Her Wish

235 Words
Naniniwala ka ba sa wishing star? Ako, hindi. Parang bata. Malaking kalokohan. Bakit ibibigay ng mga stars ang wish mo? Ano sila, Angel? Genie? Happy Ghost? Heavenly body lang naman silang nagpo-produce ng light and heat. Parang mga tao rin na nag-i-evolve sa mas matagal na panahon. 'Yon sila. Other than that, they are nothing to me. Kung may wish ka, gumawa ka ng paraan para matupad 'yon at 'wag mong iasa sa mga stars na tutuparin nila ang wish mo. Paniniwala ko yan. Noon. Hanggang sa makilala ko s'ya. S'ya na naniniwala nang sobra sa mga wishing stars. Weird diba? Hindi niya ako tinuruang maniwala sa mga wishing stars. Tinuruan n'ya ako na matutupad ang mga wish ko kasi naniniwala ako. Ang weird n'ya. Sobra. Puno ng posters ng sikat na boy group ang kwarto n'ya. Isa s'yang accident-prone person—meaning kapag lumapit ka sa kanya lalapit sa'yo ang malas, jinx kung baga. Bad news 'yon dahil ako ang lagi n'yang kasama. Masyado s'yang energetic sa ibang bagay pero naive naman kapag tungkol sa amin ang pinag-uusapan. Masarap sakalin. May cellphone s'yang may antenna na lagi namang walang signal at walang load. Ang sarap itapon. Lahat ng kakilala n'ya may kamuka para sa kanya mai-describe lang sa iba. No more to add. Basta weird s'ya para sa akin. Bakit sa kanya napunta ang usapan? Dahil hindi ako basta naniwala sa wishing star dahil sa kanya. Naniwala ako dahil natupad yun at ang wish ko ay mismong s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD