiiling na wika ni Lorenzo. "Pagbigyan ko man ang Tito Sev, everything would go nothing. Pananagutan ko ang nangyari dahil walang Zembrano ang tumatalikod sa responsibilidad niya. Pero huwag kang umasa ng magandang buhay mag-asawa." Pagkasabi niyon ay muli nitong ipinagpatuloy ang pagbibihis. Isang guhit ng kirot sa puso ang naramdaman niya sa sinabi ng binata. Ano na lamang ang magiging kinahinatnan ng buhay nila? Nais niya rin mang tumutol sa hatol ng ama ay wala siyang magawa. Malaki ang takot at respeto niya sa kanyang Daddy. Kaya ganoon na lamang ang pagkapipi niya kanina sa desisyon nito. Faith foolishly stared at Lorenzo. Silently, enchanted with his god-like body while putting on his clothes. She was mesmerized by the masculine moves. Lorenzo Zembrano's definitely masculine and yet, attractively and dangerously handsome with his pair of enchantingly beautiful dark eyes. In one swift moment ay may pakiramdam siya na tila nais niyang lumapit dito at isiksik ang katawan sa matipuno nitong dibdib at braso and try to find some comfort and solace. On instinct ay mariin siyang napapikit at natauhan. Gaya nga ng sabi nito, huwag siyang umasa ng magandang buhay mag-asawa. Kaya ay hindi dapat siya mahulog sa karisma nito kung ayaw niyang pati ang kanyang puso ang mabiktima. •×•×•×•×•×•×•×•×•×• "KUMPADRE, ako na ang humihingi ng dispensa sa nagawa ng anak namin sa dalaga ninyo," paumanhing wika ni Don Rafael kay Don Severino. "Kumpadre," hinawakan ni Don Severino ang Don sa kanyang balikat. "Aaminin kong galit ako. Kailangang pananagutan ni Lorenzo ang anak ko. Kilala mo naman ako, konserbatibo akong tao pagdating sa pamilya." "Huwag kang mag-alala, kumpadre. Hindi ako tumututol sa nais mo. Anak na rin ang turing ko kay Faith. At kung may anak man akong babae at nangyari rin ito ay sigurado akong ganito rin ang gagawin kong desiyon." Mapagkumbabang ngiti nito sa kaibigan. "How could you do this, Tito?" nagpupuyod sa galit na ani Tiffany. "Alam ko namang ayaw ninyo sa'kin para kay Lorenzo. Dahil ba mahirap lang ako? Dahil ba hindi ako kasing-sopistikada ng ibang babae? Dahil ba hindi ako nabibilang sa mundo ninyong mayayaman?" "Tiffany, baka nakakalimutan mong nasa pamamahay pa rin kita?" paalala ni Doña Allana "Huwag na ho tayong magplastikan dito. Alam na alam ko na at malinaw na malinaw na sa akin ang gusto ninyong mangyari kaya nipagtutol sa pagpapakasal ni Faith at Lorenzo ay hindi ninyo magawa." "Hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng dila mo hija," Don Rafael warned her with a look. Ngunit hindi nagpatinag si Tiffany at taas-noo pa ring tinapatan ang titig ng Don. "Bakit? Totoo naman po hindi ba? Kung ipagduldulan niyo si Lorenzo kay Faith ay parang ayos na ayos lang sa inyo kahit na klarong pagtataksil ang ginawa nila sa akin! Sobra na kayo, masyado niyo nang pinangingealamanan ang buhay ng anak ninyo!" "How dare you talk to us like that?!" Isang malutong na sampal ang natanggap ng dalaga mula sa ina ni Lorenzo. Agad namang inawat ng asawa si Allana. "Alam mo hija? Tama ka. Hindi na'ko makikipagplastikan pa sa'yo. Sawang-sawa na ako, diyan sa ugali mo! Akala mo hindi ko malalaman ang ginagawa mo sa pera ng anak ko? At isa pa, hindi pangingealam ang pagpili sa kung ano ang makabubuti sa anak namin. Sino ka ba para kwestiyonin kami sa kung ano ang gusto namin sa anak namin? Ginagawa lang namin kung ano at sino ang makakabuti kay Lorenzo at hindi ikaw iyon!" Pangangaral sa kanya ni Doña Allana. Hawak ang namumulang pisngi ay muling nagtaas ng tingin si Tiffany dito. "Kung ganoon ay anong klase kayong magulang?" "Aba't sumusobra kana!" Muli sanang susugurin ng Doña ang dalaga ngunit agaran itong napigilan ng mga katulong. "Ni-hindi niyo man lang hayaan ang sarili niyong anak na magdesisyon sa sarili niya!" "Tiffany enough!" pagsuway ni Doña Celestina---ang ina ni Faith. "I am not done yet. Kayo," turo niya sa kay Don Rafael at Doña Celestina. "Kung hindi ninyo tinotolerate ang kalandian ng anak ninyo ay hindi ito mangyayari!" "Ikaw, nobya ka lang, kami ang magulang. Wala kang karapatang pagsalitaan kami ng ganiyan!" ani Don Rafael. "Pero huwag kayong mag-alala," taas-noong nakipagtitigan si Tiffany sa mga ito. "Dahil sa oras na maisa-ayos ko na ang lahat ay saka ako babalik at maniningil. Marapat lang na kunin ko kung ano ang akin." Banta nito at tumingin sa papababang si Lorenzo at saka umalis dala ang mga gamit. "Tiffany!" Sigaw ni Lorenzo at hahabulin sana ang dalaga nang pigilan siya ng kanyang papa. "Sige Lorenzo, habulin mo siya at wala ka nang babalikan pa." Mapagbantang tinig ni Don Rafael. Napatigil ito sa tangkang paghabol sa dalaga at nagpakawala ng isang buntong-hininga. Nakita niyang bumaba na si Faith at sinalubong ng ina. "Oh sweety..." dalo ng ina nito at niyakal ang dalaga. "Mom." Gumanti ito ng yakap sa ina. "Tito, can we talk?" Tanong ni Lorenzo kay Don Severino. Isang tango ang sagot nito at iginayak niya ang Don sa veranda malapit sa pool ng mansyon. "Now what?" Kalmadong tinig ng Don. "Tito, I'm really-really sorry about what happened. Alam kong nagkasala ako at may dapat panagutang responsibilidad. Handa ho akong panagutan si Faith sa kasalanang nagawa ko." He sincerely said habang nakayuko. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Kami na ng papa mo ang bahalang mag-ayos ng gulong ito." Lumakad na ito ngunit tumigil ito sa kanyang gilid. "Sa pagkakataong ito, Lorenzo, ibinabalik ko ang tiwala ko sayo. At sana, hindi ako magsising ginawa ko iyon." Tinapik nito ang kanyang balikat at saka tuluyang umalis. ~~~~~~~~~~ ILANG buwan muna ang kanilang pinalipas bago nila pinagplanuhang ituloy ang kasal. Ito ay upang humupa muna ang isyu sa kanilang pamilya at upang hindi mapag-usapan ang naturang naudlot na kasal ni Lorenzo at sa dati nitong nobya. "Mom, Dad..." Tumayo si Faith mula sa pagkakaupo sa harap ng vanity mirror saka sinalubong ng halik sa pisngi ang mga magulang. Kasalukuyan na siyang inaayusan ng mga make-up artist para sa kanilang kasal. "Dios ko Severino, ikakasal na ang dalaga natin..." Yakap sa kanya ng ina. "Magbihis ka na at naghihintay na ang magkakasal sa inyo," wika ng Don saka nilingon ang naka-hanger na damit na kanyang susuotin. Ang ina ni Lorenzo na si Allana ang pumili niyon. Sinisimbulo raw nito ang habang buhay na pagmamahalan at matatag na pagsasama ng mag-asawa, ang mga disenyong nakapalibot dito. 'Pero mukhang malabong mangyari iyon.' bulong niya sa sarili. Ito rin at ang kanyang mommy ang nag-ayos ng preperasyon para sa kanilang kasal. Palibhasa'y may pagka-kikay ang Doña Allana at ang kanyang mommy noong kabataan kaya ang mga ito na ang nagprisintang maghandle ng mga gagawin para sa kasal. Simple lamang ang pagdiriwang. Tanging mga kakilala at mga malalapit na kaibigan lamang ang kanilang inimbita. "Oh my, Faith Alba!" Napapalatak na sabi ng kanyang baklang makeup artist nang makita siya nitong hindi pa nakakapag-ayos. "Naghihintay na 'yung pari and your groom!" Frantic nitong wika saka mabilis na kinuha ang gown na naka-hanger. "Excuse me Mr. And Mrs. Fuentes, ako na po'ng bahala sa anak ninyo. C'mon honey, allow me to fix you." "Sige na sweety, mauna na kami." Pagkasabi niyon ay lumabas na ang mga ito. Walang kibong pumasok sa dressing room si Faith bitbit ang susuoting gown. Hindi niya maramdaman ang excitement na dapat ay nararamdaman ng mga babaeng ikakasal. She felt hopeless at iniisip niyang hindi magiging maganda ang pagsasama nila ng mapapangasawa. Ano ang buhay na mararanasan niya sa puder ni Lorenzo? Paglabas ay suot na ni Faith ang damit na pinili ni Doña Allana. "You look sexily innocent and captivating, Faith! No doubt at nahulog sa'yo ang isang hottie na business man na si Lorenzo Zembrano. You must consider yourself lucky dahil ang lalaking pinapantasya ng maraming kababaihan ay pakakasalan ka ngayon!" Pagmamalaking wika ng makeup artist nang makita siya. Sa narinig na tinuran nito ay nakadama si Faith ng guilt. Ang nasirang nobya sana ni Lorenzo na si Tiffany ang pakakasalan nito ngayong araw, but ended up marrying her. Siya man ang nasa kalagayan ng kaibigan ay magdaramdam din siya nang husto at magagalit. Lalo pa at nais nitong makaahon na sa kahirapan ay siya ang naging dahilan upang hindi mangyari iyon. "But don't worry, I'm sure na hindi na magagawa pang lumingon ni Lorenzo sa iba lalo na at napakaganda ng mapapangasawa n'ya!" muling wika nito at pinaupo siyang muli sa vanity chair upang i-retouch ang kanyang makeup. No, hindi iyon ang kinatatakutan niya. Ang ikinatatakot niya ay ang magiging klase ng buhay niya kasama ang isang Lorenzo Zembrano. Isa pa ay ang nararamdaman niyang guilt para sa kaibigan. How dare she do this to her bestfriend? "No man could ever resist a beautiful woman like you, Faith." Dagdag pa nito at pinagmasdan nilang pareho ang repleksyon niya sa salamin. •×•×•×•×•×•×•×•×•×• FAITH sucked her breath pagdating sa Garden. Lorenzo was standing infront of the priest. And he's breath-takingly handsome with his white slacks and top. Though Lorenzo was wearing a simple clothes it didn't make him less attractive. Nagsimula na ang seremonya ng pari. She felt like drifting at ang lahat ng nangyayari sa paligid ay tila hindi niya namamalayan. Humarap sa kanya si Lorenzo at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Lorenzo, do you accept this woman as your lawfully wife, for richer or poorer, in sickness and in health, till death do you part?" "I do, Father." Sagot nito habang ang mga mata ay matamang nakatitig sa kanya. "Faith Alba, do you accept this man as your lawfully husband, for richer or poorer, in sickness and in health, till death do you part?" Natahimik ang lahat.. Lihim na napalunok si Faith. She had to accept him now dahil wala na silang choice... Pwede naman nilang ipa-annul ang kasal pagkaraan ng ilang panahon. Iyon na lamang ang naiisip niyang solusyon para mabalikan nito ang dating nobya. "Yes, Father... I do..." "I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride." Pahayag ng pari. Unti-unti itong lumapit sa kanya at tinanggal ang nakatabon sa kanyang mukha. Kinabig nito ang kanyang baywang at tinitigan siya sa mata. Ipinikit niya ang kanyang mata nang dahan-dahan na nitong pinaglapat ang kanilang mga labi. Banayad ngunit malalim ang pagkakahalik nito sa kanya. Nagsipalakpakan ang mga tao hanggang sa natapos ang kanilang halik. Hindi pa rin siya nito binibitawan at nakatitig lamang sa kanyang mukha. "Why do you think I agree with this marriage?" Mapait nitong tanong nang matapos ang seremonya ng pari. It was almost whisper na tanging siya lamang ang makaririnig. "I, myself hate this idea, pero mayroon akong isang salita at paninindigan, Faith Alba Fuentes-Zembrano." He sexily said. Sa pagtawag pa lamang ng pangalan niya kadugtong ang apilyido nito, she felt her heart dropped from a thousand feet. Hindi niya maipaliwanag ang biglang pag-ahon ng kaba sa kanyang puso. 'I am now a Zembrano...' Itutuloy... •×•×•×•×•×•×•×•×•×• Hope you enjoyed! Don't forget to rate★ and leave a comment~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD