Prologue

825 Words
"Uuwi na tayo bukas," nakangiting balita sa akin ng mama ko. Kahit nakangiti s'ya ramdam kong hindi 'yon totoo, hindi s'ya masaya sa nangyari. Pekeng ngiti para sa ikakagaan ng loob kong nasisiraan na. Bakas sa kanyang muka ang puyat, pagod, pag-aalala at pagdurusa. Ilang taon ang para bang dumagdag sa kanyang edad. Ang Mama ko, ayokong nakikita s'yang nagkakaganito. Pangatlong admission ko na 'to sa ospital ngayong buwan dahil sa sakit ko. Meron akong Hypertrophic Cardiomyopathy at heart transplant na lang ang huli kong pag-asa para mabuhay pa ng matagal. Ang heart muscle ko kasi kumapal kaya nahihirapan na mag-pump ng dugo. Pambihirang puso naman 'to. Bakit kailangan akong mahirapan nang ganito? Bakit kailangang magdusa ng magulang ko dahil sa sakit kong 'to? Bata pa lang ako kasa-kasama ko na 'tong paghihirap na 'to at ngayon ay mas lumala pa. May mga gabi bago ako matulog, napapaisip ako kung gigising pa ako bukas. Nakakatakot. Nakakasira ng bait. Hindi lang ang sakit ko ang humihila sa akin pababa kundi pati ang isip ko na wala nang ginawa kundi pakumplikaduhin ang buhay ko. Hinihila na ata ako ng kamatayan, ayoko lamang sumama. Hindi n'ya ako maisasama nang ganito kaaga. Gusto kong gumaling. Gusto ko pang mabuhay. Tumingin ako sa bintana at kumakaway na sa akin ang makikinang na mga bituin. Napakagandang ng langit, napakaganda nilang pagmasdan. Sa taglay n'yang ganda pinapakalma n'ya ang bigat ng puso kong nagdurusa. Ang dami ko pang gustong gawin sa mundo at tumaparin ang mga pangarap ko pero dahil sa sakit na 'to parang nagdududa akong magagawa ko pa ang mga 'yon. Gusto kong maka-survive. Gusto kong mabuhay pa. Tinanggal na ng nurse ang swero ko kanina kaya nagpaalam ako kay mama na pupunta muna ako sa chapel ng ospital na ka-same floor ko lang. Gusto kong ipagdasal ang sitwasyong hindi ko kontrolado. Gusto ko rin munang pansamantalang makalayo kay Mama. Sinasaksak ata ako ng kutsilo sa dibdib sa tuwing nakikita ko s'yang ngumingiti nang pilit. Nakakabingi ang katahimikan sa pasilyo, nakakasilaw at malamig dito. Ayoko talaga ng amoy ng ospital na parang dumagdag sa bigat ng loob ko. Dahan-dahan ang lakad ko at ninanamnam ang bawat hakbang. Malapit na sana ako sa chapel pero naagaw ang pansin ko nang lalakeng nakaupo sa wheel chair at nakatitig sa hagdanan. Hindi na kailangan magsalita ng taong 'yon para malaman kong may masama s'yang iniisip na gawin. Masama ang kutob ko sa mangyayari. Parang kusang humakbang ang mga paa ko at hinawakan ang handle ng wheel chair para pigilan s'ya bago pa mahulog sa hagdanan. Bumilis nang sobra ang puso ko dahil sa takot at umagos ang luha ko dahil sa ginawa n'ya. Aatakihin ata ako ulit dahil sa kanya! Kalma. Inhale. One. Two. Three. Four. Hold. Five. Six. Exhale. Seven. Eight. Nine. Ten. "Sod off! Umalis ka nga! Alis!" pananaboy n'ya, pero ako umiiyak lang kaya siguro tumigil na s'ya sa pagpiglas. "B-Bakit ka umiiyak?" Nagtuloy-tuloy ako sa pag-iyak. Sa asar ko ngayon sa kanya parang gusto ko s'yang ihulog na nang tuluyan sa hagdan. "Ayaw mo na bang mabuhay? Ako kasi gusto ko pa!" napupuno na ng luha ang gilid ng mata ko, handa nang umagos. "Bakit hindi mo na lang i-donate 'yang buhay mo sa 'kin?" wala sa sarili kong sabi sa kanya habang pinupunasan ko ang luha sa pisngi ko. "I-donate? Ang buhay ko sa 'yo? Baliw ka ba?" Inatras ko ang wheel chair na kinauupuan n'ya at s*******n s'yang itinulak papunta sa chapel na malapit lang mula sa kinaroroonan namin. "Mag-sorry ka sa Kanya." Nakaharap na s'ya ngayon sa altar kung saan nakatingin na sa kanya si Papa Jesus. Gusto n'ya atang makarinig ng sermon. "Alam mo miss, salamat sa concern mo pero mind your own business," mabigat n'yang pananalita at pagpiglas pero nagmatigas akong hawakan ang handle ng wheelchair para hindi s'ya makaalis. "Mamamatay na ako kapag hindi pa ako nakahanap ng heart donor," panimula ko kaya tumigil na s'ya sa pagpiglas. "Gusto ko pang mabuhay. Hindi mo alam ang nararamdaman ng mga taong gustong mabuhay kapag nakakakita sila ng mga taong gusto nang mamatay. Lumalaban kami para mabuhay, bakit hindi ka rin lumaban para gustuhin mo rin mabuhay? Nakakaiyak na may mga taong gustong magpakamatay samantalang ang ibang may taning na pero lumalaban pa rin para mabuhay pa ng matagal." Hindi sumagot ang lalake pero narinig ko ang pagbuntong-hininga n'ya nang malalim. Hindi ko pa nakikita ang muka n'ya dahil ayoko s'yang makitang umiiyak. Baka lalo s'yang mainis kapag sinilip ko pa s'ya. Hindi s'ya nagsalita pero kinontrol na n'ya ang wheel chair para umalis dito sa chapel. Tumigil s'ya sa pag-alis pero hindi s'ya humarap sa akin. "S-Salamat kanina. . . dumating ka." At bago pa ako makasagot ay pinatakbo na n'ya nang matulin ang wheel chair, siguro para makalayo na o baka maghahanap ng ibang hagdanan? 'Wag naman sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD