bc

heart beat

book_age18+
28
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Ang pinaka ayaw ng mangyari ni Sophia sa buhay niya ay ang muling makaharap si Zacharias Valiente, dahil may matindi siyang naging kasalanan dito nang mga bata pa sila,Si Zacharias Valiente ay anak ng ninang Jane niya.Madalas sila magbakasyon dito ng mga kuya niyang kambal.Likas na makulit si Sophia ng bata pa siya at madalas siyang nagpupunta sa kwarto ni Zach para maghanap ng laruan at stuff toys,minsan ng buksan niya ang kwarto nito ay namangha siya sa painting na nakapatong sa study table nito lumapit siya dito para hawakan sana ang painting pero di niya sinasadyang matabig ang ink na nasa baso,natapon ito sa mismong painting na hindi pa ata tapos gawin.

Galit na galit ang fourteen year old na si Zacharias sa kinakapatid niyang si Sophia na noon ay 10 years old lang nang makita nasira nito ang painting na isasali sana niya sa isang Contest sa sobrang inis niya dito ay nasigawan niya ito kahit alam niyang di naman sinasadya ng kanyang kinakapatid ang nanagyari.At dahil sa insidenteng iyon hindi na muli nagpakita sa kanya si Sophia.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
''Baby di ka ba talaga sasama sa amin ni Andrei?...tanong ni kuya andrew bago siya lumabas ng bahay, magbabakasyon kasi sila sa palawan sa bahay nila Ninang Jane na matalik na kaibigan ni Mama,na madalas namin ginagawa magkakasama noon ng mga bata pa kami,pero ngayon nagbago na ang lahat mas gugustuhin ko na lang magkulong sa kwarto ko at matulog maghapon sa bahay kesa sumama sa kanila. ''hindi na kuya madami din ako gustong gawin ngayong Sembreak tsaka may napag-usapan na rin kami ng mga kaibigan ko na mag outing ''....nakangiti tugon ko pero alam kong di siya kumbinsido sa dahilan ko lagi naman kasi yun ang dinadahilan ko sa kanilang dalawang kambal tuwing aayain nila ko.Inaantay na siya ni kuya andrei sa kotse dahil dinig ko na ang pagbusina nito mula sa labas kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para itaboy ko na siya. Binata na sila ngayon at nasa 2nd year college na sila, mas gusto pa din nila magbakasyon sa palawan dahil mas narerelax daw sila doon malapit lang kasi sa dagat ang bahay nila ninang bagay na namimiss ko na rin makita ang magandang tanawin sa bahay nila Ninang yung sariwang hangin at masasarap na pagkain lalo na ang mga seafood na hindi nawawala sa hapag nila Ninang,.Di ko din minsan maiwasan isipin kung kamusta na kaya siya,binata na din siya ngayon at sigurado akong mas gwapo ito ngayon,ni hindi ko kasi magawang iistalk ito sa social media dahil natatakot ako na baka malaman niyang iniistalk ko siya at mas lalong di ko siya matanong sa mga kuya ko dahil siguradong tutuksuhin na naman nila ako sa kanya,kailan kaya kami muli magkikita napabuntong hininga na lang ako sa paglalakbay ng isip ko.Nang di ko na matanaw ang sasakyan ni Kuya ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Nilibang ko ang sarili ko sa Mall,nagtanim sa garden ni Mama,namasyal kasama ang mga kaibigan ko,nagbasa ng mga libro,umikot lang sa ganun ang buong Sembreak ko,.madalas andito sa bahay ang mga kaibigan ko na walang ibang ginawa kung di pag-usapan ang mga crush nila sa school,nagkakacrush din naman ako sa school namin pero hanggang dun lang yun at isa pa takot ako sa mga kuya ko kung magboboyfriend ako ng maaga para kasi sa kanila baby pa din nila ako kahit 14 years old na ako.Madalas kasama ko si Nanay Flor sa bahay siya ang nag alaga sa akin simula ng baby ako wala na rin kasi siyang pamilya kaya dito na siya sa amin nagstay parehong busy si Mama at Papa sa small business namin na Flower Shop kaya si Nanay Flor lang ang kasama ko madalas . Nasa garden ako ng tumunog ang cellphone ko nagchat si kuya Andrei sa akin at nagpicture lang naman ito sa may dagat kasama si Kuya Andrew at ang dalawang babae di nalalayo sa edad ko si Paula at Keith na kapatid ni Kuya Zach at ang likod ng isang lalaki na alam kong si Zach, kahit nakatalikod ito mahahalata mong gwapo ito at makisig dahil kita naman kasi sa naglalakihang binti at braso nito.Ang sungit likod lang ang pinakita niya.Mas nainis pa ako kay kuya sa chat na. ''Inggit baby sister''?....pang-aasar pa nito ''tse,inggit your face''....yun na lang ang nireply ko at pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng mga bulaklak ni Mama sa garden niya.. Sobrang bilis ng araw Natapos na ang Christmas at New year,At kahit dalaga na ako lagi pa din ako nakakareceive ng gift mula kay Ninang Jane paminsan minsan pumapasyal sila sa bahay pagnakakaluwas sila ng Maynila ni Ninong Ruben ang asawa niya at madalas niya kong kinukulit na pumasyal sa kanila kahit daw isang beses lang lagi lang ako nagdadahilan sa kanya. Sumapit na ang ika- 17th Birthday ko, isang taon na lang at magdedebu na ako nasa 2nd year college na rin ako at BS Tourism ang kinuha ko,.Marami na rin mga lalaking nagpaparamdam sa akin ang iba sa kanila ay kung anu-ano pa ang binibigay na mga bulaklak at tsokolate pero wala ako nagugustuhan sa kanila,di ko na kasama sina kuya sa school dahil nakagraduate na ang mga ito at kapwa may mga trabaho na sila. Sinagot ko si Vince isa sa mga manliligaw ko na classmate ko dahil kinikulit ako ng mga kaibigan ko subukan ko daw mag boyfriend kaya nasagot ko si Vince ,gwapo naman siya at matalino pero di ko talaga siya mahal sinubukan ko naman pero wala talaga,nagtagal lang kami ng limang buwan nakipaghiwalay din ako sa kanya dahil ayoko ng pahabain pa ang relasyon namin na alam ko sa bandang huli hiwalayan din ang patutunguhan at siguro dahil nga bata pa kami kaya ganun,nagfocus na lang ako sa pag-aaral ko at hindi na nakipagrelasyon muli. Ngayon ay pinagdiriwang ko ang 18th Birthday ko at ang escort ko ang dalawang kuya ko,madami din ako naging bisita kasama na doon sila Ninang Jane,Ninong ruben kasama din si Keith at Paula pero hindi ko nakita si Zach...' ''happy birthday''....bati sa akin ni Ninang ng makalapit ako sa table nila. ''thank you Ninang ''....yakap ko dito ''happy birthday ate'',....halos sabay na bati ni Keith at Paula sa akin. ''thank you Paula and Keith''....nilapitan ko ang mga ito at niyakap din sila. Natapos ang birthday ko ng masaya,marami ako natanggap na mga gift mula sa pamilya namin sa mga kaibigan at classmate ko.Pero di ko maiwasang isipin si Zach kasama kasi siya sa 18 Roses ko na hindi ako ang naglagay sa invatation kung hindi si Mama.,at okey na rin siguro di siya nagpunta baka kasi pag nakita ko siyang muli ay magtago lang ako sa kwarto ko sa buong araw ng birthday ko ,di pa rin ako handang magkaharap kaming dalawa natatakot pa din ako sa kanya lalo na pag naaalala ko ang araw na sigawan niya ko,sobra ako kinakabahan at ang puso ko parang tambol sa kaba pag naiisip ko yon ewan ko ba bakit di mawala sa akin ang araw na yon kaya lagi ko na lang pinagdarasal na hindi na kami muling magkaharap ni Zach pero alam ko na malabo mangyari iyon...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.3K
bc

Sexytary |SPG|

read
563.5K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.3K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook