1. Zeta-Roma

3745 Words
Mataas na ang araw pero naririnig ko pa ang mga ibon na nagkakantahan sa paligid. Nakakadagdag sila ng saya sa puso. Kada hakbang ng paa ko isang patak ng pawis ang tumutulo sa noo ko. Nawala sa isip kong magdala ng payong kaya tiis-tiis na lang kahit masunog ang balat ko, ang importante mabibili ko na mamaya ang inaasam kong gel pen na isang set. Iba't ibang kulay 'yon! Mas masaya magsulat ng notes kung maraming kulay. Papunta ako sa mall para bumili ng kulang na gamit ko para sa pasukan sa lunes at kasama na roon ang gel pen na iba't ibang kulay. Kaso nawala ang ngiti ko nang may humablot sa bag ko at tumakbo nang sobrang tulin. Natulala pa nga ako ng ilang segundo bago ako nakasigaw. "M-Mangnanakaw! May magnanakaw!" Ilang segundo pa ulit ang lumipas bago nagkaroon ng pakiramdam ang tuhod ko na naunanahan ng takot kaya nanlambot. Pambihira! Ang pambili ko ng isang set ng gel pen mapupurnada pa! Ang tagal kong inasam na mapapasakamay 'yon tapos may isang snatcher lang na siSira sa pangarap ko! Tumakbo ako para habulin ang snatcher at nagsisisigaw ako para makahingi ng tulong. Nagulat na lang ako nang nadapa ang snatcher at napansin kong may isang lalake ang tumisod pala sa kanya. Nakabulagta na ang snatcher at kinuyog ng mga tao. Tumigil ako sa pagtakbo para maghabol ng hininga at pinanood ko lang ang pagbawi ng lalake sa bag ko. Inabot n'ya sa 'kin ang bag, nakatitig ako sa cute n'yang muka habang s'ya abala sa paghawi ng buhok n'ya sa harap ko. May nakasubo pa sa bibig n'yang stick at sa tingin ko kwek-kwek ang nakatuhog d'on. Hindi n'ya ako tiningnan at wala s'yang sinabi na kung ano man saka umupo sa karinderya para ituloy ang pagkain. Wala masyadong effort at cool na cool lang n'yang nakuha ang bag ko kanina. "Salamat," mahina 'kong sabi at baka hindi nga n'ya narinig. Tumibok nang mabilis ang puso ko. Dahil ba sa pagtakbo ko? Dahil ba sa takot kanina? Kalma, puso. Bawal kang kumalampag nang ganito. Umubo muna ako ng tatlong beses bago huminga ng dahan-dahan. Inhale. One. Two. Three. Four. Hold. Five. Six. Exhale. Seven. Eight. Nine. Ten. *** After two years na pag-stop sa pag-aaral makakabalik na rin ako sa wakas! Kahit kamuntikan nang maudlot ang pagbili ko ng gel pen dahil may humablot sa bag ko noong isang araw, heto na ako at buong siglang papasok! Dalawang taon na ang lumipas. Dalawang taon na mula noong matakasan ko ang paghila ng kamatayan. Enjoy my life is my mantra. Gagawin kong unforgettable at masaya ang huling taon ko sa Highschool at magsisimula na 'yon ngayon. Humarap pa ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon. Nginitian ko ang taong kaharap ko at kininditan. "Lalabas ka na sa silid na matagal mong tinaguan. Hindi ka na magkukulong. Malaya ka na." Habang naglalakad ako papunta sa school may nakasabay akong lalake na ang wirdo ng kilos. Para kasing kanina pa n'ya ako gustong i-approach. Lalapit tapos aatras. Babalik tapos tatalikod. "Yes? May maitutulong ba ako? Naliligaw ka ba o ano?" Lumapit s'ya agad na parang batang tinawag ng nanay n'ya. Ang pogi ng batang 'to though parang magkasing-age lang kami. Parang gusto ko s'yang buhatin at gawing baby haha. "Mama— ay ate, miss—" mali-mali na 'tong batang 'to. Parang gusto ko talaga s'yang pakainin ng cerelac sa mga oras na 'to. "Kapag may nagbigay po sa'yo ng pusa, alagaan mo po please. Swerte daw po 'yon. 'Yon lang po. Mag-iingat po kayo, bye," sabay paalam at nagmadaling umalis. Hala maka-po parang ang tanda ko eh magkasing age lang ata kami ng batang 'yon. Ano kaya 'yon? OXBRIDGE ACADEMY Nakatayo ako ngayon sa tapat ng gate ng dream school ko. Na-miss ko ‘yong tahimik, organize at child-friendly na school. Hindi ko pinagsisihan ang kalokohang ginawa ko para makabalik dito. Pagpasok ko sa loob naabutan ko ang mga lalakeng nagtatakbuhan na dumaan sa harap ko tapos paglingon ko may natanaw akong lumilipad na stick. Lumilipad s'ya. Malinaw ang mata kaya alam ko na babagsak na 'to sa 'kin. T-teka? Sa akin? Ang sakit ng bumbunan ko! Tamaan ba naman ang dulo ng arnis stick na 'yon ang ulo ko! Saang lupalop ba 'yon galing? May lumapit na teacher sa akin na nataranta sa sinapit ko. "Sorry, hija. Hinahagad ko kasi ang mga pasaway na estudyanteng 'yon kaya kita natamaan. Tara sa clinic para mapa-check natin sa nurse 'yang ulo mo." "H-Hindi. O-Okay lang po. Okay lang po ako." Binabato ng stick ang mga estudyante? Seryoso ba 'to? Ano na bang nangyari sa mahal kong school? Mali ba ako ng napasukang gate? Napansin ko rin ang magulong paligid. Maraming Sira-Sirang armchair sa field, vandalism sa wall at mga nagyoyosing mga lalake sa labas ng building. Ano bang nangyari? Tama ba ako ng school na pinasok? Maling gate nga ata ang napasukan ko kanina? Ito ba ‘yong school na binalikan ko? Nasaan na ang tahimik, organize at child-friendly na school na minahal ko. Matapos kong gumawa ng malaking kasalanan para lang makabalik, ito lang maaabutan ko? Bahala na nga. No more complain. Pasok na Eunjean Vargas! *** Nilakihan ko ang ngiti ko sa harap ng mga taong hindi ko pa kilala pero magiging malaking parte ng buhay ko sa mga susunod na araw. Ang mga batang 'to, marami pa silang hindi alam sa buhay kaya dapat na magabayan ko sila. Magpapakilala na ako sa harap ng mga bago kong classmate, ito ‘yong matagal kong pinag-practice-san sa bahay nang halos dalawang taon. "Good morning! Ako nga pala si Eunjean Vargas. Gawin nating masaya ang huling taon natin sa Highschool. Ngayon pa lang excited na kong makilala kayong lahat. Sana maging magkakaibigan tayo. Nice to meet you—" Mahaba pa sana ang speech ko nang biglang may dumating na teacher ata sa ibang section. Ma’am naman eh, ‘yong sasabihin ko malapit na sana sa inspiring part eh. ‘yong tipong mapapapunas sila ng luha sa gilid ng mata nila. Panira naman oh! "Sorry for the interruption, Ms. Sefina," paumanhin n'ya sa adviser ko. Si Ma’am oh! Ako kaya ‘yong na-interrupt. "Hindi ah. Good timing ka nga." Aba natuwa pa si Ma’am na may umistorbo sa speech ko. Hindi kasi alam ni Ma’am na ‘yong sasabihin ko baka makatulong sa pag-abot ng pangarap ng mga batang 'to. "Good Morning Class-B. Magtatanong lang ako kung may interested bang tumakbo na president ng student council?" Diba dapat pinagbobotohan 'yon? Tahimik ang lahat ng mga kaklase ko. Parang umiiwas sila sa tanong ng teacher. "May interested ba?" tanong n'ya ulit. Sabay-sabay akong itinuro ng mga classmate ko. Mainit ang pagtanggap nila sa akin ah. Wow! Malaki agad ang tiwala nila. Nakakataba naman ng puso. Inilista ng teacher na ‘yong ang pangalan ko at umalis. Kailangan ko nang ituloy ang speech ko. "—maraming salamat sa tiwala n'yo, pangako kapag nanalo ako hindi ko kayo—" hindi na naman natapos. Tumayo na kasi si Ms. Sefina at nagsulat sa blackboard. "Awat na. Upo na doon sa bakanteng silya." Umupo na lang ako sa tabi ng isang lalake. Nakapatamis ng ngiti ko sa kanya para maging magkaibigan kami. Ang pogi ng seatmate ko tsaka ang neat tingnan ng batang 'to, amoy strawberry pa s'ya at ang pula ng labi. Nakakainggit rin ang mahaba at makapal n'yang pilik-mata. Nakaka-excite! Nangangamoy friendship na! "I want to warn you!" Hindi pa man din sumasayad ang pwet ko sa silya ay pinagbantaan na n'ya ako na may nanlilisik na mata. B-Bakit? Wala pa naman akong ginawa. Nagpakilala lang naman ako sa harapan at tumabi sa kanya. Bawal ba s'yang tabihan? May nakaupo na ba dito sa tabi n'ya? "Umurong ka sa kalokohang 'yon," hindi ko ma-gets ang sinasabi n'ya. Anong kalokohan ang kanyang sinasabi? "Running for president," ‘yong itsura n'ya sobrang worried sa akin kaya na-alarma ako. Para namang national election ang sasalihan ko, mababaril ba 'ko o papaulanan bahay namin ng bala kapag tumakbo ako dito? "Bakit naman? Wala ba akong chance manalo?" "Sana nga ganun pero mas malala pa doon. Hindi mo ba kilala ang Zeta-Roma?" Umiling lang ako at walang kaalam-alam sa mga sinasabi n'ya. "Sila ang notorious group dito sa school natin—" "So?" "Napaka-moody ng leader nila at medyo—" Tumigil na s'ya sa pagpapaliwanag at umupo na lang ng maayos, "—sige na nga, support na lang kita." Ngumiti na lang ako at sayang-saya sa bagong buhay ko dito sa school. Hays, ang sarap ng feeling na pumapasok sa school, may mga bagong kaibigan, nakikinig sa klase at may masarap na baon para sa lunch. *** Ang weird lang talaga kasi wala akong kalaban sa pagka-presidente pero dahil ayoko na kumplikaduhin ang isip ko tinanggap ko na lang na oportunidad 'to. Kaka-excite! Feeling ko mas magiging masaya ako ngayon! Sa gate ako mag-aabang ng mga pasaway na estudyante. Oppss. Teka si Dominie ‘yong ahh, may kasama ata. "Good morning, Ms. President kumusta ang mga huling araw este unang araw mo?" bati sa'kin ng kasama n'ya na ang laki ng ngiti. Mas matangkad s'ya kay Dom at mas petite, neat rin tingnan at ang lakas din ng dating. Ang pagkakaiba lang nila ni Dom, ang pisngi n'ya ang mapula at hindi ang labi. "Ito nga pala si Dash, classmate din natin. Absent s'ya nung isang araw kasi galing s'ya sa Korea para manood ng concert ng Bigbang doon." Nanlaki ang mata ko at halos para akong naglaway na lumapit sa ipinakilala sa akin ni Dom na Dash ang pangalan. "W-wait! Fan ka din ng Bigbang?" oh my! Oh my! Para kaming nagkaroon ng spark ni Dash kasi nagtatalon kami sa tuwa kahit wala pang ten seconds kaming magkakilala. Certified VIP kasi ako. Alam kong malaking ka-OA-an pero sila ang buhay ko. "Fantastic Baby?" pagtili ko. "Badboy?" pagtili niya. "Blue?" "Ano ba yan. Kailangan n'yo bang gawin yan sa harap ng school?" hindi na namin naiintindi si Dominie. "Ako nga pala si—" magpapakilala sana ako. "Eunjean Vargas? Ano ka ba, baduday. Sinong hindi makakakilala sa'yo, ikaw lang naman ang naglakas-loob tumakbo sa posisyon na 'yan." Sikat na agad ako ilang araw pa lang ako dito. Grabe, napakasarap naman mag-aral. Hindi ako nagkamali sa pagbalik ko dito. Parang araw-araw nasa paraiso ako. Nadagdagan pa agad ako ng kaibigan, feeling ko bago matapos ang school year kaibigan ko na silang lahat. "Basta ang plano don't associate yourself sa grupo ng Zeta-Roma, okay? Good yang pagiging president pero i-enjoy mo lang at 'wag mong dibdibin ah," payo sa 'kin ni Dash pero kahit s'ya hindi ko ma-gets at nabanggit na naman n'ya ang Zeta-Roma. "‘yong huling president na masyadong nagpabibo para makuha ang atensyon ng leader ng Zeta-Roma medyo na-ospital kaya 'wag mong tularan 'yon ah," gatong naman ni Dom at tumango lang ako na kunwari nasasakyan ko na ang daloy ng kwento. "Medyo na-ospital?" Nagalusan siguro o nagasgasan kaya medyo ang ginamit n'yang term. "Binalian ng braso." Napalunok ako ng laway at napahawak sa braso ko. Wala sa plano ko na mabalian ng braso kaya makikinig na lang ako sa kanilang dalawa para sa kabutihan ko. "O-Okay. Hindi naman ako naghahanap ng kaaway kaya iiwas ako sa g**o kung 'yon ang ibig n’yong sabihin," sagot ko tutal gusto kong maging masaya dito at wala sa plano ko magkaroon ng mga kagalit o kaaway. "Very good ka d'yan," at nag-high five kaming tatlo kahit hindi ko naman ma-gets kung para saan. *** Pauwi na ako nang makaramdam ako ng pagod at napaupo sa daan. Hindi pwedeng malaman 'to nina mama kundi papahintuin na naman nila ako sa pagpasok sa school. Naghahabol ako ng hininga at parang babagsak na ako sa panghihina. Nararamdaman ko na lang na may lumapit at inalalayan ako, s'ya ‘yong batang lalake na nagsabi sa 'kin na tanggapin ko ang pusang ibibigay sa 'kin dahil swerte daw 'yon. Inangkas n'ya ako sa likuran n'ya at wala akong nagawa, "kapit lang po. Hindi ka po pwedeng mawala," bulong ng batang lalake na hindi ko naman maintindihan kaya hindi ko na binigyan-pansin. Ibinaba n'ya ako sa sakayan ng tricycle at ibinilin kung saan ako iuuwi habang ako hinang-hina na walang lakas pa para magtanong kung bakit alam ng batang 'yon kung saan ako iuuwi. Pagdating sa bahay inayos ko muna ang sarili ko at sa kusina ang diretso ko, "Mama, Papa, andito na po ako," masigla kong announcement sa kanila. "Tamang tama maghahapunan na tayo. Halika ka na dito," yaya ni papa, s'ya ata ang naghain ng hapunan. Ayokong mag-alala ulit sila at dagdagan pa ang binigay kong problema. "Honey nandito na ang anak natin." "Bakit po? Nasaan po si Mama?" "Hay ang Mama mo? Nanonood na naman ng koreannobela, manang-mana sa'yo." "Ano ka ba Papa. Sa Bigbang lang ako nahuhumaling." "Ipinagmalaki mo pa ha. Anong mapapala mo sa mga lakakeng sabay-sabay sumasayaw habang kumakanta? Ni hindi ka nga kilala ng mga ‘yong," at marami pang sermon si papa sa akin. Ayos lang ‘yong kahit ganyan magsalita si papa, s'ya naman ang sponsor ko ng mga poster at merchandise ng Bigbang. Sa wakas tapos na rin ang pinapanood ni Mama. Pwede na kaming kumain ng mapayapa. "Hindi ko na mahintay ang bukas," kilig na kilig si Mama. Ano kayang pinanood n'ya? Ano bang bagong K-Drama ngayon sa TV? "Nagluto ako ng paborito mong tempura," inabutan ng plato ni Papa si Mama na ngiting-ngiti. "Thank you honey," ang sweet ng parents ko diba? "Lahat iluluto ko para sa'yo. . . Yeobo." Natigilan ako sa pagkain. Isang bagay ang natuklasan ko ngayong gabi. Addiction to k-pop runs in my family. Matapos ang masayang hapunan umakyat na ako sa kwarto. Humiga na ako sa kama habang pinagpapahinga ang katawan ko. Sa tagal rin ng pahinga ko sa bahay siguro naninibago s'ya sa mga galawan ko ngayon. Pinakiramdaman ko ang puso ko, may mga sikreto na kahit ako gusto kong kalimutan, "Welcome sa bago mong katawan. 'Wag kayong mag- aaway ni lungs, ha? Si kidney malayo sa area mo pero mabait s'ya lalo na si liver." Kailangan kong masulit ang second life ko kahit pakiramdam ko hindi rin magtatagal. Bumangon ako at hinawi ang kurtina ng bintana para mag-abang ng wishing star pero kahit walang star ngayon sa langit ang sarap tumingala at magmuni-muni. Sobrang nagpapasalamat akong nakapag-aral ulit ako. Gagawin kong masaya ang bawat araw na darating sa akin bago pa 'to bawiin sa 'kin. *** Lunch break pero abala ako sa panghahagad ng dalawang pasaway na estudyante. Hinulog ba naman ang mga paso ng third floor. Pa'no na lang kung may natamaan? Okay, na-corner ko na sila dito sa abandunadong school building na nasunog noong first year ako. Humanda kayo. Makakatikim kayo sa akin. Hindi n'yo alam kung anong klaseng parusa ang ibibigay ko sa inyo. "Ano! Pagod na kayong tumakbo?" asar ko sa mga batang ‘yong pero ang totoo, ako ‘yong pagod na. Bakit ang liliksi nila? Bakit ang dami nilang energy o ako lang 'yon matanda sa kanila? "Bakit? Anong parusa ba ang ipapagawa mo sa amin? Pagsusulatin mo ba kami ng 'I will never damage school property again' nang 100 times?" Asar pa'no nila nalaman na ‘yong ang balak ko? Nakakabasa ba s'ya ng isip ng tao! "Mas malala pa doon!" kailangang magpalusot! Mga pasaway. Malapit na akong mapikon. Konti na lang. "Alam mo bang sa lahat ng naging President ng Student council ikaw lang ‘yong pinaka-flat chested!" Ano daw? Bastos kang bata ka ha, matitikman n'yo ang galit ko. Hinubad ko ang isa sa rubber shoes ko at ihahagis ko sa kanila. Sapul sa muka. Sa ibang muka. Sino ba kasi ‘yong biglang lumabas ng room na ‘yong e diba Sira na nga ‘yong? Dahil tuloy sa kanya nakatakas ang mga batang ‘yong. Nasaktan ata ‘yong matangkad na lalakeng ‘yong. Hindi ko naman pwedeng iwan. Tiningan ako ng masama ng laleke. Stop the clock. Anong gagawin ko? Kukunin ko ba ‘yong sapatos ko sabay takbo? Hindi, mali ‘yong. Hindi 'yon makatao. Lalapitan ko na lang s'ya at hihingi ng sorry. Tama! ‘yong nga! Pero hindi na ko binigyan ng pagkakataon ng lalakeng 'yon. Dinampot niya ang sapatos ko at inihagis sa likod ng pader ng school. "Ang rubber shoes ko! Bakit mo tinapon, bata ka!" nilapitan ko s'ya para magmaktol. Akala ba n'ya sa sari-sari store lang nakakabili ng rubber shoes? Pagtingin ko sa kanya medyo 'di ko naaninag agad ang muka n'ya kasi ang tangkad ng batang 'to at nasa likod n'ya ang sikat ng araw kaya nilapit ko pa ang muka ko para makita s'ya. Sa naaaninag ng mata ko ngayon, matangkad s'yang lalake na may malapad na balikat at magandang tindig. Inilalapit ko pa ang muka ko pero tinabing na n'ya ang noo ko para ilayo. Makatabing parang diring-diri ah. "Are you nuts? Hindi mo ba nakita na tumama 'yon sa muka ko? Engot ka ba?" pasinghal na tanong n'ya at may salitang engot pang kasama. Napakasalbaje ng bibig ng batang 'to. Nang makapag-adjust na ang mata ko nakita ko na ng maayos ang itsura n'ya. Teka? Teka! Celebrity ba 'tong kaharap ko? Bakit ang kinis ng muka n'ya at ang ganda ng mata. Oh my gosh! Natatandaan ko s'ya! S'ya ‘yong lalakeng tumulong sa 'kin noong nakaraan! Iyong nagdapa sa snatcher! Highschool pa lang pala s'ya? Akala ko mas matanda pa s'ya sa 'kin noong huli ko s'yang makita. "Such an arse! Hindi ka man lang ba magso-sorry muna? Binato mo 'ko!" galit na galit n'yang sabi kaya medyo na-stress ako. Ay hindi pala medyo, nakakastress talaga s'ya. "Ano? Hindi ka talaga hihingi ng sorry?" ulit niya. Napakunot ang noo ko kasi iba s'ya sa ini-imagine ko. Muka kasi s'yang mabait at gentleman nang huli ko s'yang makita. Bakit kailangan may pagtaas ng boses eh magkalapit lang kami. Haist stressful! "At tinapon mo ang sapatos ko." Sa pagkakataon namang 'to s'ya naman ang tumitig sa 'kin. Naaligaga ako kasi sa sobrang lapit n'ya naaamoy ko ang singaw ng pabango n'ya sa katawan. Ang manly ng amoy. Parang gusto ko pang ilapit ang ilong ko sa katawan n'ya para masinghot ang mabangong amoy n'ya—ay ano bang karumihan ng isip ko! "Mukang bago ka lang kaya hindi mo 'ko kilala," naka-smirk n'yang pagyayabang sa 'kin kaya natauhan ako sa mga naiisip ko tungkol sa amoy n'ya. Sa yabang n'ya kahit presidente pa ng Pilipinas ang tatay n'ya wala akong pakielam. Nakakaasar. NaSira na ang image n'ya sa 'kin. Baka ibang tao 'to. Baka hindi s'ya ‘yong tumulong sa 'kin noon. "Dapat ba kilala kita?" pagtataray ko. Nakakainis naman! Ang cool n'ya last time tapos ganito pala s'ya kapag nakausap na. Suminghal lang s'ya at tinapik ang balikat ko. Malay ko ba kung sino s'ya. Nang makalayo s'ya napagtanto kong may mali din ako. Dapat nag-sorry nga pala ako. Haist, Eunjean naman! Inhale. One. Two. Three. Four. Hold. Five. Six. Exhale. Seven. Eight. Nine. Ten. *** Kumusta naman umuwi nang kulang ang sapatos? Kasalanan 'yon ng lalakeng 'yon! Hindi ko na nahagilap ang sapatos ko, siguro nangatngat na 'yon ng aso at tinangay na kung saan. Wala pa isang linggo mula nang pumasok ako dito nagpaalam na ang sapatos ko. Nagba-vibrate na ang tyan ko. Mag aaway kami ni stomach kapag hinayaan ko s'yang gutom. Tamang tama may natatanaw na akong bakery. Habang iniisip ko pa kung pandecoco ba o chocoroll ang bibilhin ko napansin ko ang lalake na kanina pa nakitingin sa 'kin. Nawirduhan siguro kasi isa lang ang suot kong sapatos. Baka iniisip nito manlilimos ako. "Ikaw si Eunjean Vargas diba?" Ay ang pogi ng batang 'to ah, kahawig n'ya si Jin ng Bangtan Boys. Ang putla ng kulay, matangkad pero hindi ganoon ka-masculine ang pangangatawan. Teka bakit kilala n'ya ako? Sikat ba ako? Magkakilala ba kami? "Bakit mo 'ko kilala?" defense mode ko agad pero ngumiti lang s'ya. Kung budol-budol s'ya baka nabiktima na ako, ang amo kasi ng muka n'ya at hindi mo pag-iisipan na may kalolohang gagawin eh. Hindi na n'ya ako pinansin ulit nang may nakita s'yang pusa at pinakain n'ya ng binili n'yang tinapay. *** Kinabukasan. Lunch break. Bago ko pa man maisubo ang kutsara hinatak na ako ni Dominie papunta sa bintana at may itinurong dalawang lalake na naglalakad sa hallway. Nakasilip kami habang ako bitbit ko ‘yong kutsarang hawak ko kanina. "Nakikita mo sila baduday? Sila ang Zeta-Roma. ‘yong mukang astigin maglakad, s'ya si Lavi Cervantes, ang leader. Kahit anong mangyari 'wag na 'wag na 'wag kang makikipag-away sa kanya kung ayaw mong magpaalam sa school nang maaga. ‘yong kasama n'ya, si Stefan Carter. S'ya ang right hand man ni Lavi." May sumingit sa usapan namin ni Dominie, ang campus princess daw, narinig kong bulong-bulungan noong first day ko. Di ko alam kung ano ang sasabihin n'ya at ina-approach n'ya kami. "Excuse me. Let me clear something. Stefan is not Lavi's right-handman." "Ano ba, Elisha, talk to the wall. Busy kami," sagot ni Dominie na hindi man lang tumingin sa kausap. Napatingin na ako kay Elisha, grabe ang puti at ang kinis, kahawig n'ya si Naeun ng A-Pink. Tapos ang ganda ng mahaba at wavy n'yang buhok. Totoo nga, muka s'yang prinsesa. "Hi," bati ko sa kanya at nagmuka ang fangirl sa ginawa ko. Nakakatulala ang kagandahan n'ya. "Ito nga pala si Eunjean, friend ko s'ya kaya 'wag mo s'yang tatarayan. Eunjean ito nga pala si Elisha. Tara balik na tayo sa pinaguusapan natin," pagpapakilala ni Dom sa'ming dalawa. Sa ekspresyon ng muka ni Dom parang ayaw n'ya kay Elisha. Nagde-debate na sila ni Dominie habang ako ay tulala at hindi mapakali na nakasilip sa bintana. Gusto ko sanang maging kasing kulay ng rainbow ang high school life ko. Kaso dahil sa araw na 'to mukang mapuputol ang inaasahan kong masayang ala-ala. Bakit? Si Stefan na sinasabi nila ay ‘yong nakilala ko sa bakery. At ‘yong leader daw ng Zeta-Roma na Lavi ang pangalan? Na bilin ni Dom na 'wag na 'wag na 'wag ko daw aawayin, ay ‘yong mismong taong tumulong sa 'kin noon at nakasalo ng rubber shoes ko, gamit ang muka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD